3 : Double Trouble

46 3 0
                                    

[Brielle's]

7:00 am, I'm already on my way to school. Classes starts at 8:00 am, so I still have an hour to drive.

Nakarating ako sa school ng 7:30 am, medyo maaga pa. Nagpark na ako at pumasok na sa loob ng Campus. Malamang ay alam na nila na wala na kami ni Tyler, mabilis lang kumalat ang balita lalo na at sikat si Tyler dito.

"Look who's here girls!" Napalingon ako sa nagsalita, it's Sirene. Ang matagal nang may gusto kay Tyler, pero naging kami kaya di sya maka-singit.

"Ayoko ng gulo Sirene. Wala akong panahon sa mga sasabihin mo." Maglalakad na sana ako pero hinarangan ako ng mga kasama nyang clowns, tsk.

"Balita ko, pinagpalit ka sa bestfriend ah." She's still childish, nothing change. Dati pa mainit ang dugo niya sa'kin dahil alam niyang may gusto ako kay Tyler.

"Why? Hindi mo matanggap? Na kahit anong gawin mong landi sa kanya, hindi pa rin sayo ang bagsak nya." Sinamaan nya ako ng tingin, and I just give her a boring look. Sawang sawa na ko sa pag-mumukha nya.

Sasabunutan na sana nya ako ng may magsalita sa likuran nya.

"Woah, woah! Easy girls! Let her go." I rolled my eyes when I saw him. Mukha kasi syang ewan na nakataas ang kamay. Bigla namang natulala ung mga kasama ni Sirene. Nakatingin lang ako kay Lance ng may pagtataka. Tf? Ano meron?

"Una si Tyler, tapos ngayon si Lance naman. Ang landi mo Brielle. Lahat na lang ba papatulan mo? Mahiya ka naman, pinapakita mo sa'min na parang hindi mo mnahal si Tyler." Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Excuse me witch! I'm not like you! Simula pa noon, Sirene. Alam mo kung ano ang mga ginawa mo. Halos lahat nga yata ng lalaki sa school natin, naka flng mo. Kaya wag mo kong igagaya sa'yo, dahil kahit kailan hindi ako lumandi sa lima o higit pa." Dahil sa ginawa kong pag-sigaw ay naagaw ang atensyon ng ibang studyante.

"Oh really? Then anong tawag mo di--" naputol ang pagsasalita nya dahil kay Lance.

"Mind your own business, bitch." Nagulat ako ng tumingin ako sa mukha nya, nawala ung ngiting lagi nyang suot at napalitan ng isang nakakatakot na aura.

Hindi na ako naka-react pa ng hilahin nya ako sa kumpulan ng mga taong yon, nang makalabas kami ay si Tyler at Monica na magkahawak ng kamay ang una kong nakita.

Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako, kaya naman sa ibang bagay nalang ako tumingin at hinayaan si Lance na hilahin ako papunta sa kung saan.

Dinala nya ako sa garden ng school at doon lang binitawan. Napatingin ako sakanya, dahil ramdam ko pa rin ang inis sakanya.

"Bakit hinayaan mong ganun ganunin ka ng Sirene na yon? Dapat minsan lumalaban ka rin. Hindi naman porket nakipag kaibigan ka sa ibang lalaki eh malandi na tawag doon." Naiinis nyang sabi, ano bang kinakainis nito.

"Ano bang kinakainis mo? Matagal na nyang ginagawa yon, 'coz she can't get Ty." Umirap na lang ako, pero parang mas nadagdagan pa ung inis nya.

"Teka nga, kilala ka pala dito?" Pag-iiba ko sa topic. Wala kasi akong alam tungkol sa kanya, pero parang si Sirene ang daming alam sa kanya.

"Yeah, hindi mo ko kilala kasi naka-focus ka sa ex mo. Hindi sa pagyayabang, pero ako ang tinitilian sa department namin." Tinignan ko naman sya ng masama dahil sa sinabi nya, kahit na alam ko naman sa sarili kong totoo ang sinabi nya.

"Hindi ka lang talaga interesting para sakin. Saka wala talaga akong alam tungkol sa'yo dahil malayo ang building niyo sa building namin." Palusot ko naman. Natawa lang sya sa sinabi ko, his smiles are back. Finally.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon