Chapter 9

2.7K 94 7
                                    

CHAPTER 9

Lumipas ang dalawang araw at nakalabas ako ng ospital na parang walang nangyari, ligtas ang lagay ko at walang natamaang vital organs pero hindi ba sa puso ako sinaksak? Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon e, yun ang masakit sa akin ngayon. Kailangan kong makausap agad si Xander at kailangan kong gawin yun as soon as possible. It pains me seeing him go but it pains me double not knowing why he’s letting me go, hindi ako palamurang tao pero ang lahat ng ito ay ‘bullshit’, ayokong magtanong pero wala kasi akong maintindihan.

Nagpunta ako sa cafeteria ng university dahil doon siya madalas na nag-istay sa tuwing break namin at nakita ko nga siya sa isang sulok na may kasamang chicks pero kahit ganon e naglakas ako ng loob na lapitan siya para makausap.

“Can we talk?”, tanong ko kay Xander matapos kong lumapit sa kanya.

“Can we talk later?”, balik niya sa akin.

“May I sit here?”, tanong ko sa babaeng kasama niya na hindi alam kung tatango ba o hindi, nagbigay na lang siya ng nagtatakang sulyap kay Xander sabay tayo.

“Ayos lang naman. Mauna na ako. 15 minutes na lang kasi at start na ng next class ko. Nice meeting you.”, ngiti ng babae na mabilis naglaho sa paningin ko pero sa sandaling panahon na iyon ay nagligpit na agad si Xander at sinubukang umalis ngunit napigilan ko agad.

“Gusto ko lang tanungin kung bakit. Hindi ako mangungulit. Magtatanong lang ako.”, sambit ko sa kanya.

“Wala na. Basta wala na lang akong nararamdaman.”, sagot niya habang parang laging naglilinis ng lalamunan.

“Kung wala na, bakit hindi ka man lang magpaalam nang maayos?”

“Para saan pa yung pagpapaalam?”

“Para hindi kita hanapin… para hindi ako umasa sa wala… para hindi ako masyadong masaktan. Mahirap ba’ng magsabi ng aalis ka dahil ayaw mo na? Mahirap ba iyon?”, gumagaralgal kong sabi.

“Oo… mahirap na sabihin yun pero yun yung dapat. Yun yung tama.”

“Tama? Kung tamaan ka kaya sa akin? Ang gago mo namang kausap e, ako itong tumatanggi tapos nung ayos na bigla kang aayaw? Tangina naman e!”, galit kong usal.

“Hindi kasi tayo pwede. Hindi ko kayang makasama ang isang taong alam kong hindi ko naman pwedeng makasama nang buong buhay ko. Hindi ko kayang magmahal ng isang taong alam kong hindi pwedeng maging akin. This is the best for the two of us.”

“Tang-inang best na yan… nasasaktan ako tapos best? Bigyan mo naman ako nang matinong dahilan.”, mapait kong sambit na tinugon niya lang ng pagtayo at paglayo sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano’ng nangyayari, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman pero isa lang ang sigurado ko, dito na nagtatapos ang pangarap na sabay naming ginawa.

Tumayo ako at dumiretso sa washroom, naghilamos at pinilit na alisin ang bakas ng lungkot at ng luha na kanina lang e dumaloy sa mukha ko. This is one of the heaviest days of my life, it’s so heavy that I don’t know how to stand up after what happened. Damn.

Later (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon