HT2: The Passenger

121 3 0
                                        

THIS HAPPEN LONG TIME AGO. Hindi naman 'to nakakatakot. Creepy lang. Kayo na ang humusga.

Galing kami nun ng birthday party ng tropa namin. Pauwi na kami sa apartment namin that night. Siguro, nasa past 11 na ng mangyari 'to.

Hindi kami nag tagal sa party kasi may trabaho pa kami bukas. Pareho kaming promodiser sa isang mall somewhere in Davao. Iisang mall lang ang pinapasukan namin kaso, hindi kami pareho ng binibentang product.

Naasign kasi ako sa jeans wear for boys. Samantalang siya sa jeans wear for girls.

Actually, naging friends lang kami dahil sabay kaming nag apply at sabay din kaming natanggap. Simula nun naging close kami sa isa't-isa. Sabay kami pumasok, mag lunch at sabay kaming umuuwi sa work.

Magkahati din kami sa appartment na tinitirhan namin. Medyo malaki kasi ang presyo ng appartment ko. Kaya naisipan kong sa appartment ko na lang siya kako mag stay basta hati kami sa babayaran. Pareho kaming walang gurlfriend.

Hindi ko alam kung bakit? HAHA! Hindi naman kami pangit. Ewan ba? Hindi naman din kasi kami nag mamadali.

Nakasakay na kami nun sa jeep. Magkatapat kami nun. Kaming dalawa nalang ang sakay kasi nagsi babaan na yong mga pasahero sa distinasyon nila.

Habang bumabyahe kami nag kwentuhan lang kami ni Axl tungkol sa crush niya sa party.

Natotorpe ang ogag.

Sobrang ganda kasi ng babae saka mukhang mahiyain. Kaya ayon! Hanggang tingin na lang siya. Tamang ngiti at sulyap sa crush niya.

Patuloy lang kami sa kwentuhan kung saan saan na kami napupunta. Napag-usapan din namin ang biglaang change shift namin sa makalawa.

Opener na kasi ako sa nasabing araw habang siya closer na. 9:00 am to 8:00 pm kapag opener ka. 1:00 pm to 10:00 pm naman kapag closer ka. Ganun talaga. But, it will lasted for just one week lang naman.

Habang nagkwekwentuhan ay napatigil kami sa pag-uusap ng biglang huminto si manong driver sa may kanto.

Nagtataka kami kung bakit huminto ito.

Siguro, mga sampong segundo din ang itinagal niya. Nagkatinginan lang kaming dalawa at sabay na nagkibit balikat. Nawewerduhan kami kay manong.

Para bang may pinasakay siyang pasahero gayong wala namang tao. Walang sumakay kaya siguro umandar na siya agad.

Binaliwala na lang namin 'yon. Patuloy parin ang aming kwentuhan. Minsan napapalakas ang aming tawanan. Hanggang sa nag tanong ito.

"Saan kayo baba?"

"Sa dimakita ang halaga ko street po manong. Ito po ang bayad namin." Sabi ni Axl at inabot ang pamasahe namin.

Tinanggap naman niya ito na medyo may pagtatakang nakatingin sa rear view mirror ng jeep niya.

Patuloy lang ito sa pagmamaneho. Seryosong nakatingin sa ulit sa rear view mirror ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung sa amin ba siya nakatingin o sa gilid ko kaya napalingon ako dito.

Wala naman akong katabi. Nasa gitna kami nakaupo. Gaya ng sabi ko walang ibang pasahero maliban sa aming dalawa ng kaibigan ko.

Kaso, nanindig ang balahibo namin sa isa pa niyang tanong.

"Mga hijo, hindi niyo ba napansing bumaba 'yong babae kanina?" Tanong niya.

Nagtaka kami sa tanong niya. Akala namin ay tinatakot niya kami o napaparanoid na siya.

"Ho?" Sabay naming tanong.

Nakatuon ang tingin nito sa daan. Mas nagimbal kami sa sinabi niya.

"May babae kasing pumara kanina. Naka pula. Mukhang galing ito sa party kaya pinasakay ko. Naupo ito sa dulo niyo." Kwento nito.

Baka iyon siguro ang dahilan kaya siya huminto saglit kanina. Tanong ko sa isipan ko.

"Nako manong. Kami lang ho ang pasahero niyo." Sagot ni Axl sa kanya.

Habang ako tahimik lang.

Medyo natakot kasi ako sa kwento ni manong driver. Knowing na wala naman talagang sumakay o kahit tumabi sa isa sa amin.

Napakamot na lang ito sa batok niya. Sino kaya ang tinutukoy ni manong?

----

Horror Tale 2Stories to obsess over. Discover now