"Hikaru!" narinig kong may tumawag sakin. Yan kasi ang codename ko sa sinalihan kong clan, lumingon ako pero di ko sya namukhaan kasi madilim sa lugar nya.
Uso ang carreer, landian o ano man ang pwedeng itawag sa pakikipag ugnayan ng babae at lalaki sa clan.. Nakakalibang kasi minu-minuto may katext ka, kausap sa phone at kapag bet mo ang katext mo pwede mo sya maging boyfriend in an instant. Yes, ganun talaga sa Clan..
Si Kyle, founder ng Clan. I find him sweet everytime na may pagkakataon pinaparamdam nya sakin na special ako sa kanya. Yet, ayoko padin seryosohin dahil kahit kailan alam ko sa sarili na ayoko pumatol sa isang womanizer. Halos lahat na yata ng magaganda sa Clan naging Girlfriend na nya, nakikita kong nag make out sila anywhere. Di naman siguro ako tanga para maniwala sa sinasabi nya. Pero dahil dala nadin ng curiosity ko hinayaan ko syang manligaw sakin, hindi ko sya mahal pero natutuwa ako sa atensyon na nakukuha ko sa iba dahil nadin ang Founder at Ms. President ng Clan naglalandian..
Di ko sya hinayaan hawakan ako kahit holding hands. Sapat na sakin na nilalandi ako ng Founder slash Heartrob slash Napaka poging si Kyle. Siguro talagang ganun ako, ayoko ng nababastos at gusto kong nirerespeto ako..
"Sabay na tayo umuwi para alam kong safe ka tutal magkalapit lang naman ang bahay natin, Anong oras out mo?" Text sakin ni kyle. Natutuwa ako sa kanya pero di ko alam kong alin ang totoo at alin ang landi lang.
Sabay kami umuwi, hinintay nya ako sa tapat ng building namin kasama ko ang mga kaibigan ko pati sila kinikilig sakin. Di ko maiwasan mapangiti sa nakikita ko. Nakasuot sya ng uniform namin pero parang iba ang dating sa kanya.. yung tipong mapapatingin ka sa kanya kahit pareho lang naman kayo ng suot. Ganun head turner si kyle..
"Tara na?" Kinuha nya ang bag ko at kinuha din nya ang kamay ko. Iniwas ko yun pero mapilit sya.. hinayaan ko nalang at dinama ang sandali na Malandi din ako.
Kumain kami ng ice cream sa labas at nagkwentuhan habang naglalakad. Masarap syang kasama kaya pala madaming naloloko sa kanya.. Napansin ko din na gentleman sya, galante at kengkoy. Medjo may pagkamayabang dala nadin siguro ng kagwapuhan nya... Pinabayaan ko lang sya sa topic namin, napapansin ko na nakatitig lang pala ako sa kanya at napasabi ko sa sarili "Shit! May crush na yata ako sa loko na toh".
"Wag mo masamain pero totoo ang intensyon ko sayo, iba ka sa ibang babae kaya gusto kita."
"Hahaha! Tigilan mo nga ko pare, di mo ko madadaan sa ganyan! Mag Gm nalang tayo para alam nila na magkasama tayo." Sabi ko.
Mr. Founder of EPICEIN.
Hi guys! Kamusta? Ang ingay ah! Pagpatuloy nyo lang yan.. Mamaya pala punta kayo sa place ko para may bonding ulit tayo 8pm sharp.
Hikaru- Sagutin mo na ko! :) Hahaha!
Gm. Feat Ms. President
"Hoy! Loko ka! Anong pinagsasabi mo sa gm mo, naku! Tigilan mo na nga ko Kyle. Hahahaha! Tara na umuwi na tayo."
"Para alam nila nararamdaman ko sayo. Sige tara na."
Nasa bahay na ko wala akong ginawa kundi mag gm, mag interview ng mga gustong sumali at mag terminate ng hindi na active. Naghanap na ko ng susuotin ko para mamayang gabi, gusto ko kasing presentable ako dahil nadin sa may crush akong nilalandi ako at may mga magagandang babae sa clan ayokong magpatalo.
8:30pm pumunta na ako sa Venue namin, madami ng tao at nagsisimula na silang mag inuman. Nakikita ko na sa bawat sulok at madilim na bahagi ng lugar na toh may nag mmake out. Ganun sila ka-wild! Madaming bumabati sakin hinahanap ko si Kyle at yung iba ko pang kaibigan.. Hanggang sa nakita ko nga sya,
May nakakandong sa kanya at naghahalikan sila. Ouch! Si Francheska, ex girlfriend nya. Kulang nalang magbuhad sya sa ikli ng suot nya. Maganda sya kung tutuusin pero mas maganda at desente naman ako sa kanya kung titignan. Nakakairita lang kasi pati ako naloko ng womanizer na yun. Isa syang malaking paasa buwisit sya!
I composed myself na parang walang nangyari. Tumingin sya sa side ko na nagulat sya tinulak nya bahagya si Francheska na ayaw tumigil sa kiss nila. Lumapit sa sakin.
"I'll explain everything abi. Dont conclude first. Let me explain." Sabi nya.
"No kyle, no need to explain. Wala namang tayo at wala ka naman ginagawang masama. Youre just kissing her while youre courting me. The heck i care when infact i dont find you sexy and i think youre not a good kisser at all." I smiled while saying those things to him. Nasasaktan ako kasi tanga akong umasa na totoo sya sakin.
Nakatunganga lang sya habang nagsasalita ako. Bigla syang tumawa.. Okay. Buwisit talaga toh seryoso ako tumatawa pa.
"Hahaha! Okay hikaru, i want you to meet paris my ex girlfriend."
"Hi hikaru, sorry ah pakipot ka pa kasi. Demure type kapa naunahan tuloy kita." Sabi ni Francheska. Habang nakapalupot kay kyle.
Ang landi! Sa isip-isip ko, leche tong babaeng toh parang higad!
"Hi Paris! Oh i heard ikaw nga ang ex ni kyle. Napagsawaan kana din ni Jigs, Jay at macs diba? Ngayon kay kyle ulit? Oh my gosh dear baka magkasakit ka nyan! Kawawa ka naman kyle baka mahawa."
Natatawa ako sa reaksyon nya na galit na galit pati nadin si kyle na parang nandiri bigla. Umalis na ako sa harap nila at hinanap si Collin.
"Bessy, buwisit yang si kyle! Paasa! Malaking paasa!" Sabi ko kay collin.
"Naku bess. Tama na yan, wala ka naman mapapala dyan kay kyle puro sakit lang ng ulo bibigay nyan sayo. Uminom nalang tayo kasi may mga ganung recruit duon baka may gwapo! Hahahahaha"
"Loka ka talaga, di ako iinom pero sasamahan kita. Saan ba ang table ng mga bagong recruit para mawelcome ko nandin sila sa mundo ng mga higad? Kabuwisit!"
"Bitter ka masyado, pa demure kapa kasi. Joke! Wag mo ko titigan ng masama nagbibiro lang ako. Heheh, wait nga lang puntahan ko si alex baka nakapatong na yun sa iba. Una kana dun sa bandang kanan nandun yung mga bago"
"Okay. Bilisan mo ah, uuwi din agad ako saamin alam mo naman may curfew ako sa mama ko." I smiled at her and she nod. Pumunta ako sa table ng mga bago at nagpakilala sila sakin, mukha namang mababait sila at pwede kong maging kaclose. Niloloko nila ako kasi mukha daw akong mataray sa text pero sa personal hindi naman.
"Guys! Tara dito para masimulan na natin toh, magpakilala muna ang mga bago then maglaro tayo ng spin the bottle." Narinig kong sigaw ni Mr. Mahalay codename ng VP namin sya si Alex boyfriend ni Collin.
Pumunta kami sa kanya at nagpakilala ang isat isa. Parating ganun tuwing may bago nagkakamayan at nagsasalita ang mga officers para iwelcome sila.
"Hi guys! Mr. Problem boy, 18. Welcome!" Tumingin ako sa kanya, naweirduhan ako sa codename nya. Di naman sya mukhang problemado pero mukha syang seryoso. Tumingin sya sakin at ngumiti. Nagulat ako sa ngiti nya di naman kami close kaya naiilang ako tipid akong ngumiti sa kanya..