Chapter 14

2.5K 87 0
                                        

CHAPTER 14

Habang binabagtas naming ang daan papunta sa punerarya ay naririnig ko pa ang kabog ng dibdib ni Gino, hindi ko na kailangang tanungin pa kung ok lang siya dahil sigurado akong hindi, nanginginig ang kamay niya at ang luha ay nangingilid… lahat naman yata ng nawalan ng mahal sa buhay… nawawalan rin nang ganang ituloy ang buhay nila…

“Inhale…”, sambit ko sa kanya habang hawak ko ang kaliwang kamay niya.

“I’m good… wag kang mag-alala”, tugon niya.

Tumingin lang sa amin sina Liz at Rick at ngumiti. Alam kong dama nila ang tensyon sa loob ni Gino at alam nilang ginagawa ko ang lahat para mabawasan iyon… hindi ko lang alam kung paano.

Makalipas ang kalahating oras na biyahe na parang habambuhay ay nakarating na rin kami sa funeraria, agad naman kaming sinalubong ng nanay ni Faye nang marating namin ang malaking pintuan.

“Gino, andito ka na pala. Are you sure na ok na ang pakiramdam mo?”, tanong kay Gino ng ginang.

“Yes tita. Ayos naman po ako.”

“Nga pala, your parents are here.”

“Ayaw ko pa po silang makausap e.”, tugon ni Gino.

“Gino…”

“Tita…”

“Hindi na kita pipilitin pero alalahanin mong mga magulang mo pa rin sila. I don’t know what caused the dispute pero it’s not too bad to forgive.”

“I will forgive tita… in time. Sa ngayon, let us focus all our attention on Faye.”

“Sige. Maupo ka na lang muna d’yan or if you want, you may stay sa kwarto sa likuran.”

“I’m ok tita… don’t bother.”

“Fine. Just call me whenever you need something.”

“I will tita. Thanks.”, si Gino at umalis na ang nanay ni Faye patungo sa loob.

Hinintay ko munang makalayo ang nanay ni Faye bago ko tanungin si Gino tungkol sa mga magulang niya.

“Andyan daw ang mga magulang mo… bakit parang….”

“Wag ka nang magtanong.”, sabi niya sa akin.

“Pupuntahan ko lang sila. Babatiin ko.”

“Bakit ganyan ka? Wala na lang ba sa’yo yung ginawa nila sa atin?”, naiinis niyang sabi.

“Gino…”

“Xander, ang laking hirap at sakit nun sa akin. Hindi ko yun kayang palampasin nang ganun lang.”

Later (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon