Chapter Fifty-One

175 9 0
                                    

"AKO ang nanay, kaya ako dapat ang maghatid sa kaniya."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Kristina? Mapapagod lang kayo pag naglakad kayo. Get in the car already," iritang sabi ni Dad.

Napahalukipkip si mama at sinimangutan si daddy.

"Kailangan niya ng exercise. Saka hindi naman ganoon kalayo ang unibersidad. Isang kanto lang ang lilikuan."

Napailing na lang ako. Alam ko naman kung bakit ayaw ni mama na ihatid kami ni daddy. Ayaw niya itong makasama sa kotse. Ilang buwan na ang nakakalipas matapos naming lumipat dito sa mansiyon ay hindi pa rin sila magkasundo na dalawa.

I was finally living in peace with my family. Iyon nga lang ay hindi ganoon kapayapa dahil abot ang bangayan ng dalawa. Hindi naman umaabot sa punto na nagkakainsultuhan sila. Kumbaga, parang nagtatalong aso't pusa lang. At minsan nga ay nakakatawa at nakakalibang pa silang pinanonood.

Not this time, though.

"Actually, male-late na po ako," singit ko sa kanilang dalawa. "Kailangan ko na pong umalis."

"Kita mo na! Kasalanan mo kasi, e," inis na sabi ni mama.

"Ikaw nga riyan ang makulit, e. Kung kanina pa kayo sumakay sa kotse e 'di sana kanina pa tayo nandoon."

Naihilamos ko na lang ang kamay sa mukha at tinalikuran na ang dalawa na hindi man lang ako napansing umalis dahil patuloy pa rin sa pagbabangayan.

"Good morning, señorita!" Nakangiting bati sa akin ni manong Fresto, ang isa sa security guard namin.

"Good morning din po."

Sumulyap ito sa likod ko. "Mukhang maaga ang dalawa ngayon, ah." Puna nito.

Natawa ako. "Oo nga po. Pero hayaan niyo na po sila. Hindi naman sila nagkakasakitan. Hanggang diyan lang naman 'yang mga 'yan."

Natawa rin ang guwardiya. "Ingat ka sa daan, señorita."

I rolled my eyes. Para namang hindi nila ako pasusundan sa mga body guards na naka-assign sa pagbabantay sa akin.

Hays...

Nakalabas na ako ng gate nang tawagin ulit ako ni manong Fresto.

"Ay, teka lang po pala."

Takang nilingon ko ito. Tumatakbo ito papalapit sa akin at may hawak na maliit na kulay rosas na kahita na may pulang ribbon sa ibabaw.

"May nag-iwan niyan kanina sa harap ng gate matapos mag-doorbell. Pero hindi namin nakilala kung sino."

"Did you check the CCTV?"

Tumango ito. "Babae po ang nag-iwan. Pero hindi rin namin nakita ang mukha. Ini-scan naman namin kanina at pinaamoy sa mga aso ang kahon. Mukhang hindi naman kahina-hinala."

Kinuha ko mula rito ang maliit na kahon na sing-lapad ng pinagdikit na mga palad ko.

Nagpasalamat ako sa lalaki bago nagpatuloy sa paglalakad. Takang tinitigan ko ang kahon. Walang sulat o card. Kahina-hinala pa rin.

It's been almost a year after that incident with Albert Lee. Matapos ang kaguluhang iyon ay hindi naman na nasundan ulit. I spent the next two months living with my mother, until dad suddenly showed up in front of the house. It was chaotic. Parang tanga lang akong nanonood habang pinanonood na nagdedebate sila mama at daddy kung kanino ako dapat mapunta. Pero dahil nasa tamang edad na ako, may karapatan na akong mamili.

Ayaw ko naman silang saktan parehas, lalo na si daddy dahil alam ko na lahat ng totoo. So, I chose to live with them both. It was not really hard to convince my mother to come live with us. Ang pagkakasabi pa nito ay kailangan niya akong bantayan dahil wala itong tiwala kay daddy.

My Crush's Secret Identity (SEASON ONE) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon