Chapter 1

121 1 0
                                    

Sabado. Nandito ako ngayon sa sala, umuupo sa sofa, nanonood ng TV habang kumakain ng pop corn. Boring. Walang magawa kundi manood. Kaso boring din yung pinapanood. Pero mas mabuti na to kesa wala kang ginagawa di ba?

Nanonood lang ako nang tumunog ang telepono na nakalagay sa maliit na lamesa sa tabi nitong sofa. Kinuha ko yung telepono at sinagot yung tawag.

"Hello. Jarmonilla's Residence. Sino po sila?" Sagot ko. Formal dapat baka kase kasosyo to nina mama sa negosyo.

"Formal mo. Parang ako lang eh." Boses pa lang kilalang kilala ko na. It's Jess Rivera. My bestfriend since my elementary days.

"Whatever. What do you want? Punta ka na lang dito. Boring eh" Sabi ko sa kanya habang sinusubo yung pop corn at nakatingin lang sa anumang palabas sa TV na di ko maintindihan. Wala sa mood manood gusto ko ng kasama't kakulitan.

"Asa ka pa. Tintamad akong maglakad. Well, tumawag ako para iinform sa'yo na pupunta tayo sa school bukas para sa Concert For A Cost. Excited na akong makita si Ryan my labs." Iniimagine ko yung mukha niya. Siguro pulang pula't naging heart shape na yung bilog na  mata niya. Crush na crush nun si Ryan, the drummer eh. May concert pala sila? Sino yung lead vocalist. Bago na yung lead vocalist, graduate na kasi si kuya Anton, the former vocalist ng bandang Cannot Be Displayed.

"Teka, sinong lead vocalist?" Tanong ko.

"Si Jayson Montellano. Transferee siya." Sino yan? Well, mas gwapo pa rin siguro si kuya Ton. Hehe. Close kami nun eh. Kaso kami lang ang nakakaalam. Hiya naman ako pag nalaman ng buong campus. Isang sikat at gwapong Lead Vocalist may kaclose na isang hamak na ordinaryong tao? News! Patok yan sa Freedom High pag ganun. Aasenso pa ang mga publishing companies.

"Well, ok. Sunduin mo na lang ako bukas. Bye." Binaba ko na yung telepono. Ubos na ang pop corn kaso di pa tapos yung palabas. Ewan ko kung anong title. Di naman ako nagcoconcentrate sa panonood eh. Makatulog na nga.

Paakyat na ako ng hagdan nang may tumawag sa'kin. "Sunny, catch!"

Agad akong lumingon at sinalo yung bolang papalapit sa'kin. Nasalo ko yung bola. Walang palya. Job well done, Sunny.

"Nasalo mo parin?" Sabi ni kuya Rain na nakasuot ng jersey at pawis na pawis. Hot ng kuya ko. Naks naman. Ang kaisa-isahang lalaki ng pamilyang Jarmonilla and my one and only kuya, si Rain Jarmonilla. Sunny and Rain parang weather lang. 'Wag niyo kami sisihin. Yung mga magulang namin.

"Of course. Akyat na ako, kuya." Sabi ko at pinasa sa kanya yung bola.

"Ayaw mong lumabas? Tara bike tayo. Alam kong matutulog ka lang. Bored ka! Di ka puyat!" Sabi ni kuya. At dahil may point siya. Sumama ako sa kanya upang libutin na naman ang village. Biking is our bonding. Minsan kantahan kami at tumutugtog ng gitara.

"Baby sis, may nanliligaw na ba sa'yo?" Inihinto niya yung bike niya sa may park at umupo sa may bench. Sumunod naman ako sa kanya.

"Pinagsasabi mo kuya? Sa mukha kong 'to, kuya? Sus malayong mangyari yun." Sabi ko habang tinitingnan yung mga batang naglalaro.

"'Wag mo ngang malait lait lahi natin. Maganda ka kaya. Di ka lang marunong mag-ayos." Bait ni kuya no? Bolero nga lang.

"Pero beb, di malayong mangyari yun. Kaya kung may mag-attempt mang manligaw, iharap mo sa'kin. Kailangan niya muna akong matalo bago ko siya matanggap bilang manliligaw mo." Sabi ni kuya habang nakatingin sa'kin.

The Lead VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon