CHAPTER 7
Lumipas ang mga araw na wala kaming usapan, hindi kami nagpapansinan sa eskwela at laging nagsusukatan at nagtitimbangan kung babato ba kami ng ngiti sa isa’t isa o hindi. Hinihintay ko na magsabi siya ulit o magparamdam man lang dahil gusto kong makumpirma kung totoo ba yung sinabi niya o hindi, kung may kakaiba nga siyang nararamdaman sa akin o nililinlang na naman ako ng paniniwalang pareho kami ng tingin sa isa’t isa pero wala ni isang salita o galaw mula sa kanya. Oo, alam ko dapat gumawa din ako ng hakbang pero takot ako e, wala akong lakas ng loob. Siguro nga e kaya kong gumawa ng paraan para maging masaya ang ibang mga tao lalo na yung mga mahahalaga sa akin pero hindi ko kayang ipaglaban ang kasiyahan ko lalo na sa pagkakataong ito na hindi ko alam kung tama ba o mali kung itutuloy at ipaglalaban ko kung anumang nararamdaman ko.
“Hindi ko alam kung anong problema ninyong dalawa pero sigurado ako na may problema kayong dalawa…”, sambit ni Rick na dala ang pagkain niya na tumabi sa akin habang kumakain ako sa cafeteria.
“Shhh… kumakain tayo…”, pagsaway ko sa kanya para wag niya akong kulitin.
“Mahal ka niya sabi niya sa akin. Ayaw niya nga na lumapit ako sa iyo at pansin ko naman na gusto mo rin siya so what’s stopping you?”, tanong ni Rick na hindi ko na lang pinansin at minadali ko na lang ang pagkain ko na napansin niya yata.
“Pag nagmadali kang kumain e mabubulunan ka tapos mamamatay ka pag hindi ka naagapan, kung sakaling mamatay ka ngayon, masasabi mo bang masaya ka?”, matalinghagang usal ni Rick.
“Hindi bagay sa’yo yung mga quotable quotes kaya pwede ba?!?!”,tugon ko.
“Hindi mo pwedeng takasan siya habang buhay saka ano nga bang problema kung mahal ninyo yung isa’t isa?”, si Rick.
“Rick, lalake kami pareho at hindi lang basta magbestfriend yung nararamadaman naming sa isa’t isa, shit ang pakiramdam ko ngayon dahil mali yun.”
“Mali? Let’s define mali… Mali kasi sabi nila, mali kasi utos nila, mali kasi ayaw nila… kung puro sila ang susundin mo, paano ka na? Paano na kayo? Hindi ko gusto na makialam pero sana lang e malaman mo na may mga bagay na magpapasaya sa’yo na kailangan mo munang subukan bago mo ayawan.”
“Mahirap kasi ang mundo at hindi ko alam kung kaya kong pangatawanan at kung seryoso ba siya at kung baka mawala siya sa akin kung aamin ako. Natatakot ako, ayoko ng ganitong changes, ayoko na magbago yung tingin sa akin ng pamilya ko at pamilya niya, ok naman kami ngayon e, ok ako na magbestfriend lang kami. Ok ako basta magkasama kami kaya ayokong sumugal… ayokong tumaya dahil ayokong matalo.”, naluluhang sambit ko.
“Kung hindi ka tataya, hindi ka matatalo pero kahit kelan, hindi ka mananalo. Bahala ka kung hanggang dyan ka na lang pero tingnan mo yung sarili mo, masaya ka ba talaga ngayon?”, sambit ni Rick tapos ay iniwan ako na mag-isang nakaupo. Ito yung punto ng buhay ko na parang nasa bangin ako at mamimili ako kung tatalon ako o itutulak ako, nakakabuwang lang. Ano na nga bang balak kong gawin sa buhay ko? Lintik na Rick na iyan… ang sarap kitlan ng buhay.
Matapos kong kumain ay pumunta na ako sa susunod kong klase, 30 minutes pa pero wala naman akong gagawin kaya mag-aabang na lang ako sa labas ng room, marahil e may kaklase na ako roon at tama naman ako, may kaklase ako na naghihintay sa labas ng room, si Xander, gusto ko sanang umatras pero dyahe na dahil nasa likod ko pala si Liz at ayokong gumawa ng kakaibang aksyon na pwedeng makakuha ng malaking atensyon kaya tumuloy na lang ako at umupo sa isa sa mga steps ng hagdan. Nang medyo dumami na ang mga kaklase namin ay may ilang pumunta sa akin para magpatulong sa assignment, kay Xander naman e may ilang lumapit para magpacute, hindi ko mawari yung pakiramdam ko, parang torture na gustong gusto ko siyang makasama at makatabi pero parang yung tensyon noon na namamagitan sa amin ay unti-unting naging konkretong pader na napakahirap tibagin.
BINABASA MO ANG
Later (boyxboy)
RomanceFalling in love with your bestfriend is one of the happiest yet the riskiest of all.