28 : Back to Your Arms Again

25 1 7
                                    

[Brielle's]

"Wow! Lumalakad na ang Brielle namin!" napatingin ako sa nagsalita.

It's my Lola and me? A little version of me... andito sila sa park, nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko sila Mommy na nagluluto ng pagkain.

"Wowaaa!" sigaw ng batang ako. Nakangiti lang ako habang pinapanuod sila.

Ang sarap pagmasdan ng batang Brielle, wala pa siyang problema at masaya sa piling ng pamilya niya pero kahit bigyan ako ng pagkakataon, hindi na ako babalik pa sa nakaraan. Masaya na ako sa kung nasaan ako ngayon.

Nang ituon ko ang paningin ko sa kabilang direksyon ay nag-iba ang paligid ko. Napunta ako sa labas ng isang bahay, naguguluhan ako kung anong nangyayari pero pumasok pa rin ako sa loob ng bahay.

Nakita ko ang 7 taong gulang na Brielle, umiiyak sa sulok habang nakayakap sa mga tuhod niya. Pumasok pa ako sa loob para makita kung anong nangyari, parang muling gumuho ang mundo ko.

Nakita ko ang kabaong sa gitna ng sala, nakapatong doon ang picture ni Lola. Ito ang unang pagkakataon na nadurog ang puso ko, noong mawala ang taong nagpalaki at nagmahal sa'kin ng totoo.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, I miss my Wowa. Pinunasan ko ang luha ko at nang imulat ko ang mata ko ay nasa ibang lugar na naman ako, nasa isang paaralan.

Nakita ko ang highschooler na si Brielle, kasama si Irish habang umiiyak.

"Sabi ko naman kasi sa'yo wag na ang Tyler na 'yon eh! Ayaw tuloy nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo siyang may kasamang iba!" napangiti ako nang maalala ang araw na ito.

Nakita ko si Tyler na may ibang kasama, noong mga oras na 'yon ay patay na patay pa ako sa kanya. Pinagmasdan ko pa ang panenermon ni Irish sa akin.

Naglakad ako papunta sa canteen, doon nakita ko ang kumpol ng tao. Nasa gitna ang highschooler na si Brielle, kaharap ang babaeng kasama ni Tyler.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko. Lalong dumami ang tao dahil sa pagsigaw ko.

"Tigilan mo na ang boyfriend ko! Akala mo ba hindi ko alam na patay na patay ka sa kanya? You can't get him!" sigaw ng babaeng kaaway ng highschooler na si Brielle.

Ang araw na ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa principal's office, pinagalitan ako ng araw na 'yon dahil sa nangyaring away.

BIGLA ulit nag-iba ang paligid, isa ako sa nakaupo at nanunuod sa graduation ng mga highschools. Napatingin ako sa kinauupuan ko, lumapit ako para makita nang maayos ang susunod na mangyayari.

Lumapit si Tyler sa highschool na Brielle at naupo sa tabi nito, tinitigan niya si Brielle at ngumiti.

"Brielle, can I court you?" natigilan si Brielle at hindi alam ang isasagot.

Ito ang araw na nagdala sa panibagong kapalaran ko, opisyal niya akong niligawan sa araw na ito. Ilang buwan ang lumipas ay sinagot ko siya, naging masaya kaming dalawa hanggang sa...

Inilibot kong muli ang paningin ko nang makita ang pamilyar na lugar, ang condo ni Tyler. Nakita ko si Brielle sa sofa, nanunuod at ang pagpasok ni Tyler.

Agad inalalayan ni Brielle ang kasintahan at dinala sa kwarto, kaya naman sumunod ako sa kanila. Ito ang araw na sumira sa tiwala ko kay Tyler.

Ipinikit ko ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Brielle, alam ko na ang eksaktong nangyari sa araw na ito at ayoko nang balikan pa 'yon, dahil matagal ko nang napatawad si Tyler.

Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko si Brielle sa park, umiiyak. Biglang pumasok sa isip ko ang araw na makilala ko si Lance, paglingon  ko ay hindi nagkamali ang hinala ko.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon