Chapter Four

274 13 8
                                    

NASAMPAL ko bigla ang sarili ko bago muling ibinalik ang tingin kay Vinzon na siyang mahimbing pa rin na natutulog sa couch.

Ano na?

"Now you're fantasizing about him? Seriously, Patricia?!" sermon ko sa sarili ko bago tumakbo papasok sa kuwarto ko. Paglabas ko galing sa bathroom ay tsinek ko kasi kung gising na ba siya o hindi pa.

Hindi ako makapaniwala na nag-iimagine ako nang mga ganoong bagay.

Shet....

Ibig bang sabihin nito ay gusto may gusto pa rin ako sa kaniya?

"NOooooo~" sigaw ko sa unan kaya hindi masyadong dinig ang ingay ko. Naiinis lang talaga ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito sa isang lalaki.

"Ugh..."

Bigla akong napabangon mula sa pagkakadapa sa higaan nang marinig ko si Vinzon. Mabilis akong lumabas at tinignan ito.

"He's still sleeping."

He's groaning though, and his face is scrunched up, as if he's in pain.

"Mukhang nananaginip."

Nilapitan ko siya. I should wake him up. Isa pa ay hindi rin ito puwedeng magtagal dito.

"Vinzon." Tawag ko rito habang niyuyugyog ang balikat nito.

He only moved a little and turned his face on me, his eyes still close. Pinagpapawisan na rin ito ng butil-butil sa noo. Muli ko siyang niyugyog sa balikat.

"Vinzon."

He didn't respond.

I stared. Napakagwapo talaga ng lalaking ito. Makapal at maganda ang hugis ng mga kilay, napakatangos ng ilong at mahahaba ang mga pilik-mata huhu nadaig pa ako itschamfer! Kung hindi lang talaga masama ang ugali nito, e. Nadako ang tingin ko sa mga labi nitong nakaawang. Medyo unti-unting bumubilis na naman ang tibok ng puso ko.

Shet. Nagkakagusto na naman ba talaga ako sa kaniya?

Kaso.

Muli itong umungol. He really looks like he's in pain. Nag-alala ako nang medyo slight. Parang binabangungot na siya.

"Vinzon wake up!"

Even though he's still asleep, nagawa nitong tabigin ang kamay ko na nakahawak sa balikat nito.

"Hays! Bahala na nga kung ayaw mong gumising," inis kong sabi at tinalikuran na ito.

I stopped on my tracks when a warm hand held onto my left wrist. My heart started beating fast as soon as our skin touched.

Nilingon ko ito.

"Hayssss..." I hissed when I saw him still sleeping. Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko.

He's breathing heavily.

Ano kayang napapanaginipan nito?

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero ang higpit ng pagkakahawak nito sa'kin. Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng pangangalay.

"Bakit ba kasi dito ka pa napunta? Vinzon gising na!" muli ko ulit iton niyugyog sa braso. "Aaaacckk~~!"

Nanlalaki na lang ang mga mata ko nang bigla niya akong hatakin kaya natumba ako sa ibabaw niya. I gasped loudly when he suddenly hugged me tightly.

Unti-unti akong tumingin sa mukha nito na sobrang lapit na. His eyes are tightly closed. 

"P-Please.... d-don't l-leave me...."

My Crush's Secret Identity (SEASON ONE) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon