HT2 : Noise From The Other Side

437 6 0
                                    

HTG's Note:

Hi, guys! Ambak! Alam nyo bang malapit na ang hallloween? Yey! Kaya, uunahan ko na kayo. Mag uupdate na ako sa book2 ng Horror Tale. Well, I just posted my new collection of horror. So, I hope you still support this and enjooooy!

---

Ako si Amanda.
25 years old.
Bata pa lang ako nakakaramdam at nakakakita na ako ng iba't-ibang klase ng elemento.

Bakit? Sabihin na lang nating kakaiba ako.
Saka ang bahay din namin ay hindi ordinaryong bahay lang.

Dati kasi, pinamamahayan ito ng mga bagay na hindi nakikita ng normal na mga mata. But, now? I don't think so.

Akala ko wala ng mga ganoon sa bahay namin. Na tahimik na. Na wala na talaga sila for real.

For the past 7 months kasi tahimik na ang bahay namin. Pero, puro AKALA ko lang pala ang lahat. Kasi recently lang nagpaparamdam pa sila.

Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ay nakakakilabot.

Nasa kwarto lang ako. At hindi ako lumalabas.

Well, lumalabas naman kapag nandyan ang friends ko. Kaso, wala sila. Busy ang mga kumag sa online class.

Hindi na kasi ako nag-aaral.

Busy na ako sa trabaho ko ngayon. Pag ganitong walang trabaho ay nasa bahay lang ako. Hindi naman ako magalang tao.

Every 1 week may 3 araw kami para mag trabaho since, hindi pa masyadong maayos ang mundo.

Isa akong promodiser sa mall somewhere sa Davao. Tuloy-tuloy sana ang trabaho ko kung hindi lang nagka covid.

Balik tayo sa kwento ko. Ayon nga nasa kwarto lang ako nakahiga at nagbabasa ng WEBTOON. Oo. Mahilig ako sa comics. Of course, wattpad din.

Pero, mas more on ako sa comics, eh! So, ito na nga... nakahiga lang ako as what I've said.

Hindi pa ako lumalabas ng kwarto since pagkagising ko.

I don't feel anything like hunger. Kapag nag babasa ako nakakalimutan ko ang gutom. Saka nag snack na ako since, may mga junk foods naman ako dito sa kwarto ko.

Nagsimula na akong magbasa. Scroll lang ako ng scroll. Nakakakilog na ang bawat scene nang biglang kumalabog ang kabilang kwarto.

Which is kwarto ni kuya. Napatigil ako sa ginagawa ko. Sa pagkakaalam ko work niya today. Sa isip ko naman na baka hindi na naman siya nag work.

Minsan kasi tamad ang isang 'yon. O baka napasarap ang tulog. Tulog mantika pa naman 'yon. Kahit nga naka set ang alarm niya hindi parin nagigising.

Baka, nag grind na naman sila ng mga kaibigan niya sa ML kaya hindi nagising ng maaga para mag trabaho. Yari na naman siya kay mama nyan!

Binaliwala ko na lang at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa nang may nalaglag na naman sa kwarto niya.

I tried to ignore it again. I don't really mind the noise in the other side.

Kaso, this time parang may nahulog na marble mula sa taas. 'Yong parang jolen na inihagis mula sa taas? Ganung ganun.

Kaya bumangon ako at sinilip ang kwarto ni kuya. Sarado naman. Cheneck ko 'yong pinto. Sarado din. Napakamot ako ng ulo.

Bumalik ako sa kwarto ko at hihiga na sana kaso... 'yong ingay na naman ang narinig ko.

Dahil sa inis ko kasi disturbance masyado (wow) pinuntahan ko ang kwarto ni kuya at kumatok.

"Kuya! Ano ba? Ang ingay mo!" Bulyaw ko sabay katok sa kwarto niya.

No response.

Ilang minuto lang binuksan ko na ang pinto.

At humangin ng malakas. 'Yong tipong humampas sa buong pagmumukha ko ang lamig.

I'm so shock in that moment.

That it made me ran into my room then lock the door.

Inihagis ko ang aking katawan sa kama at nagtaklubong ng kumot.

Nanginginig ako.

Kinakabahan.

At natatakot.

Nakakapanindig balahibo.

I saw my brother lying in bed. Sleeping while snoring loud.

And what the most terrified me?



















He's all alone.

Horror Tale 2Where stories live. Discover now