Kagabi lang 'to nangyari. Nakakapanindig balahibo.
Ako lang mag-isa sa bahay. Wala kasi ang kapatid ko. Nasa, nobya niya. Kasalukuyan akong nagbabasa ng Apo ng manggagamot. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon o dala lang iyon ng binabasa ko.
Medyo, nakakatakot din kasi ang kwentong iyon.
Nasa chapter 5 na yata ako nang maramdaman kong inaantok ako. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas 10:00 na pala. Naisipan kong itigil mo na ang pagbabasa at umidlip muna saglit. Kasi, mag wiwifi ako later. 'Yong piso wifi ba ganun.
May echecheck akong acc. mamaya.
Itinabi ko na ang phone ko at napatingin sa kisami. Hinayaan kong lamunin ako ng kadiliman. Nakapikit na ang aking mata ngunit, gising parin ang aking diwa. Hindi na naman ako makatulog.
Maya-maya lang ay may narinig akong boses. Isang pamilyar na boses. Boses ng pinsan ko sinasabing ...
"Ayooooo...ay tulog na." Marahil ay nakakauwi na ito galing sa birthday ng nobya niya.
Pagkasabi niya nun ay naimulat ko agad ang aking mata. Hindi pa ako tuluyang tulog nun. Narinig ko siya mismo. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses talaga iyon ng pinsan ko.
Napabalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto. Laking gulat ko ay nawala ito agad.
Baka kako pumasok siya at lumabas din pagkakita sa aking tulog na.
Inon ko ang ilaw. (Nakapatay kasi ang ilaw ng sala. Tanging ang ilaw lang ng kwarto ko ang nakabukas. Nakapatay din ang ilaw ng kwarto ng kapatid ko kung saan ako kasalukuyang natutulog nun. Walang pintuan ang kwarto ng kapatid ko. Tanging akin lang ang meron. Kasi, lalaki naman siya. At ako lang ang babae sa aming magkakapatid.) Tiningnan ko ang seradura ng pinto.
Nanindig ang balahibo ko.
"Nakalock. P-paano siya nakapasok?" Tanong ko sa aking sarili.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang malamig na hangin.
Lumabas ako para tingnan ang paligid. Wala ng katao tao nun. Sirado na rin ang mga tindahan.
Dahil doon hindi na ako nakatulog. Nag piso wifi na lang ako nun hanggang mag umaga. Hindi ko ipagkakaila.... nakaramdam ako bigla ng takot.
Iniisip ko parin kung totoo ba 'yon o isang panaginip lamang. Baka, likha lamang iyon ng malikot kong isipan.
Pero, hindi.
Totoo siya.
Bumulong mismo ito sa aking mga tenga....
YOU ARE READING
Horror Tale 2
AcakMga kwento ng mga tao kasama ang kanilang iba't-ibang karanasan. Karanasang hindi mo nanaising maranasan. Mga nakakatakot at nakakapanindig balahibong kwento. Tara na't ating alamin ang misteryong nababalot sa ating mundo.