Simula

8 0 0
                                    

"Pagdating natin sa College, mag-aaral ako ng mabuti." Hindi mawala ang ngiti ni Vincent habang magkatabi sila ni Jaimie na pinagmamasdan ang isang napaka-gandang kotse.

"Huh? Bakit sa college ka pa mag-aaral ng mabuti? Pwede namang ngayon na." Natatawang tugon ni Jaimie sa kanya palihim na tinitigan si Vincent na nakangiti pa rin habang nakatingin sa sasakyan.

"Hindi ko naman kasi gusto ang inaaral natin ngayon. At least sa college alam kong gusto ko." Hindi pa rin nawawala ang ngiti na sumulyap naman si Vincent kay Jaimie na noon ay titig na titig sa kaniya. Nanlaki tuloy ang mata ni Jaimie ng mapagtanto niya na ka-eye to eye na niya si Vincent. "Bakit ka titig na titig sakin? Hays. Gwapong-gwapo ka na naman." Saka siya tumawa ng tumawa na ikinaasar ni Jaimie

| Bakit ba kasi ang landi ng mata ko? Arghh! May maaasar na naman siya tuloy sakin!|

"Asa ka! Bahala ka diyan! Aalis na ako nandyan na ang driver ko." Nakabusangot na sabi ni Jaimie saka niya inayos ang mga gamit niya.

"Ang cute cute mo talaga!" Hindi na nakapagpigil pa si Vincent at kinurot ang pisngi ng girlfriend niya. Todo piglas naman si Jaimie kaya natawa na naman ng sobrang lakas na tila ba ay wala ng bukas ang mapang-asar na si Vincent.

"Pero seryoso, nagtext na talaga ang driver ko. Kailangan ko na umuwi." At ng dahil sa mga salitang iyon ay nawala pareho ang ngiti at tuwa sa kanilang labi at mata.

"Ganun ba? Mag-iingat ka. Pasensya ka na at wala akong kotse o motor para maihatid ka sa inyo. Pasensya ka na ku-" Hindi na pinatapos pa ni Jaimie ang sasabihin ni Vincent dahil ayaw niyang maramdaman ng boyfriend niya na may pagkukulang ito sa kanya.

"Ayos lang yun! Alam ko namang babawi ka sakin diba?"

"Pangako, babawi ako sayo. Pagsisikapan ko na umahon sa hirap para hindi na natin kailangan magtago pa sa pamilya mo." Napangiti na lamang si Jaimie kay Vincent saka niya ito niyakap ng mahigpit.

Noong mga oras na iyon ay alam nilang pareho na nasa tamang tao sila ngunit nasa maling pagkakataon. Ngunit kaysa maghiwalay ay mas pinili nilang hintayin ang takdang panahon kung saan wala ng hahadlang pa sa kanilang dalawa ng magkasama.

EllipsisWhere stories live. Discover now