27 : Almost with Each Other

21 2 0
                                    

[Lance's]

"It's been 5 months, pretty girl. Nagtatampo na si Isabella sa'yo, wala ka sa pinaka-espesyal na araw niya. Miss na miss ka na namin." pag-kausap ko sa kanya.

Unti-unti na namang lumalabas ang luha sa mga mata ko, ang sakit makitang limang buwan na siyang nakahiga sa kwarto niya. Ang daming aparato ang nakadikit sa kanya.

"Andito ka pala, Lance." sambit ni Tita nang makita akong nakaupo sa tabi ni Brielle.

"Tita, magigising siya 'di ba?" tumingin sa'kin si Tita. May dala siyang towel at tubig, oras na naman para linisan siya.

"Gigising siya, Lance. Magtiwala ka sa kanya." tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.

Limang buwan na siyang Coma, pumasok ang bala sa loob ng bungo niya. 'Yun ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin siya, limang buwan na kaming naghihintay sa paggising niya pero hanggang ngayon hindi pa rin niya minumulat ang magaganda niyang mga mata.

"I miss her so much." usal ko.

"Lahat naman tayo, Lance. Lalo na ang anak niya." nakangiting sambit ni Tita habang pinupunasan ang braso ni Brielle.

"Bakit ba kailangan naming pagdaanan ang mga ganitong bagay? Hindi pa ba sapat ang paghihirap na naranasan namin, sa nagdaang sampung taon? Ano bang kasalanan namin sa Kanya at ginaganito niya kami?" lalong lumakas ang pag-iyak ko.

"Iyan ang huwag na huwag mong iisipin. Kahit kailan, hindi siya nagbigay ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan. Lagi ka lang maniwala sa Kanya, pagdating ng tamang oras at panahon ibibigay niya ang mga bagay na hinihingi mo noon. Siguro hindi pa tamang oras para ibigay sa'yo ngayon, kaya kailangan pa nating maghintay. Patience lang, Lance. Patience and Faith." nakangiti pa ring sambit ni Tita.

Tinitigan ko ang mukha ni Brielle, she's still beautiful as always. Napangiti ako habang inaalala ang mga nangyari noon. Sana pwedeng ibalik ang panahon, para maibalik ko 'yung masasayang ala-ala na mayroon kaming dalawa.

"Daddy!! Gising na ba si Mommy? I have something for her again!" masayang sambit ng anak ko habang papasok ng kwarto.

"Come here, Sweetie." nawala ang ngiti sa labi niya nang makitang ganun pa rin ang kalagayan ng Mommy niya.

"She's still sleeping, hanggang kailan ka ba matutulog Mom? Miss na miss na po kita." nilagay niya sa dibdib ni Brielle ang dala niyang bracelet, punong puno na ng DIY things ang kwarto ni Brielle dahil laging may dala si Isabella para sa kanya.

"Oo nga po pala. Tito Tyler is on his way na po to visit Mommy again." nakatingin saking sambit niya. Tumango naman ako bilang sagot kay Isabella.

***

Naging maayos ang samahan naming dalawa sa loob ng limang buwan. Nasa kanya na rin si Laurence, dahil nakakulong si Sirene. Wala na ring bisa ang kasal namin, kaya malaya na akong pakasalan ang babaeng mahal ko.

Ngayong tanggap na nila ang relasyon namin, saka naman naging ganito ang sitwasyon. Tama sila, laging nasa huli ang pagsisisi pero bakit kailangan pa kasing gumawa ng pagsisisihan? Kung sa simula palang naman kaya nang gawing tama ang ano mang magagawang mali?

Wala na rin namang mangyayari kung sisisihin ko pa ang mga pamilya namin, nangyari na ang nangyari at wala na kaming magagawa pa.

"Mercado, ang lalim na naman ng iniisip mo." sambit ni Tyler.

"Hindi ka pa ba nasanay?" natatawa kong sambit, tinungga ko ang beer na hawak ko.

"Pumunta na ba ulit ang doctor ni Brielle?" pag-iiba niya sa usapan.

"Hindi ko na siya pinapapunta, ayoko sa mga suggestion niya." napalitan ng inis ang kaninang maayos na mood ko.

"What if tama siya? Naghihintay nalang tayo sa wala?" napatingin ako sa kanya.

"Seriously, Flores? Sinasabi mo ba sa'kin na ipatanggal na ang life support niya at mag let go?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Ayokong makitang umaasa si Zienna, she's like my daughter. Paano kung wala na talaga si Brielle? Sinasaktan lang natin ang mga sarili natin, Mercado." tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Lumalalim na ang gabi, mabuti pa umuwi na kayo ni Laurence." walang emosyong sambit ko.

"Lance, it's for Zienna. Ayokong makitang umiiyak na naman siya dahil hindi pa n--"

"Stop it, Flores! Kahit anong sabihin niyo, hindi ko susukuan si Brielle. Hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko noon. Hindi ko hahayaang mawala ulit siya." hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pumasok na sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto ni Brielle, naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"I know you'll wake up. Please, hindi ako susuko ulit. Hihintayin kita. May tiwala ako sayo. Mahal na mahal kita, Brielle." hinalikan ko ang kamay niya, pati na rin ang noo niya.

UMAGA na nang magising ako, nakatulog pala ako sa tabi ni Brielle. Pinagmasdan ko ang mukha niya, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang ngumiti siya.

"Is it the sign? We will wait for you. Alam kong malapit na." hinalikan ko ang noo niya.

Nag-handa na ako para sa pagpasok, kailangan kong magtrabaho dahil ako na ngayon ang nagpapatakbo ng kompanya namin.

Si Isabella naman ay pumasok din sa school, si Tito ang laging naghahatid at sumusundo sa kanya kaya naman panatag ako na magiging maayos lang ang anak ko.

Nang makarating ako sa office ay tambak na gawain agad ang bumungad sa'kin. Ilang linggo na rin kasi akong hindi pumapasok, dahil sa nangyari kay Brielle. Maayos naman ang takbo ng kompanya kaya naman wala akong dapat ipag-alala.

"Sir, may naghahanap po sa inyo." sambit ng secretary ko.

"Papasukin mo." sagot ko habang nakatingin sa mga papeles na pinipirmahan ko.

"Good morning, Mr. Mercado." napatingin ako sa kanya, ang doctor ni Brielle.

"What are you doing here? Andito ka ba para ipagpilitan ang gusto mong mangyari?" agad naman siyang umiling.

"Gusto ko lang ma-check ulit ang pasyente ko. I'm also here to apologize for what I've said last time. I'm sorry for my words, Mr. Mercado." tinanguan ko naman siya dahil kailangan ko ring malaman ang lagay ni Brielle ngayon.

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, agad ko namang sinagot 'yon nang makitang si Tita ang tumatawag.

"L-lance! Si Brielle! Nagflat line siya!" natigilan ako sa sinabi ni Tita.

Agad kong hinila si Doc at dinala sa kotse ko, binilisan ko ang pagmamaneho. Wait for me, Brielle. Please, not now!

NAKARATING kami ng saktong 5 minuto, agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya at nakita si Tita na patuloy sa pag-iyak. Rinig na rinig ang pagtunog ng monitor.

Agad na gumalaw ang doctor, hindi ko na alam ang ginawa niya. Ang alam ko lang ay nawala ang tunog at muling naging normal ang pagtunog noon.

Napaluhod ako dahil sa kabang naramdaman ko, hindi ko na napigil ang pag-iyak. Lumapit ako sa kama niya, hinaplos ang mukha niya habang umiiyak.

"Maayos na ang lagay niya, marahil natrigger ang puso niya." paliwanag ng doctor.

"What do you mean, Doc?" tanong ko.

"May posibilidad na nananaginip siya ngayon, at sa panaginip na 'yon nakasalalay kung magigising siya o hindi. Sa ngayon, hindi pa rin natin alam kung kailan siya gigising. Wala tayong ibang magagawa, kung hindi maghintay pa rin." hinalikan ko sa noo si Brielle.

"She will wake up, for me, for Isabella and for her parents. I know she will." umiiyak ko pa ring sambit.

Kahit maraming signs ang nagpapakita na sumuko na ako, hahanapin ko pa rin ang isang sign para magpatuloy at si Isabella ang sign na 'yon. Hindi ko hahayaang mawalan siya ng Mommy.

"Please, not now. Don't take her now. Oh God, let her live." tahimik kong dasal.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon