Sunny's POV
I'm presently eating a pasta at the dining. Eating really helps me when something's bugging my mind. I keep on telling my mind that it's just a brotherly kiss yet this brain of mine maybe has its own mind to believe. This is gonna be bugging me whole night. I hope I can sleep tonight.
Niligpit ko na yung pinagkainan ko at bumalik sa silyang kinauupuan ko. Isinandal ko yung ulo ko sa kamay kong nakapatong sa mesa habang nag-iisip. Maya maya'y pumasok si kuya sa dining at kumuha ng tubig sa ref. Umupo siya kaharap ko.
"May iniisip ka no?" Panghuhula niya. Alam na alam na talaga ni kuya bawat galaw ko. Kilalang kilala niya na talaga ako mula ulo hanggang paa.
"Kasi ano--" Sasabihin ko ba? Lagi akong open kay kuya pero parang di ko masabi ang isang to.
"Kasi ano matutulog na ako. Sige mauna na ako." Patayo na sana ako nang nagsalita si Kuya.
"Upo. May di ka sinasabi eh."
"Eh kuya magagalit ka."
"Kelan ba ako nagalit sayo?" Kelang nga ba? I have never been scolded by my brother. Pag nagkataon, first time toh. Teka, ba't naman ako pagagalitan? Ba't ba kasi ako nagi-guilty? Ako lang nagbibigay ng malisya eh.
"Kuya... Kasi hinalikan ako ni kuya Ton sa pisnge." Mabilis kong sabi. Walang preno preno.
"So?" So???? Ganun lang reaction niya?
Tiningnan ko siya. Di siya galit.
"Hinalikan ka lang ni Anton magagalit na ako? Beb, we both knew that Anton treat you as her sister and you treat him as your brother. Maybe it's a brotherly kiss. Or it can also be an uncontrolled action. That, if he is attracted to you. Sa pagkakaalam ko kasi sa mokong na yun, di siya yung tipong nagpapadala sa nararamdaman. Lahat ng nagagawa niya, napag-isipan niya na. Wag ka ng mag-isip diyan. Eh ano naman kung may crush sa'yo si Anton? I will accept him as long as he'll prove he's worth it. But he should win the one on one battle with me in the court before i'll consider him as your suitor." Speech ni kuya. Ba't napunta yung usapan dito?
"Kuya, sure ka bang brotherly kiss parin yung pinag-uusapan natin?" Tanong ko. Eh may ligawan na siyamg nalalaman diyan eh. Baka mamaya kasalan na yung pag-uusapan.
"I just expand the topic for you to understand it well. Aaminin kong pagkiss nakakapanghinala na yan., Kaya baka umabot sa point na yun." Sabi niya. Humikab siya. My dear kuya is already sleepy. He stands and patted my head.
"Good night sis." He said and kissed me on my cheeks.
"Yan ang tunay na brotherly kiss. Sige akyat na ako. Matulog ka na rin." At naglakad na siya palayo sa dining.
Umakyat na rin ako sa taas para matulog. Humiga ako sa kama at nag-isip sandali.
"... aaminin kong pagkiss nakakapanghinala na yan..." It is like a song that plays in my head again and again. Nakakapanghinala ba talaga? Well, para sa'kin oo. Nakakapanghinala nga. Pero di ako assuming. Asa pa akong magkakagusto sa'kin si kuya Ton. Magaganda't sexy yung type nun. Eh ako? Anu ba ako? Di ako maganda, di rin sexy. Kaya wala lang yung kiss.na yun. Makatulog na nga.
♪♪♪♪♪♪♪♪♪
"Eh sorry na kasi may lakad din kami nina mama nun." Paghihingi ng pasensya ni Jess habang sunod ng sunod sa'kin.
Kasalukuyan akong naglalakad sa corridors patungo sa classroom namin ng makita ako ni Jess. Tinawag niya ako pero di ko siya pinansin. Aba! Ano siya sinuswerte. Pagkatapos niya akong di siputin nung Sabado? Papatawarin ko rin naman siya kaso masyado pang maaga para magpatawad. Magsisi siya muna. Yung mga attitude kase gaya niya bawal itolerate.
BINABASA MO ANG
The Lead Vocalist
Teen FictionNakita niya na dati magperform ang sikat na banda ng school org. nila na tinatawag nilang Cannot Be Displayed. Pero isang araw pinalitan ang lead vocalist ng banda dahil graduate na ang dating lead vocalist. Isang napakagwapong binata ang pumalit r...