Chapter 2

40 1 0
                                    

Sunny

Monday. Nagising ako dahil sa alarm clock. Lunes na at may pasok na naman. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nagbihis ako ng uniform namin na white blouse na may blue checkered necktie at above the knee na blue checkered skirt. Sinuuot ko na yung puting knee sock ko at yung black shoes ko. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Basa ang magulo kong buhok. Ampangit ko. Sinuklay ko yung buhok ko at tinali. Sinuot ko narin yung eyeglasses ko at isinabit yung bag ko sa right shoulder ko. Bumaba na ako para kumain.

"Good morning ma, good morning pa, good morning kuya,"  Nakangiting bati ko sa kanila habang pababa ako ng hagdan.

"Good morning anak," Bati sa'kin ni mama habang hinahain yung pagkain sa lamesa. Binati rin ako nina papa at kuya. Si papa ay kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Si kuya naman ay kumakain na na parang nagmamadali.

"Beb, kain ka na. Para sabay tayo papuntang school mo," Sabi ni kuya bago isubo yung kanin. 1st year college na si kuya. Sabay kami laging pumasok dahil malapit lang ang school nila which is sister school ng school namin, Freedom State of Colleges. He's taking up architecture.

Sumabay na akong kumain kina mama. Maya maya'y natapos ng kumain si Dad kaya nagpaalam na siya. "Hon, I need to go. Kids, be careful." Sabi ni papa at lumbas na ng bahay.

"Ma, we also need to go. Take care of yourself. Bye. See you later." Sabi ni kuya at lumabas na. I kissed my mom on her left cheek at sumunod na kay kuya.

Kinuha namin yung skate boards namin sa garahe at sumakay na doon papuntang school. Ito na yung nakasanayan namin ni Kuya. We know some stunts in skate boarding pero di namin magamit sa daan. Safety first, ika nga.

Nakasaksak yung blue earphones ko habang nags-skate board. Malapit na ako sa school kaya binilisan ko na ang pags-skate board at nagpaalam na kay kuya. Bumaba na ako sa skate board ko at binitbit ito. Di kasi pwedeng magskate board sa corridors para maiwasan ang aksidente.

Bitbit ko yung skate board ko habang nakasaksak parin ang earphones sa tenga ko. Nadaanan ko yung fourth year building dahil magkatabi lang ang building ng year level namin sa kanila. Doon ay nakita ko ang lalaking nakaupo sa likuran ng isang silid. Yung lalaking di ko makalimutan dahil napatigil ang mundo ko nung nakita ko siyang kumakanta sa ibabaw ng entablado. Tama kayo. Siya nga yung lead vocalist na di ko malimutan. Si Jayson Montellano.

Aaminin kong mas magaling siya kay kuya Ton. Di ko alam pero di ko maiiwasang mapatitig sa mukha niya at marinig ang boses niya na paulit ulit na nagp-play sa utak ko. Imahinasyon ko talaga kahit kailan.

Paalis na sana ako sa harapan ng silid ng bigla na lang akong mabangga ng isang lalaki dahilan ng pagkabitaw ko sa pagkawak ko sa skate board.

"Ay miss, sorry." Rinig kong sabi niya habang inaangat yung skate board.

"It's ok." Sabi ko at inabot niya sa'kin ang skate board. Dun ko lang siya nakilala. Si Ryan Villan. Kung andito lang si Jess.

"Bro, buti andyan ka na." Nilingon ko yung boses ng taong nasa likod at nakita ang lalaking nanggugulo sa'kin nitong linggo.

"Miss, mauna na ako. Tawag na ako eh." Sabi ni Ryan at lumapit na sa kaklaseng si Jayson.

Lumingon akong muli at di sinasadyang nagkatinginan kami. Tila huminto ang oras at  naging slow mo ang lahat. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlaming yung mga kamay ko. Ibang klase. Anong nangyayari sa'kin? Nakita ko siyang ngumiti. Di ko maintindihan kung bakit gusto ko ding ngumiti. Tumalikod na lang ako at naglakad palayo. Ano ba kase itong nararamdaman ko?

The Lead VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon