Kabanata 7

39 0 0
                                    

Kabanata 7

Motto

(Ken Reyes point of view) 

Habang naglalakad sa hallway.. galing cr , naisip kong kumuha ng bulaklak sa garden. Para kay Sophia. Girlfriend ko! 

Biruin mo? one week ko siyang niligawan! ang tagal nun! pinakamatagal siya sa lahat ng niligawan ko! dejoke. almost 2 months ko talaga siyang niligawan.

Epal kasi yung bestfriend niyang si Ej piling ko may gusto kay Sophiang ko 'yun eh! subukan niyang magkagusto sa Phiang ko , hahagisan ko ng palakol yun sa mukha!

Naghanap na agad ako ng Pinakamaganda at  magandang gumamela , kasing ganda ng Phiang ko. Nakakita agad ako ng color yellow na gumamela , paborito niya kasi yung yellow. 

Pagtalikod ko .. naghanap ako ng hagdan .....kumaliwa .. kanan .. diretso .. ASAN NA'KO!?

LINGON..

LINGON..

LINGON..

May nakita akong babae .. nakablack , sobrang puti , sexy *O* kaso parang nakakatakot..This story is supposed to be Teen Fiction and Humor .. bakit may white lady dito? 

Nilapitan ko siya.. unti unti akong humakbang "Hello miss beautiful!" sabi ko at inakbayan siya. Sanay na kasi akong nang-aakabay nang babae. Lumingon siya sa'kin. Nakakunot ang noo.

*O* dyosa !!

"Excuse me?" In-english ako shet! hahaha 

"I'm lost , am I in Heaven? because there's an angel here! " tanung ko. Lalo namang kumunot yung nuo niya ... nakakatakot naman 'to! ang puti masyado eh.

"Oo! nasa Heaven ka! Heavenly East University ka tanga! Bakit ka ba nandito? malapit nang matapos lunchbreak niyo!" NIYO!? sino ba 'to? -_-

"Maka-niyo ka naman! anung section ka ba? tara na nga!" Hinila ko siya kahit sumisigaw siya ng teka. HAHAHA 

HANAP..

HANAP..

HANAP..

YUN! Nahanap ko din yung corridor kung saan naka pwesto yung room namin. tawa lang ako ng tawa habang hila hila siya. Sigaw kasi ng sigaw ng teka. hahaha. Napatigil ako ng takbo nang biglang may tumawag sa'kin.

"Hey mister Reyes!sinong may sabing pwede kang mangaladkad nang babae? kanina pa siya sigaw ng sigaw ng teka! nasa rules na dapat sinusunod lagi ang girls—-Ms. Villete!?" sigaw ni Ma'am Banda.

Napahinto ako sandali at nilingon yung babaeng kanina ko pa kinakaladkad. Tinitigan ko siya ng matagal.. Ms.Villete? parang narinig ko na'yun ahh?

Ms.Villete?

Ms.Villete..

MS.VILLETE!?

nabitawan ko siya bigla kaya muntik na siyang matumba.

"S-SORRY PO! HINDI KO PO TALAGA ALAM NA SI MS.PRINCIPAL SIYA! ANG BATA PO KASI NIYA! TSAKA—-" Magdadahilan pa sana'ko kaso pinatigil ako ni Ms.Principal.

"Okay lang." yun lang sabi niya at nag walk out na. napabuntong hininga nalang ako. Grabe! kinaladkad ko yung principal? woah. kinabahan ako dun ah? ang bata naman kasi niya.

Pabalik na'ko sa room nang maalala kong , may hawak pala 'kong bulaklak. Si Phiang! Shit. di pa pala siya kumakain. Bakit kasi naligaw pa'ko eh.

Nagmamadali akong maglalakad na'ko papasok nang room.Bigla akong hinarang ni Kathleen. Yung pinsan kong nakakasira ng tenga.

Heavenly East UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon