HT2: Her Dopple Ganger

128 3 0
                                    

This happen way back in 2012.
Martes nun ng hapon. Quarter to three na yata. Nasa labas ako at nanonood ng liga. Araw-araw kasing may liga sa amin. Kasi, malapit na ang fiesta nun ng Sto. Niño. Idinadaos sa lugar namin ang paliga ni purok at Miss Gay.

Lagi akong nanonood ng basketball kasi kasali ang crush ko. Wala lang. Ang galing niya kasing maglaro. Nakatayo lang ako noon sa tulay ng aming compound na kung saan mga kamag-anak ko lang ang nakatira.

Maliban sa pamilyang Balani. Hindi namin sila kamag-anak. Sila kasi ang nakabili ng lupa na binenta ni lola. Pero, kahit ganoon naging mabuti naman silang kapitbahay. Sa katunayan close kaming lahat ng pamilyang Balani. In short, kilala ko ang angkan nila.

Habang nanonood ako ng basketball may biglang sumulpot sa harapan ko. Medyo, nagulat ako sa presensya niya. Although, kilala ko naman siya. Sadyang nagulat lang talaha ako. Bigla bigla na lang kasi siyang sumusulpot.

Siya si ate Rose. Asawa siya ng kuya ni ate Mela Balani. Sa pagkakaalam ko, isa siyang ofw. Pero, ang alam ko rin nakaalis na ito ng bansa. Sa isip ko naman na baka, umuwi na siya.

Tinanong ako nito. Kung nasaan daw ba si ate Mela. Sabi ko "Nasa bahay po nila, te. Puntahan niyo lang po." Hindi na niya ako kinibo at sinunod ang sinabi ko.

Napakibit-balikat na lang ako.

Hindi ko na siya hinintay na makalabas. Baka, doon siya matutulog. May dala kasi itong bag.

Hanggang sa naulit na naman iyon.

Byernes ng hapon. Same time parin. Nakatayo parin ako sa gate ng compound namin. Nanonood ng laro ni crush nang sumulpot na naman siya.

Syempre, nagulat pa din ako. Biglaan, eh!

May napansin ako. Si ate Rose kasi ang tipo ng tao na masayahin at maaasarin. Close din kami nun kaso... parang may iba sa kanya.

Seryoso lang ang mukha niya. Nakamaong ito na jacket at may bag na nakasabit sa likod. Ganung ganun ang porma niya nung una kong kita sa kanya nung martes. Wala namang pinagbago.

'Yong ekspresyon lang ng mukha niya. Nakakailang.

Tinanong na naman niya ako. Same question pa din. So, sinagot ko siya ng "Nasa loob po, te." Tapos umalis na siya. Hindi ko na siya pinansin. Tinuon ko na lang ang tingin sa crush ko.

Nang matapos ang liga ay naisipan kong hintayin si ate Rose na lumabas. Wala lang. Gusto ko kasing makipagkwentuhan sa kanya. Ang funny niya kasi kausap. Saka, ayaw ko pang umuwi sa amin. Paghuhugasin lang ako ng plato ni mama.

Sa aking paghihintay inabot ako ng alas singko ng hapon pero, hindi parin lumalabas si ate Rose. Inisip ko na baka nagkwekwentuhan din sila.

Aalis na sana ako nang nakita kong palabas si ate Mela. Siguro ay bibili siya ng ulam. Maaga kasi silang kumakain. "Ate! Saan ka?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. "Bibili ng ulam. Nagugutom na kasi kami." Sagot niya. Bigla kong naalala si ate Rose kaya nagpaalam ako sa kanya. "Ate, pwede bang pumunta ako sa bahay niyo mamaya? Makikipaglwentuhan lang ako kay ate Rose." Sabi ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Rose? 'Yong asawa ng kuya ko?" Taka niyang tanong sa akin. Tumango ako. "Hindi pa siya umuuwi, Kath. Next year pa." Nakangiti niyang sagot.

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Te? Eh, nakita ko siya kanina lang saka nung martes. Tinanong niya pa nga ako kung nasaan kayo, eh!" Paliwanag ko.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Akala niya talaga nagbibiro ako.

"Haha! Baliw! Next year pa ang uwi nun. Huwag mo nga akong niloloko, Kath!" Sabi niya ay hinampas ako ng tuwalyang nakapulupot sa leeg niya.

"Hindi po ako nagbibiro, ate. Nakausap ko talaga si ate Rose. Sa katunayan nga, hinihintay ko nga siyang lumabas, eh kaso ikaw 'yong nakita ko." Paliwanag ko ulit.

"Hindi pa siya nakakauwi. Kakatawag lang niya sa amin nung isang araw." Gulat na gulat ang mukha niya ng sinabi niya 'yon.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi ni ate.
Kung ganoon sino 'yong nakausap ko?

Horror Tale 2Where stories live. Discover now