Ang kwentong ito ay tungkol sa kaibigan kong si Lenmy (hindi tunay na pangalan) pangalawa si Leny sa kanilang magkakapatid. Habang yong bunso naman niya ay grade 5 na. Magkaklasi kami ni Lenny way back when we were in elementary school. Grade 5 and 6 to be exact. Nung nag high school na kami hindi na. In short schoolmate na lang kami. Bukod sa sobrang close namin sa isa't-isa, magkapitbahay lang din kami. Minsan kapag may assignment kami pumupunta lang ako sa bahay nila ng maaga. Hindi na ako nagpapaabot ng hapon o gabi. Ang creepy kasi sa kanila.
Sabay kami lagi ni Lenny pati mga pinsan niyang pumapasok sa school, nag lulunch at umuuwi. Naging kaibigan ko na din kasi ang mga pinsan niya. Kaso, si Lenny ang pinakamabagal sa amin. 6:30 pa lang kumpleto na kaming naghihintay sa bahay nila. Samantalang siya, kakagising pa lang niya. Napapakamot na lang ako sa ulo. Medyo may katamaran kasi ang isang 'yon. Kaya minsan—no—lagi kaming na lalate sa pagpasok. Isinisi namin lagi sa kanya 'yon.
Ganung ganun ang senaryo namin tuwing papasok sa school. Maagang dadating sa bahay nila at hihintayin siya para sabay sabay na lahat sa pagpasok. Kaso, nakakapagod din naman ang laging ganun. Walang improvement si Lenny. Later, siguro mga three weeks after hindi na ako sumasabay sa kanila. Bawal kasi sa amin ang ma late sa room. Lagi akong napapagalitan kapag late pumapasok. Simula nun maraming nagbago.
Syempre, I found my new friends. And Lenny too. Hindi na kami sabay mag recess at lunch gaya ng dati. Although, nagpapansinan naman kami when we met each other sa campus. When we saw each other sa canteen. But, hanggang doon na lang. Nag kanya-kanya na kami. As if we're strangers.
Siguro, 5 months kaming ganun. Pumupunta naman ako sa bahay nila... minsan. Kapag gusto ko. Feeling ko unti-unting nag fafade 'yong friendship namin. Kapag nagkakasalubong kami sa tindahan or sa daan we just simply smile at each other.
Ganun siguro kapag may bago ka ng friends. Nababaliwala niyo ang isa't-isa. One time nga pumunta ako sa bahay nila para sabay na kami ni Lenny pumasok pero, pagpunta ko doon nakaalis na daw siya sabi ng papa niya. Atleast, maaga na siyang pumapasok sa school. Nagkakasawa din naman kasi ang laging late.
Hindi ko na tanda ang insaktong araw o buwan nun nang nabalitaan ko ang nangyari sa kanya. Akala ko joke lang or what hindi kasi ako makapaniwala. May pasok ako nun ng malaman ko ang nangyari sa kanya. Sinabi sa akin ni Arsi. Ex bff ko kasi ang bff niya na kaklasi namin sa grade six dati. Nagpunta siya sa room namin para ipaalam sa akin ang kalagayan ni Lenny. Kaso, hindi ako naniwala sa kanya. Imposible kasi, eh!
Until, ako na mismo ang pumunta sa bahay nila to see for myself. And totoo nga ang sinabi niya. She's not doing well. Unti-unting nalalagas ang buhok niya na para bang may malubha siyang sakit like cancer. Pumapayat din siya at sa totoo lang napakalayo ng itsura niya sa dati. Sabi ng mama niya hindi daw niya alam kung ano ang nangyari sa anak niya. Pinaospital na daw nila ito kaso, wala naman daw makitang sakit sa kanya.
Sandali lang ako doon kasi may pasok ako kinabukasan. Sa sobrang busy ko sa school nun, patong patong ang assignment, practice sa sayawit (kaya madalas gabi na ako nakakauwi) nakalimutan kong dalawin siya. Hanggang sa nangyari ang kinakatakutan naming araw. Wala na siya. Namatay siya dahil sa sakit niya. Pumapayat at laging nalalagas ang buhok. Wala din daw itong ganang kumain.
Hindi ko alam pero, nagtataka ako? Bakit niya nararamdaman ang ganoong sakit kung gayong napakalusog naman niya before? Ang lakas kayang kumain ni Lenny. Hindi nga 'yon dinadapuan ng sakit. Saka napakabata pa niya para mawala sa mundo. Pigang-piga ang utak ko sa kakaisip kung bakit siya nagkaganoon.
Isang malaking palaisipan parin sa akin ang nangyari sa kanya. Hindi ako nakapunta ng libing niya kasi 'yon ang araw ng sayawit namin sa Val Ed. Kapag umabsent ako baba ang grade ko. Kaya, wala akong choice kundi ang mag perform.
Papauwi na ako ng bahay nun galing school nang nakasalubong ko ang pinsan niya. Base sa mukha niya nagluluksa parin ito sa pagkamatay ni Lenny. Ako din naman. Kasi kahit papaano naging kaibigan ko siya more than two years. Tinanong niya ako kung bakit hindi ako nakapunta sa libing ni lenny. Sabi ko nag perform ako para sa Val Ed namin. Napaka terror kasi ng teacher naming iyon. Bawal umabsent baka maging absent din ang grades mo for the third grading. Sino ba naman ang gustong bumagsak 'diba? Wala naman siguro.
Napa "ah" lang siya nun. That time kinain ako ng kuryusidad kaya tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nangyari kay Len. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. As in NO WAY! Parang may something, eh!
"Nagsimula 'yon noong nagkayayaan sila ng mga kaklasi niyang maligo sa dagat. Napagkasunduan kasi nilang mag cutting at magpunta sa place ng isa niyang kaklasi para doon sila maligo. Napakaingay daw ni Lenny, sabi ng kaklasi niya habang naliligo sila sa dagat. Sigaw daw ng sigaw si Lenny, tawa nang tawa ng mga oras na 'yon. Sa kanilang lahat si Lenny ang pinakamaingay."
"Pagkauwi ni Lenny sa bahay nila, ilang araw lang ang lumipas masama daw ang pakiramdam niya. Lagi siyang nilalagnat at walang ganang kumain. Ilang linggo ang lumipas pumapayat siya at nalalagas ang buhok niya. Sinubukan namin siyang dalhin sa ospital pero, walang makita ang doktor. Kaya, lumapit si tita sa isang manggagamot. Hindi na kasi alam ni tita at tito ang gagawin. Napag-alaman ng manggagamot na naengkanto daw si Lenny at nabulabog niya ang mga nakatira doon."Gulat na gulat ako sa aking natuklasan. Tama nga ang hinala ko. Hindi ordinaryong sakit ang nararamdaman niya.
YOU ARE READING
Horror Tale 2
RandomMga kwento ng mga tao kasama ang kanilang iba't-ibang karanasan. Karanasang hindi mo nanaising maranasan. Mga nakakatakot at nakakapanindig balahibong kwento. Tara na't ating alamin ang misteryong nababalot sa ating mundo.