Chapter Eleven

225 16 6
                                    

HALOS mapudpod ang mga kuko ko sa daliri ko kinakangatngat ko habang hinihintay ang pagdating ni mommy. It's been four days since that incident. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi rin ako masyadong makapag-focus sa studies ko.

Katakot-takot na mala-MMK at nobelang litanya na kaagad ang natanggap ko sa kaniya nang unang beses na tumawag ito kinabukasan matapos ang pangyayaring iyon.

I was so speechless. I couldn't explain myself. And, hindi ko matanggap na binibigyan ko siya ngayon ng sama ng loob.

"Just wait until I get there, naku Patricia!"

Those were her last words. At ngayon pa lang, ilang santo na ang natawag ko habang nagdarasal na sana ay mas mahinahon na ito ngayon.

Tapos na ang mga klase ko at nasa loob na ako ng apartment habang naghihintay kay mommy.

Juskolord. Sana naman talaga mas mahinahon na siya ngayon.

Sa apat na araw rin na iyon, napapansin ko na parang palaging may mga lalaking umaaligid-aligid sa akin. They were all wearing casual clothes but I'm familiar with the earphones that they were wearing. Ganoon 'yong nakita ko dati sa mga body guards na nagbabantay sa harap ng bahay nila Vinzon sa probinsya.

Hindi ko alam kung daddy niya o siya mismo ang nag-utos sa mga ito na bantayan ako. Pero malamang si Vinzon iyon.

I frowned. His last words are still etched in my mind. Sabi nito ay wala na akong choice.

I don't have a choice but to be his.

"What does he even mean by that? Bakit naman ako mawawalan ng choice?"

After no'n ay inihatid na niya ko pauwi rito. At ngayon ay naghihintay na ako sa pagdating ni mommy. Daig pa naman nun ang dragon kung magalit.

Soon, I heard her car arriving. Nagsimula kaagad dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Medyo nanginginig-nginig pa ang tuhod ko nang magtungo ako sa pinto para pagbuksan ito.

I ducked, as soon as possible when I saw her arm flying towards me.

"Whew!" Mabilis akong tumakbo sa loob nang habulin ako ni mommy pagkatapos kong maiwasan ang kamay niya na akmang sasabunot sa'kin. "Mom! SORRY NA!"

"You, brat! Come here!" Malakas nitong sigaw at hinabol ako.

Mabuti na lang at black-belter ako kundi ay baka kanina pa 'ko nito nabugbog. Ilang beses muna kaming nagpaikot-ikot sa loob ng apartment ko hanggang sa makaramdam siya ng pagod.

Pabagsak itong naupo sa sofa.

"Mom..."

"I can't believe you..." sabi nito.

My heart ache at the sound of her voice. Her tone is full of disappoinment.

"Pero, mom. Wala naman talagang nangyari sa'min ni Vinzon."

"How would I know? I wasn't there. But Albert said that he saw you in that... that ridiculous position!"

"Mom! Aksidente nga lang po ang lahat. Kahit ipa-doctor mo 'ko, ma. Walang nangyari sa amin."

"Let's just say that nothing happened between you two yet. Pero paano kung hindi dumating doon si Albert? What would've happened? And why are you even there in the first place?"

Napatungo ako. Sabi ni Vinzon. Hindi ko puwedeng sabihin kay mommy ang mga nakita ko dahil puwede nitong ikapahamak iyon. At iyon ang isa sa mga bagay na pinapaniwalaan ko sa lahat ng sinabi ng lalaking iyon.

"I-I was just v-visiting..." pagsisinungaling ko.

Naningkit ang mga mata ni mommy. She knows. Mothers always know whenever their child is lying. And it just makes her suspicion even stronger.

My Crush's Secret Identity (SEASON ONE) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon