Chapter 1

10.9K 176 5
                                    

CHAPTER 1

"Gin! Patulong naman dito sa assignment natin sa algebra!!!", sigaw sa akin ni Xander na ikinangingiti ko na lang, mahina talaga siya sa subject na 'yun at naaalala ko pa kung paano siya nagmamakaawa sa akin noon para lang magpagawa ng mga projects at assignments, yun ay nung hindi pa kami ganoon kaclose pero dahil magbestfriend na kami e binabalasubas na lang ako ng gagong ito...

"Andyan na boss! Nakakahiya naman kasi dahil nagpapatulong ka dapat nagmamadali ako!", sarkastiko kong tugon sa bestfriend ko na nagkakamot ng ulo at nakasimangot habang nakatingin sa notebook at pinupudpod ang pambura ng lapis na gamit niya sa paulit-ulit na pagbubura sa mga sinusulat niya.

"Ito naman! Nakakainsulto yang mga ganyan mong banat a! Nagpapatulong lang naman dahil nakakaurat na itong punyetang math na ito!!! Pakialam ko ba naman kasi sa X at y na ito. Saka math dapat numbers, bakit andaming letters dito?!?!", pasigaw na sambit ni Xander habang hawak ang lapis na ngayon e tila gusto nang baliin. Natawa na lang ako sa ayos niya saka ako umupo at inagaw ang lapis pati ang notebook niya.

"Gagraduate na lang tayo ng highschool e hindi mo pa rin makuha itong 'x' na ito. First year pa tayo nung pinahihirapan ka nito a!", nangingiti kong sabi habang inaanalyze ang equation.

"Oo na! Ako na ang bobo at ikaw na ang matalino lalo na sa math na iyan. Ako na ang mula pa nung first year e umaasa na sa iyo!", patampong usal ni Xander.

"Asus! Muntanga lang si gago. Hindi naman yun yung ibig kong sabihin, ang sa akin lang e paano na naman sa exam? Malamang naman kasi e lalabas na naman ito sa exam tapos di mo na naman alam."

"Hindi ko alam? Nakalimutan mo na yata na ako ang susunod sa iyo sa pagiging highest sa mga exams kaya wag mo akong minamaliit.", ngisi ni mokong sa akin.

"Ganun naman pala e. Edi sagutan mo yan mag-isa." Nakangisi ko ring sagot.

"Amp! Ituro mo muna sa akin kung paano! Kaya ko lang naman nakukuha yung sagot dahil tinuturo mo sa akin kung paano e. Alam mo namang magaling lang akong follower mo.", nakangiting sambit ni Xander habang nakatitig sa akin at pinipilit palamlamin ang medyo singkit niyang mata. Haaay... kung babae ako, malamang matagal na akong nagpagahasa sa isang ito... oops! Erase! Erase! Hindi pwede ito! Mali!!! Tss!!!

"Huy! Turuan mo na ako!!!", sigaw sa akin ng bestfriend ko. Hindi ko namalayang natulala na naman pala ako sa pagtitig sa kanya. Tsk... Mabilis naman akong umayos at nagsimula na sa pagtuturo sa kanya sa pagsagot sa assignment namin.

Pagkalipas ng talumpung minuto ay naintindihan niya rin kung paano isolve ang y in terms of x at gumamit ng substitution para malaman ang value ng x at y. Hindi naman talaga siya ganoon kahirap turuan, sa totoo lang, matalino siya at sa klase e hindi siya nawawala sa top 10 pero pag Math na ang pinag-usapan e medyo wala talaga siyang gana, siguro dahil madalas na boring o di naman kaya e terror ang mga teachers na naaassign na magturo ng Math. Ewan ko nga ba kung bakit sa mahirap pa na subject nila pinagtuturo ang mga dragon at tigre.

Matapos ang "tutorial session" naming dalawa ay kumuha siya ng pagkain para meryenda naming dalawa... at bahay ko ito pero bakit siya ang kumukuha ng meryenda? Makapal na lang talaga ang mukha niya. Ahaha! Masyado na siyang feel at home sa amin, bakit nga ba naman kasi hindi e halos tatlong taon na kaming ganito. 2nd year highschool kami ng maging close at ngayong gagraduate na kami ng hayskul, ano pa nga bang ieexpect mo sa isang natural na makapal ang mukhang tulad ng kaibigan ko pero kahit ganyan siya e masaya ako pag kasama ko siya, minsan pakiramdam ko e sobrang inaalagan niya ako... kung babae lang talaga ako malamang e... erase!!!

"Tuloy na tayo dun sa gusto kong school a!", sambit ni Xander sa akin habang hawak niya ang tray na may bote ng softdrinks at box ng doughnuts.

"Bakit ba kasi dinadamay mo ako sa mga plano mo sa buhay?", inis kong tugon sa kanya dahil hindi ko naman talaga gustong pumasok sa school na gusto niyang pasukan sa college.

Later (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon