Chapter Thirty-Two

137 6 0
                                    

"PATRICIA!"

"Patricia sandali!" tawag din ni Brent.

Hindi ko na nilingon ang mga ito kahit na pa sinubukan nila akong sundan. Tears are already flowing down from my eyes, causing my vision to become blurry. Sobrang sama ng loob ko. Sobrang sakit. Sabi ko na nga ba. Una pa lang ay duda na ako kung bakit iba na ang pakikitungo nito sa akin kaagad.

But everything he did was all a lie. Lahat ng iyon ay parte lang ng plano ng mga ito.

"Patricia!"

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na ako ng gate. Vinzon ran after me.

"Bakit ba wala ni isang jeep na dumaraan dito?" Umiiyak kong sabi habang palinga-linga sa gilid ng kalsada. Nahirapan ako lalo na at madilim na ang paligid.

Naririnig ko na ang mga papalapit na hakbang ni Vinzon.

"Patricia, wait!"

Nagpatuloy muli ako sa pagtakbo. Gustong-gusto ko nang makalayo rito.

"Patricia..."

He caught me and held me by the arm.

"Ano ba, Vinzon?!" Sigaw ko rito bago ito hinarap at sinampal nang ubod lakas. "Bitawan mo nga ako! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo, gago ka!" Umiiyak kong sabi.

Isa pa muling sampal. Nang sasampalin ko pa sana ito ulit dahil hindi ako masiyahan ay pinigil nito ang kamay ko saka ako nito hinatak. Niyakap ako nito nang sobrang higpit. Pinilit kong manlaban, kumawala, pero tila nawawalan na lang ng lakas ang mga braso ko at tuluyan na lang na napaiyak sa mga bisig nito.

"I'm sorry. I didn't mean to hurt you," he said softly as he hugged me tight.

I sobbed against his chest. Hindi ako gumalaw hangga't mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Sobrang panggigigil pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"A-Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko sa kaniya. Muli akong kumawala pero mas hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa akin. "How could you use me like that? Ulit ba hinahabol-habol kita noon akala mo puwede mo nang gawin sa akin ito?"

"Please listen to me first. Just please listen to me," he pleaded, his voice sounds broken. It's the first time that I heard him like this. Pero hindi na ako magpapadala, hindi na ako maniniwala sa mga ipapakita nito. Hindi na ako magpapaloko rito. "I will explain more. Everything. Wala na akong itatago sa iyo."

He pulled away and gaze into my eyes that had become a pair of waterfalls.

"I promise to tell you everything."

I gave him an empty gaze, still sobbing quietly. Akala yata nito e madadala pa rin ako nito sa ganitong tono.

"Huli na ang lahat, Vinzon. Hindi mo na ako maloloko ulit. Tanggap ko naman na kung hindi mo talaga ako magugustuhan. Nilinaw ko na iyon una pa lang. Pero sana, hindi mo na ito ginawa sa akin. Alam ko kung gaano kaimportante ang mga pinlano niyo pero naisip mo ba ang mga mararamdaman ko? Hindi 'di ba? Sana pinaalam mo na lang sa akin ang tungkol doon noong una pa lang!" Itinulak ko ito nang malakas.

"Patricia---" Muli ako nitong sinubukang hawakan.

I stepped back and gave him a roundhouse kick at the side of his head. He wasn't fast enough to avoid being hit and immediately lost his balance. I gave him another one on his stomach, making him fall on the ground in pain.

"Kulang pa iyan," malamig kong sabi. "This will be the last time that you will be able to touch me. I'll beat you up the next time that you try to get near me," pagtatapos ko sa mariin na tinig bago muling nagpatuloy sa pagtakbo at sa wakas ay nakapara na rin sa isang jeep.

My Crush's Secret Identity (SEASON ONE) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon