Chapter 13

2.7K 91 5
                                        

CHAPTER 13

“Gino!!!”, sigaw nila Rick sabay tungo sa direksyon nito. Nawalan siya nang malay at agad naming siyang dinala sa ospital.

Nag-alala ako sa kalagayan ni Gino kaya kahit na hindi naman talaga dapat kasama ay sumama ako… pakialam ba nila? Pagdating sa ospital ay minadali ko ang mga doktor na iattend ang kalagayan ng kaibigan ko.

“Ok lang naman siya no?”, nag-aalala kong tanong kay Rick at Liz, alam kong mukha akong tanga na tense na tense pero tense na tense naman talaga ako e.

“Pwedeng kumalma…”, si Liz.

“E paano kung may malala siyang sakit? Paano kung…”

“Paano kung nag-uumo-OA ka lang? Pwedeng hintayin muna ang sasabihin ng doktor?”, sabi ni Liz.

“Naisip ko lang kasi na baka sumunod siya kay Faye, na baka iwan niya tayo…”, sambit ko.

“Kalma pre. Kalma…”, si Rick sabay akbay sa akin. “Hindi tayo iiwan ng mokong na yun. Hindi pa…”

“Andyan na pala yung doktor e.”, pagtawag ni Liz sa atensyon ko sabay turo sa doktor na naglalakad palapit na agad kong tinungo.

“Kumusta naman po yung kaibigan namin?”, tanong ko sa doktor.

“Ayos naman siya. No need to worry pero he  still needs a lot of rest. Bumaba nga lang ang resistensya niya pero kung makakapagpahinga siya e sigurado naman akong aayos din yung kalagayan niya.”

“Sabi ko sa’yo e.”, nakangiting sabi sa akin nina Rick at Liz.

“Oo na… puntahan ko muna siya a.”, sabi ko sabay diretso na sa room ni Gino.

Nang marating ko ang pintuan ng kwarto niya sa ospital ay bigla akong dinaanan ng daga sa dibdib.

“Tuloy ka na. Alam ko namang andyan ka e.”, pasigaw na sambit na Gino at tumuloy na rin ako.

“Paano mo nalamang ako yun?”, tanong ko sa kanya nang makapasok ako.

“Instinct? Ewan ko..”

“Four years na tayong hindi nagkita pero alam mo pa rin yung yabag ko?”

“Maikli lang ang apat na taon, hindi sapat yun para…”, tapos nanahimik siya, hindi na rin ako umimik.

Ilang sandali kaming nagpapakiramdaman kaya ipinasya kong basagin ang katahimikan.

“Sabi ng doktor e magpahinga ka raw dapat.”

“Hindi pwede. Last night ng burol ni Faye at bukas na ng umaga yung libing, kailangan kong pumunta.”, sambit niya.

Later (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon