Kanina pa tapos ang oras ng trabaho ko pero ala una na nandito pa rin ako sa loob ng Mcdonalds. Nagbabakasali lang ako na ibalik dito ng nakapulot ang ID ko. Hindi ko rin inalis ang mata ko sa cellphone konat baka magtext sa akin. May contact number naman kami sa ID and kung mabait talaga ang nakapulot nun, sana ibalik sa akin.

Napakahalaga ng ID na yun. Bukod sa kailangan ko yun para makapasok sa University, ilang taon ng nasa akin yun. May value na yun para sa akin.

"Um-order na ako. Parang di mo napansin na nandit ako e." Gulag skong napatingin kay Justin na nasa harapan ko na pala.

"Nawawala kasi Baks ang ID ko. Sigurado akong dito ko naiwan yun. Nagbabakasakali lang na dito ibalik yyng ID." Sabi ko sa kanya habang tinitignan ko yung mga taong dumadaan sa labas.

"May C.O.R ka naman ah? Magagamit mo naman yun papasok. " sabi niya kaya napasimangot ako. Iba kasi talaga pag ID ko mismo

"Iba kasi halaga ng ID bakla." Sabi ko na lang kaya napatango siya. Nagkwentuhan kami sandali pero hindi ko mafocus ang sarili ko sa pinag-uusapan namin dahil nga busy talaga ako sa pagbabantay ng cellphone ko.

Napatingin ako sa kaniya nung inihatid ni June yung order niya na dalawa.

"Alam mo naman wala akong pambayad." Nakasimangot kong sabi nhng nailapag na sa harapan ko ang one piece chicken.

"Ano ka ba? Libre ko na yan sayo." Napangiti naman ako. Kahit na di ako masyadong makafocus sa pakikipagkwentuhan at pagkain dahil nga binabantayan ko cellphone ko, natutuwa pa rin ako at di nagrereklamo si Justin. Dati kasi panay reklamo na niyan pag di ako masyadong nakikinig.

"Siguro kailangan ko ng tanggapin na hindi na mababalik sa akin ang ID ko." Sabi ko na lang saka ko inayos ang gamit ko. Sumuko na ako kakaantay. Nasasayang na rin ang oras ko imbis na marami na akong nagagawa nandito ako at nakaupo at naghihintay sa isang text or call na hindi ko naman sigurado kung meron ba.

Nagpahatid lang ako kay Justin sa condo pero di na siya nagtagal at may aasikasuhin pa sigang trabaho at lakad ng pamilya niya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabalot ng mga jacket na pinamigay ko na ng free. Osige, aaminin ko na minsan talaga naiinggit ako kay Justin. Siya kasi nakakasama niya pamilya niya,suportado siya sa mga gusto niyang gawin. Higit sa lahat, graduate na siya. Isa na siyang professional e kung tutuusin magkasabayan lang kami.

Ang dami kong desisyon s buhay na gustong gusto ko na pagsisihan kaso, ginawa ko na yun e. Pag pinagsisihan ko ba may mababago ba ako? Wala na. Kaya ang kailangan ko na lang gawin ay itama kung ano man ang mali ko noon. Hindi ko na uulit dahil madaming nawala sa akin. Una ang pamilya ko at higit sa lahat ay pangarap ko.

Minsan ang sobrang pagmamahal ang sisira sa buhay at buong pagkatao mo. Maling mali na lunurin ang sarili sa pagmamahal na akala mo hindi magwawakas.

Napasandal na lang ako sa gilid at patuloy na sinusulyapan ang cellphone ko. Di na ba talaga mababalik ang ID ko? Hays. Lumipas pa yung oras at napagisipan kong tapusin na lang lahat ng kailangan kong ipasa. Seryosong seryoso akong nagsasagot ng mga assignments ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello po. Jaimie Perez po." Hindi ko na inabala ang sarili ko na tignan pa ang caller. May hindi kasi ako magets dito sa sinasagutan ko.

"Hi Miss Jaimie." Napatigil akosa pagsasagot nung marinig ko ang pamilyar na boses. Bigla tuloy akong kinabahan. Bigla rin akong nanlamig kaya nung hawakan ko yung cellphone ko para tignan yung caller sobra kong nanginginig.

Di kaya... Aish! Hindi! Malabo! Matagal na yung nawala!

Napahinga na lang ako ng maluwag nung makita kong unknown number ang tumawag sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EllipsisWhere stories live. Discover now