One step at a time.

42 1 0
                                    

Di padin ako makapag move on sa nangyari samin ni Kyle. Hindi naman sa sobrang apektado ako pero sadjang nainis ako sa sinabi sakin ni Francheska. Eh ano naman kung pakipot at demure type ako? May masama ba dun? Kaysa naman sa kanya lahat nalang ng lalaki nakikita na ng boobs nya. Naisip isip ko para try ko din kaya mag boyfriend ano kayang feeling kapag may kayakap at kahalikan ka? Masarap kaya? Pero sino? Di naman pwede yung paasang kyle na yun friend ko sya pero buwisit ako sa kanya.

Nagbasa-basa nalang ako sa messages habang vacant kasama ko si collin hawak din nya ang phone nya.

"Bessy, nagkiss na kami! Oh my gosh iba ang feeling! Havey talaga teh tapos alam mo ba ang likot likot ng kamay ni Alex, tama sa kanya ang codename nya! Hahaha!" Sabi nya sakin.

"Naku bessy, wag mo ko kwentuhan ng kahalayan nyong dalawa at nandidiri ako kapag naiisip ko yun." Natatawa kong sabi, alam ko naman kasi kung saan saan sila nag mmake out. Dumadayo pa si collin from San Mateo papunta sa place nila Kyle para lang dun.

"Bitter! di mo pa kasi sinagot si kyle, ayan tuloy wala kang partner. Ramdam na ramdam ko pagka bitter mo tuwing nasa venue tayo at may nakikita kang naglalandian sa tabi.  Alam mo bessy, subukan mo lang walang mawawala sayo. Ako na nagsasabi Masarap! Hahahah! Aray! Masakit ah!". Hinampas ko sya ng libro namin sa accounting habang tumatawa sa kahalayaan ng kaibigan ko. Mukha ba akong tigang para pumatol nalang kung sa sino sino. Syempre gusto ko yung mahal ako.

"Hi hikaru!" C.Problem boy

"Bessy, nagtext si problem boy. Nakakatext mo ba toh? Weirdo ng tao na toh nuh? Tahimik lang sya sa tabi palagi pero nakikisama naman sa mga lalaki.. napapansin mo din ba sya?" Sabi ko kay collin habang sya naman mukahng curious din.

"Oo. Ex yan ni Athena.. kaya ganyan codename nyan kasi kakabreak lang nila at di sya makapag moveon. Ang alam ko mahal padin nya yung babae kaso si athena may bf na si kaizer."

"Kawawa naman pala sya, akala ko lalaki lang manloloko pati din pala babae. Teka rereplyan ko." Sabi ko kay Collin na hawak nanaman ang Phone nya kausap yata si alex.

"Hello. Kamusta?" Reply ko.

"Ayos lang. Pwede ba kitang maging kaibigan? Kung okay lang."

"Kaibigan lang ah. Walang problema.. Hehe, saan ka nga pala nag aaral?"

"Don Bosco College, Mechanical Engineer course ko. Ikaw?"

"Wow! Ang bigat ah. San Sebastian College, Business Administration major in Management. Ilan taon kana pala? Bakit parang ang seryoso mo palagi. Hehe"

"Hindi naman mabigat sakto lang, 18 palang ako. Okay lang ba kung yayain kitang mag dinner mamaya?"

"Ay may ganun agad? Pag isipan ko text kita mamaya." Reply ko. Naisip ko chance ko na ba toh? Pero di ko pa sya kilala, oo nakakasama ko sya sa venue pero mahirap padin kung kami lang dalawa. Pero dahil nadin sa curiosity ko pumayag ako.

5pm ang out ko sa school, nasabi ko nadin kay collin na magkikita kami ni Problem boy pero mukha naman wala syang pakialam doon. Mabuting kaibigan talaga toh.

Paglabas ko, nakita ko syang naghihintay sa tapat ng building namin. Ngayon ko lang sya nakitang may araw pa, gwapo din pala sya matangkad, merono at maganda ang katawan. Siguro nag ggym ko sa isip isip ko.

"Buti pumayag ka, gusto sana kasi kita makilala pa." Sabi nya, nag offer sya na dalhin ang bag ko pero tinanggihan ko. Naglakad kami pero parang sa ibang way sya papunta.

"Saan tayo punta? Doon ang gate ng school." Turo ko sa kanya.

"Sa parking, dala ko kasi kotse ko."

"Ah okay akala ko mag commute tayo." Naks Abi, may kotse! Sa isip ko.. para kang timang may kotse din naman kayo.

"Tara?" Nasa tapat kami ng isang honda civic. Nice car. Pumunta kami sa restaurant na sabi nya favorite nya. Masarap ang pagkain, magaan sya kasama at naisip ko mukhang matino naman itong lalaking toh bakit kaya niloko lang sya ni Athena? Meron syang aura na macurios ka kung ano meron sa kanya. Kung marunong ba syang tumawa o marunong ba syang ngumiti. Napaka suplado kasi ng mukha nya, at ayun ang nagpapa gwapo sa kanya.

Natapos ang dinner namin at nagyaya na akong umuwi meron pa kasi akong assignment sa accounting na ikakadugo nanaman ng utak ko.

"Thank you sa time at libre. Nag enjoy ako." Sabi ko habang nasa tapat kami ng bahay namin

"Ako dapat ang magpasalamat kasi pinagbigyan mo ko. Di na ako magpaligoy ligoy pa. Gusto kita Abi, sana bigyan mo ko ng chance."

Nagulat ako sa sinabi nya. Eto na ba ang chance kong maranasan yung mga curiosity ko sa buhay? Naisip ko kung magpapakipot nanaman ako mag end up nanaman kami tulad ng ng kyle. Kaya naman..

"Sige tayo na." Sabi ko in full determined.

"Ha? Tayo na? Sigurado ka?" Nagtatakang sabi nya.

"Ayaw mo yata eh, edi wag nalang."

"Wala lang bawian." By then he claimed my mouth with his kiss.

I felt nervous. I dont know kung ready na ba ko sa ganito, pero nasasarapan ako sa ginagawa nya kaya ginaya ko ang ginagawa nya sakin. He move his lips to open my mouth, naramdaman ko yung dila nya sa loob kaya nagulat ako at tinulak sya.

"Hey! Im sorry. Nabigla lang ako." Sabi nya na mukhang apolegetic

"No. Pasok na ako sa loob baka makita pa tayo nila mama." Sabi ko na di makatingin sa kanya.

"Sige. Pasok kana.. Salamat uli sa oras babe."

Ngumiti ako at binuksan ang gate. Di ko alam kung ano mararamdaman ko mukhang napasubo yata ako. Nagkaron ako ng boyfriend na hindi ko nga alam kung ano ang tunay na pangalan. Ang "Easy to get mo Abi! Nag dinner lang kayo, paguwi mo kayo na? Nagpahalik kapa! Nasaan ang delikadesa Abi! Nasaan?" Sigaw ko sa sarili ko habang hinuhubad ang uniform ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, Wala na tong urungan ginusto mo yan. Sabi ko

"Beautiful lady, see you later" text ni Problem boy sakin.

"Later? Bakit anong meron?"

"Mini Eb ngayon diba, May party uli sa place ni kyle. Punta ka kasi pupunta ako. See you" text nya, teka inuutusan ba ako nito? At bakit di ko alam na may eb mamaya?

"Okay, text kita kung pupunta ako may assignment pa akong gagawin"

"I'll help you with that, just come with me please. I miss you already."

Ha? Miss you already? Nagloloko ba toh eh kanina nga lang kami nagkasama at naghalikan eh. Wait naghalikan nga kami.. Tama ayun siguro ang namiss nya.

"Okay I'll come." I texted him. And i felt excited..

MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon