Sunny's POV
HEAD SHOT
DOUBLE KILL....
MISSION SUCCESSTama kayo. Nagc-crossfire ako. Andito ako sa computer shop sa loob ng mall. Napagod ako kakaantay kay Jess. Sabi kase niya gagala daw kami. Since Saturday naman ngayon at wala naman akong mapapala kung sa bahay lang ako kaya pumayag na lang ako. Kaso yung babaeng yun pinag-antay ako ng kalahating oras bago nagtext na di daw siya makakapunta.
Kamusta naman yun? Sa sobrang inis ko, pumunta ako sa computer shop sa loob nitong mall at nag crossfire. Since di ako mkapatay ng tao sa mundo ng mga tao, sa mundo ng internet gaming ako papatay. Para maibuhos ko lahat ng inis.
Gamit ko pa yung account kong matagal ko ng di binubuksan. Hanggang ngayon pala eh okay pa rin kami ni pareng crossfire. Pero di ibig sabihin nun na kakalimutan ko na yung Jess na yun. Humanda siya pag nagkita kami.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at isang oras na akong naglalaro dito. Pagkatayo napansin kong marami pa lang nanonood habang naglalaro ako. Di ko naman napansin dahil nakasuot ako ng headphones.
"Miss, balik ka dito auh. Sali ka sa'min maglaro minsan."
"Oo nga miss."
"Hanep miss. Ang galing mo."
"Balik ka miss ah?"
"Ge" Tipid kong sagot at lumabas ng shop.
Kala ko ba LOL na uso ngayon? Ba't bigla silang naging interesado muli sa crossfire?
Dumiretso ako sa supermarket at bumili ng Zagu. Nauhaw ako kakalaro eh. Lumabas ako doon at gumala. Ang loner ko lang. Mag-isa ako habang yung ibang gumagala kasama yung barkada nila. At dahil mall to, di mo maiiwasang makakita ng PDA.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa naubos yung Zagu at tinapon ko sa basurahan katapat ng BOOKSALE. Pumasok ako roon. Paborito ko tong store na to eh. Kapag sinuwerte ka, may libro ka na sa limang piso mo. Lahat kase ng bargain na libro dito binebenta. Suki ako dito. Madami narin akong nakolektang libro galing dito. Yung iba sira yung cover pero ang ganda ng content ng story. "Don't judge the book by its cover "ika nga.
Lumabas ako ng store dala dala ang dalawang librong nabili ko. Napag-isipan kong umupo sa bench sa tapat ng BOOKSALE at nagbasa. Ayaw ko pang umuwi eh. Mabuting dito na muna ako. The Transformation of Faith Flutterman. Title ng libro na binabasa ko.
"Busy tayo ah." The voice was familiar. Nilingon ko yung nagsalita.
"Kuya Ton" Nakangiti kong bakit. Nako po ang gwapo parin niya.
"Ako nga, Sunny. Kamusta?" Tanong niya. Sinarado ko yung libro saka sumagot.
"Okay lang naman po. Kayo?" Taning ko naman.
"Okay lang rin naman. Nakita kita walang kasama. Nadistorbo ba kita sa pagbabasa?"
"Nako, di namam po. Eto kasing si Jess nagyayang gumala pagkatapos di ako sinipot." Naiinis kong sumbong. Kapag kasi naalala ko yung di niya pagsipot naiinis ako. Natawa siya.
"Nga pala, pwede ka bang samahan? Since mag-isa ka lang" Nakangiti niyang alok. Mas lalong gumagwapo si Kuya Ton ah.
"Walang problema, kuya. Basta di ako nakakaabala." Nakangiti kong sabi.
"Tara" Tumayo siya at nilahad yung kamay niya sa'kin. Ngumiti ako at hinawakan yung kamay niya. Inalalayan niya naman akong tumayo.
Ang saya. Ngayon lang ako gagala kasama si Kuya Ton. Naalala niyo pa ba siya? The former lead vocalist of CBD, Anton De Leon.
BINABASA MO ANG
The Lead Vocalist
Teen FictionNakita niya na dati magperform ang sikat na banda ng school org. nila na tinatawag nilang Cannot Be Displayed. Pero isang araw pinalitan ang lead vocalist ng banda dahil graduate na ang dating lead vocalist. Isang napakagwapong binata ang pumalit r...