chapter 9 ♥

22 0 0
                                    

Sophia's PoV

Mag-isa akong nag-iintay dito sa canteen dahil wala pa sina Faith at Chelsea nang biglang pumunta sa kinaroroonan ko si Jolina kasama ang mga kaibigan nya.

"Look girls. nag-iisa si Loser iniwan na nang mga kaibigan nya hahahaha" -  Sabi ni Jolina na tumatawa

"Haha.  oo nga" - Shane & Mica

Hindi ko na lang sila pinansin. Aalis na sana ako dahil ayokong makipag-away sa kanila pero hinawakan nya ang braso ko at kinuha ang juice na dala nang estudyanteng dapat dadaan at ibinuhos sa akin kasabay nun ang tawanan nang mga estudyanteng nasa canteen.

"Yan ang nababagay sa mga Loser na kagaya mo!!" - Jolina sabay tulak sakin dahilan para mapa-upo ako sa sahig.

"Lakas nang loob mong sabihan ako na kaLevel nang aso! *pakkk*" - Jolina na sinasampal at sinasabunutan ako. Hindi ako makalaban feeling ko nanghihina ako dahil sa mga tawanan nang estudyante na tila ba natutuwa pa sa nakikita nila . Hindi ko na napigilang umiyak. Ipinagdasal ko na sana dumating ang mga kaibigan ko dahil alam kong hindi nila ko pababayaan.

"Sophiaaaa!!" - Rinig kong tawag nang dalawang pamilyar na boses sa pangalan ko.

"Walanghiya ka Jolina!" Sigaw ni Faith kay Jolina at sinabunutan ito. Si Chelsea naman ay lumapit sakin tinulungan akong tumayo at tinanong kung ayos lang ba ako. Tango lang ang sagot ko at sinabihan sya na pigilan si Faith pero hindi nya ito ginawa maski ang ibang estudyante ay hindi sila inaawat.

"Ah-ouch my hair! ano ba ! bitiwan mo ang buhok ko!" - Sabi ni Jolina na halata mong nasasaktan na sa pagkakasabunot sa buhok nya ni Faith.

"Girls tulungan nyo ko!" - Paghingi nang tulong ni jolina sa mga kaibigan nya. Agad namang sinabunutan nang mga kaibigan nya si Faith.  Agad din namang tinulungan ni Chelsea si Faith.

"Faith ! Chelsea! Tumigil na kayo pls. ! awatin nyo sila"  - Sabi ko habang naiyak. Dahil ayokong nakikita silang nakikipag-away nang dahil sakin . maya-maya pa ay mayroon nang mga estudyanteng lalaki ang umawat sa kanila. pilit silang pinaglalayo nang mga ito sa una hindi sila maawat pero kinalaunan ay naawat na sila.

"Bakit ba napaka-pakielamera nyong dalawa?"  Jolina

"Bakit din ba inaaway nyo si phia ?  wala naman syang ginagawang masama sa inyo eh!" - Chelsea

"Loser kasi sya!  kayo nga lang ang may gustong makipag-kaibigan sa kanya eh!" - Jolina

"Ano naman kung kami lang ang may gustong makipag kaibigan sa kanya? kung tutuusin nga ikaw dapat ang hindi kaibiganin kasi masama ang ugali mo di kagaya ni Phia! atsaka kayo! Kayong mga estudyante dito! ano bang problema nyo kay sophia ? wag kayong manghusga nang taong  hindi nyo pa kilala. Bakit di nyo tignan ang mga sarili nyo bago kayo manghusga masyado kayong manghusga eh kayo naman tong kahusga-husga!  Chelsea, Sophia tara na ! di natin kailangan nang mga taong mapang husga hindi sila Kawalan!!" - Sabi ni Faith sabay alis

"Sophia halika na. Pabayaan mo na sila" - Chelsea sabay hila sakin

@school garden

"Arrrgh!!! mga bwisit sila! mga mapang-husgang tao ano bang akala nila sa sarili nila?!" - Faith

"I'm sorry Chels & Faith" - Sabi ko habang nakayuko.

"Sophia wag kang mag-sorry wala kang kasalanan" - Sabi naman ni Chelsea.

"Hindi. kasalanan ko,masyado kasi akong mahina kaya binubully nila ko. Siguro nga totoo yung sinabi ni Jolina na duwag ako" - Sabi ko habang naka-yuko parin at naiyak.

"Sophia wala kang kasalanan. hindi ka din duwag ok? masyado ka lang mabait. pero sa tingin ko kailangan mo nang baguhin ang ugali mo. Hindi naman sa sinasabi kong maging salbahe ka or maging masama ka ang gusto ko lang lumaban ka kung alam mong nasa tama ka. Kasi hanggat hinahayaan mong api-apihin ka nila walang mangyayari sayo lagi ka nilang kakawawain. hindi naman sa sinasabi kong kailangan mo kami pero paano kapag wala kami? hahayaan mo bang saktan ka nila?  Sophia makinig ka, kaibigan mo ko ayokong nasasaktan ka kaya kung ako sayo wag kang masyadong mabait para di ka inaabuso" - Sabi ni Faith na maiiyak na din.

"Siguro nga masyado akong mabait kaya ako inaabuso nang mga tao. Sige Faith pipilitin kong magbago. gusto kong maging matapang kagaya nyo" - Determinadong sabi ko sa kanila buo na ang desisyon ko hindi ko na hahayaan na apihin nila ko. Salamat sa mga kaibigan ko dahil sila ang dahilan kung bakit determinado akong magbago.

"Awwww... natouch naman ako sa drama nyo. group hug tayo daliii!!" - Chelsea

Faith =______=

Sophia =______=

Chelsea ^______^

"Dali na!  group hug na! " - Chelsea sabay yakap samin ni Faith haha nakakatuwa talaga sya hindi nawawalan nang kalokohan.

Ngayong araw na to napagdesisyonan kong " I will change myself for the better" ayoko nang magpa-api nakakasawa rin kasi eh...

hmmm... hanggang dito na lang muna mga readers babye mwuah :*

~~

A/N: Yow! monday na bukas may pasok na kami. sana walang masyadong gawin para makapag-update ako hehehe ^^ vote & comment please ^_^

Bestfriend ti'l the End ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon