Chapter Fourty-Three

132 7 0
                                    

MADALING nakapuslit palabas ng ospital si Patricia nang hindi nakikita nina Vinzon kahit na pa nagkalat na sila sa paghahanap sa kaniya.

Paglabas niya ng ospital ay napapikit siya nang masilaw dahil sa liwanag ng sikat ng araw. She have found a pair of rubber slippers and a cap from a chair in the empty nurse station on her way out. Pagmamay-ari siguro ng isa sa mga nurse ang mga iyon. But, she doesn't care.

She have to get out. Hindi niya alam kung saan ba siya dapat pumunta ngayon. Wala rin siyang maayos na plano pero isa lang ang nasisiguro niya.

Sa ngayon, she wants to leave everything behind. Malayo sa kanila at sa anumang gulo. She'll have to plan everything well. Kung paano ba niya gagawin ang lahat nang hindi siya mahihirapan. Lalo na't bago pa lamang siya sa mga ganitong bagay.

And maybe...

She'll just find a certain someone. The one who will be able to answer her remaining questions. She already knows her name. Narinig na niya iyon sa pag-uusap minsan nina Vinzon at Brent. That was before her relatives arrived.

Kinuha niya mula sa bulsa ng sweatpants ang wallet na naglalaman ng kaumting pera, valid IDs, at ATM card.

"Quick!"

Mabilis siyang nagkubli sa kulumpon ng mga tao nang marinig ang boses ni Brent kasunod ng paglabas ng mga kalalakihan.

"Find her. Hindi pa siya nakakalayo," sabi nito.

She stilled on her spot. Napakalapit lang nito sa kaniya.

Nang magsimulang maglakad ang kulumpon ng mga tao na nakapila para sa PhilHealth, ay sumabay siya sa mga ito. They turn around the corner to another entrance. Pagkatapos no'n ay pasimple na siyang naglakad papalayo mula sa ospital at sumasabay sa mga tao.

She could still hear them looking for her. Kaya naman walang lingon-lingon siyang nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makakita ng Jeep ay pumara siya kaagad at sumakay roon.

This is her final decision. She'll make things right in her own way...

**

"WHAT now? Were you able to find her?" Agad na tanong ni Vinzon pagkakita kina Brent at sa mga tauhan nito.

Umiling si Brent. "Hindi, e. Maraming tao kanina sa labas kaya nahirapan din kami. But, I already ask the cooperation of the hospital. Sinabi nila na ibibigay nila ang kopya ng CCTV footage sa atin."

Nasipa nang malakas ni Vinzon ang malapit na trash bin sa kinatatayuan niya.

"Damn it!"

"Where's our apo? Nahanap niyo na ba siya?" tanong ni Esmeralda nang makapasok sa loob ng private room kung saan nanatiling naka-confine si Patricia bago ito mawala. Nakasunod na rin ang iba pang kaanak nito.

Umiling silang lahat.

"Don't worry. We'll have the copy of the CCTV footage in a few minutes, Mrs. Manese," sabi ni Brent.

"How did this even happen? Akala ba namin ay binabantayan ninyong maigi ang paligid? Paano kung may mangyaring masama sa pamangkin ko?" Galit at alalang tanong ni Enrica.

"Was she kidnapped again?" tanong naman ni Enrico.

"I don't think so. I think she left on her own." Vinzon said, his tone lifeless. He couldn't understand why Patricia would do this.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga security guard ng hospital kasama ang isang lalaki na nakauniporme ng itim.

"Here's a copy of the CCTV footage that you requested," sabi ng lalaki at iniabot ang flashdrive kay Brent.

My Crush's Secret Identity (SEASON ONE) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon