Chapter 24 ♥

3 0 0
                                    

After 4 years ....

Marami ang nangyari sa aming highschool life.

Mayroong masaya, malungkot at nakakaewan na mga pangyayari.

Pero tignan mo nga naman at buo pa rin kami kahit College na kami.

Ang kaso sa ibang bansa na nag-aaral sina Micah at Shane kaya kaming apat na lang ang magkakasama.

"Hi babe!" Sabi ni Matthew kay Chelsea.

Oo sila na nga ni Matthew. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Parehas may saltek!

"Babe mo mukha mo!" Chelsea

"Ang sungit naman nitong Babe ko" Matthew sabay yakap kay Chelsea.

Nandito nga pala kami sa rooftop ng University. 2 hours vacant kasi kaming lahat kaya ito dito kami naka-tambay.

"Kadiri ka wag mo nga akong tawaging babe, Ayoko ng endearment!" Chelsea.

Hay, masanay na kayo sa dalawang yan! kahit ganyan yan akalain mong tumagal ng dalawang taon yan.

"Sophia, diba sabi mo aalis ka mamaya?" Jint

"Yup, bakit?" Tanong naman ni Sophia.

"Samahan na kita, Alam mo namang ayaw kitang nag-iisa baka kung anong mangyari sayo di ko kakayanin yun" At ayan pa po ang isa pang couple.

Oo , naging sila Jint at Sophia nga din. Naging sila noong 4th year kami bale 1 year na sila. Sa aming lahat sila ata ang matinong mag-jowa. Kahit loko-loko si Jint eh nagkakasundo sila ni Sophia.

"Ahaha. Ikaw ang bahala" Sophia , Sabay pisil nito sa pisngi ni Jint na katabi lang niya.

"Troy sinabi ko nang wag na wag kang magbabar kung ayaw mong magbreak tayo!" Jolina.

"Eh katuwaan lang naman, tsaka b-day kasi ng katropa ni kuya sinasama ako" Troy

"Mamili ka! Hindi ka magababar o magbebreak tayo?" Ma-awtoridad na saad ni Jolina.

"Syempre hindi ako magbabar! Tingin mo ba kaya kong makipag-break ka sakin? Hindi ko kaya ! kaya mabuti pang magdamag akong nasa tabi mo kesa magbar" Saad naman ni Troy.

Ito namang dalawang to'
Away bati ang peg niyan. Maraming bagay ang pinagkakatampuhan nila pero maya-maya lang makikita mong bati na sila.

"Good ! akala ko magmamatigas ka eh" Jolina sabay yakap kay Troy.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Napatingin naman ako sa lalaking nasa tabi ko.

"Wala, naiisip ko lang yung mga nakaraan. Parang dati hate na hate kita tapos ngayon ito at Boyfriend na kita. Parang dati hindi ko pa kilala yang sina Sophia at Jolina tapos ngayon ito at naging bestfriend ko pa sila. Parang dati ang daming hadlang satin pero ito at malaya na tayo. Hindi ba't ang sarap isipin na kahit anong pinag-daanan natin eh tayo pa rin ang magkakasama?" Sabi ko.

"Maybe ito talaga ang nakatakda para sa atin?" Sagot naman niya.

"Hayyy! Nagpapasalamat ako at nakamit natin ang kasiyahan. Sana magpatuloy pa to" Sabi ko sa kanila.

"Magpapatuloy yun kung hindi na magiging mataray tong si Chelsea. Kasi ikaw Faith kahit papaano eh nabawasan ang katarayan mo" Matthew

"Eh ano bang pakielam mo kung mataray ako? gusto mo magbreak na tayo?" Chelsea

"Syempre !!!! AYOKO! matapos kitang ligawan ng isang taon maghihiwalay lang tayo? isa pa mahal kaya kita!" Matthew

"Ayun naman eh!" Kaming lahat.

At yun nga nagtawanan kaming lahat.
Obvious naman siguro na kami-kami rin ang nagkatuluyan hindi ba ?

The End ~ !

A/N: Pasensya na po kung medyo minadali ko tong storyang ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend ti'l the End ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon