Minsan mapapatanong na lang tayo sa sarili natin kung kaya pa ba?, lalaban pa ba? O mas mabuting sumuko na lang? May mga bagay kasi na hindi natin inaasahan pero biglang nangyayari. Kahit anong pilit mong iwasan ang gusto mangyari ng tadhana, talagang hindi maiiwasan e. Parang ang hirap sumabay sa agos ng buhay lalo na at hindi mo alam ang gagawin mo. Sobrang hirap sumabay lalo na't biglang magbabago lahat ng nakasanayan mo.
Mapapatanong na lang tayo na, deserve ba natin to? Sa dami ng tao sa earth, bakit ako pa? Hays. Ano ba tong naiisip ko? Hindi na dapat ako nagda-drama marami akong kailangan gawin! Aish, Jaimie! Sige tumulala ka pa!
"Hoy, Baks! Ano na? Malapit na mag alas-otso! Ayusin mo na mga ibebenta natin!" Napa-oo na lang ako sa sinabi ni Ross. Hindi na ako pumalag kasi ang tagal ko ng nakatulala sa kawalan habang iniisip ko mga nangyaring kapalpakan sa buhay ko
"Magkano ba price range ng mga to? Magkano nga ulit pinuhunan ko dito?" Nahihiya kong tanong. Natawa naman sa akin ang bakla saka siya napailing.
"Alam mo girl, sige na ipahinga mo na yan. Ako na lang muna magbebenta nitong mga paninda mo." Ganun na ba ka-obvious sa itsura ko na pagod na ako? Grabe sa dami ng raket at gawain sa school hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawawala na rin sa isip ko ang mga kailangan kong gawin at intindihin.
"Hindi na, Baks. Kaya ko pa. Kailangan kumayod kasi kailangan na rin magbayad ng tuition next week. Kulang pa ng halos kalahati itong pera ko." Napasimangot naman sa akin si Justin sa akin.
"Bakit ba kasi hindi ka na lang humingi ng tulong sa parents mo? Mayaman naman kayo diba?" Ngumiti na lang ako saka di na ako nag-abalang sumagot.
Ilang taon na rin ang lumipas mula nung huli kong nakausap at nakita ang magulang at mga kapatid ko. At sa ilang taon na yun, ni minsan hindi ko naisip na humingi ng tulong sa kanila. Kinalimutan na nila ako bilang anak at kapatid kaya bakit ko pa ipipilit ang sarili ko?
Saka mula nung umalis ako sa mansion, hindi naman din sila nag-abala na kamustahin o bisitahin man lang ako kahit alam naman nila kung saan ako pupuntahan.
Huminga na lang ako ng malalim saka ko itinuloy ang pag-aayos ng mga damit na ititinda ko mamaya. Pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas ng loob sa tuwing naiisip ko ang pamilya konat kung anong nangyari sa akin noon.
"Nag-aabang na ang mga suki mo, Baks. Hindi na yata makapag-intay ng alas-otso." Natatawang sabi ni Justin saka niya rin inihanda ang tape, pentel pen, notebook at cellphone na gagamitin niya para sa online selling na gagawin namin.
"Sige maaga tayong magstart para maaga rin tayo matapos." Natatawa kong sabi saka ko inayos ang sarili ko sabay pindot ng go live sa facebook.
"Magandang gabi mga suki! Kamusta? Naghapunan na ba kayo? Kumain muna para bigay todo lang tayo sa pag-mine later." Natatawa kong bati sa mga viewers ko na sampu pa lang sa ngayon.
Rose Anne: sis, may pafree ka ba ulit?
Cielo Kerubin: good eve sis
Marie Mahr: ate loc mo?
"Taga Manila po ako, Sis." Natutuwa ako sa mga nababasa kong comments kaya inaasar tuloy ako ng iba kong mga suki na kung inlove ba ako at blooming daw ako.
Christine Tsong: ang fresh talaga lagi ni Madam! Extra fresh ka lang today!
"Ahahaha sana all na lang po fresh. Magandang gabi po sa mga bagong pasok sa ating live. Sa mga bago kong suki diyan, ako po pala si Jaimie Perez. Hello po sa inyo! Pa-share na lang po ng live para makapagstart na tayo." Napatingin naman ako kay Justin na nagthumbs up sa akin saka sabing 'Go girl! Para sa ekonomiya!'