"Talaga, Brad? Isasama mo ko sa banda mo?" Kitabg kita ko sa mata ni Vincent ang excitement niya nung sabihin ni Greg na isasali siy sa banda nigo na tumutugtog minsan sa mga bar at events.
"Oo naman, Tol. Alam ko naman magaling kang maggitara at kumanta. Sure naman akong pasok ka agad." Sagot naman ni Greg kaya mas lalong lumawak ang ngiti ni Vincent. Gusto ko sanang ngumiti at samahan si Vincent sa pagiging masaya niya pero hindi ko magawa.
Alam kong makakaapekto sa pag-aaral nita ang pagsali at pagtugtog sa banda. Alam ko kung gaano ka-busy sila Greg sa practice sa pagtugtog. Natatakot ako na baka mawalan ng oras si Vincent sa pag-aaral niya. Ayoko namang pabayaan niya ang pangarap niya dahil lang sa pagtugtog.
Hindi sa kontrabida akong girlriend ha? Alam kong gusto niya ring tumugtog pero alam ko na mas makakabuti sa aming dalawa na magfocus muna sa pag-aaral.
"Sige asahan ko, Greg. Text o di kaya tawagan mo na lang ako o si Jaimie pag practice. Maraming salamat ha! Una na kami." Ngumiti na lang ako kay Greg saka kami tuluyang nagpaalam sa kaniya ni Vincent. Naglalakad kasi kami pabalik ng condo. Bumili lang naman kami ng ulam tapos nakasalubong namin si Greg.
"Sasali ka sa banda nila?" Tanong ko sa kanjya kaya mas napangiti naman siya.
"Oo. Minsan lang akong magkaroon ng pagkakataon para makatugtog. Hindi ko na sasayangin yun." Hindi siya nakatingin sa akin kaya kitang kita ko kung gaano lumalawak at sumasaya yung mata niya sa idea na makakatugtog na siya sa isang banda.
"Paano pangarap mo? Paano pag-aaral mo?" Tanong ko ulit kaya napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin
"Pangarap ko din naman na tumugtog diba?" Ngumiti siya saka niya hinawakan ang kamay ko. "Saka para kanino pa ko mag-aaral? Patay na magulang ko. Hindi na rin naman nila makikita na makakapagtapos ako." Sabi niya pa. Siguro sobrang sensitive lang ako kaya pakiramdam ko nangingilid ang luha ko.
Hindi niya ba ako nakikitang rason para magpatuloy sa pag-aaral?
"Titigil ka para sumali sa banda nila Greg?" Tanong ko.
"Bakit feeling ko ayaw mo na sumali ako sa banda nila? Alam mo namang gusto kong tumugtog diba? Gusto kong kumanta. Saka isa pa, malay mo malaki kitain ko sa mga gig namin. Matutulungan kita sa mga gastusin. Maraming oras para mag-aral, Jaimie. Maraming oras para magtapos pero hindi laging may ganitong opportunity." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Paano kung sabihin kong ayaw ko? na mas gusto kong mag-aral ka?"
"Akala ko ba susuportahan mo ko sa lahat? Bakit parang nagba-" hindi ko n siya pinatapos. Wala naman kasi akong magagawa kahit na di ako pumayag sa gusto niya. Saka hindi ko rin siya matitiis. Mahal ko siya e.
"Ano ka ba? Haha. Joke lang. Syempre susuportahan kita." Tumawa ako ng peke kahit na sa loob loob ko ay nag-aalala ako para sa kinabukasan niya.
"Ma'am? Pick up-in ko na po yung mga parcel." Nabalik na lang ako sa reality nung may tumapik sa balikat ko.
Aish! Nakakahiya! Nakita pa ni kuya na nagbabalik ako sa nakaraan haha. Nakita niya pa tuloy ang tulala face ko.
"Ay hehe. Sorry Kuya ha. May naalala lang ako." Tinawanan na lang ako ni Kuya saka namin pinagtulungan na ilagay sa motor niya yung mga parcel na pinaglalagyan ng orders sa akin.
"Tuwing kinukuha ko mga parcel mo Ma'am lagi na lang kitang naabutang tulala." Biglang sabi ni Kuya kaya natawa ako.
Tama naman siya e. Kada maabutan niya ko dito sa lobby para kunin ang mga parcel tulala ako. Lagi ko na lang trip balikan ang nakaraan pag nandito ako.