Chapter 22 ♥

20 0 0
                                    

Rain's POV

"Sh*t ! Valentines Day na pala sa Friday?" Sabi ni Troy habang naglalaro kami ng basketball dito sa may gym, kasama namin sina Jint at Matthew .

"Oh ano naman kung Valentines Day na sa Friday?" Matthew

"Syempre kailangan maghanda ng surprise para sa ka-date!" Troy

"May ka date ka ba? eh single ka" Jint

"Marami naman daw naghahabol sa kanya eh, kaya maraming mag-aayang makipag-date sa kanya" Singit ko sa usapan nila, umupo muna ko nakakapagod kasi eh.

"Hindi, may gusto kong makadate sa araw na yun eh. ang kaso di ko alam kung paano sya mapapapayag na makipag-date sakin" Troy

"Uy bago yun ah ? Sino naman ?" Matthew

"Si Jolina" Sabi ni Troy matapos niyang maupo kaya naman pati kami ay umupo na rin.

"Si Jolina ? Ahaha! eh parang ang taray nun" Matthew

"Tss. yun nga kaya nga nag-iisip ako kung paano ko mapapapayag" Troy

"Gusto mo ba siya ?" Tanong naman ni Jint

"Oo, walang duda dun tol' unang kita ko pa lang sa kanya nagustuhan ko na siya" Sabi naman nito.

"Ligawan mo na din kung ganun" Matthew

"Balak ko naman talaga yun" Troy

"Yun naman pala, Goodluck sayo tol" wika ni Jint.

"Ikaw anong balak mo Rain?" Tanong naman sakin ni Troy.

"Sa akin na lang yun" Sabi ko sabay tayo , pupunta ko sa locker room at Cr para makapag-ayos amoy pawis na kasi ako.

Faith's POV

Malapit na ang Valentine's Day , naglipana na naman ang mga Couple diyan sa tabi tabi -.-

"Anong balak niyo sa Friday?" Chelsea

"Anong meron sa friday?" Sabi naman ni Sophia

"Duh ? Valentine's Day kaya bukas!" Chelsea

"Ano naman?" Jolina

"So wala man lang kayong balak makipag-date ?" Tanong ulit ni Chelsea

"Tss.. Single kaya tayong lahat! kanino naman tayo makikipag-date ?" Jolina

"Kanila Rain!" Chelsea

"Wow? so parang gusto mo na tayo pa ang mag-aya na makipag-date -.-" Sabi ko naman.

"Gaga! hindi sa ganun. Malay mo ayain tayong lumabas" Chelsea

"Pwede naman tayo na lang ang mag-date ah? hindi lang naman ang magshoshota ang pwedeng mag date no" Wika naman ni Sophia.

"May point ka diyan Girl!" Micah.

"Alam niyo mabuti pa ikain niyo na lang yan." Sabi ko.

Puro valentine's iniisip -.-

Nang mag-uwian na ay nadatnan kong nasa labas ng room namin si Rain.

"Uy ! may sundo siya. Hala sige gumora ka na ateng ! sasabihin ko na lang sa kanila na di ka makakasabay sa amin kasi may maghahatid na sayo" Chelsea

magsasalita pa sana ako ng bigla na lang itong umalis.

*Sigh*

Nakita kong palapit sa akin si Rain at naka-ngiti pa ito sa akin.

"Ako na magdadala ng gamit mo" Sabi niya sabay kuha ng gamit ko.

"Huwag na Ulan, kaya ko naman. Hindi mo naman kailangang dalhin pa yan kaya ko naman" Sabay kuha sa gamit ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

Bestfriend ti'l the End ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon