Kabanata 18

27 0 0
                                    

Kabanata 18 (MarReine) moments ♥

Naranasan mo na bang Ma-Inlove sa taong walang pake-alam sa LOVE LOVE na 'yan? pa'no kung yung taong nagpatibok ng iyong puso ay sadyang walang pake-alam sa'yo? How will you make her fall inLove with you?


Ito po ay special chapter ng MarReine ♥♥♥ means One Shot ng MarReine sa story ng ExpressBeauties =)


——

(Nicole Reine's point of view)


"Oh shit! meron pa pala akong re-review-in! bawal akong bumagsak!" napapasigaw na sabi ko habang nandito sa room ko dito sa dorm. Nakatulog kasi ako habang nagbabasa.Yeah! nag d-dorm ako! Ka-room mate ko si Trixia. Walang pasok ngayon dahil suspended at bumabagyo.


"Oy! reine..may party party daw sa bahay nila Kyle! tara na..Wag kang ano diyan ah?"sigaw ni Trixia. Papayag ba 'ko? eh kasi naman..mag re-review pa 'ko! Kailangan matataas yung grades ko kasi gusto ko ng kotse. Pag mataas ang grades ko..bibilhan ako! 


"Ehh pero—-" "Walang pero pero! magbihis ka na! para sa pagbabalik ni Kathleen 'yun! Friend natin si Kathleen tsaka ang boring dito! kaya magbihis ka na!" sigaw ni Trixia sabay bato sa'kin ng unan.


—AT PARTY—


(Trixia Miranda's point of view)


Hello, kilala niyo naman na siguro ako guys? o gusto niyo pang kilalanin yung kagandahan kong tagos hanggang balun-balunan? 


By the way, friend ako ni Nicole Reine, yung crush ni Marr Harley! nakaka-inis nga 'yun kasi lagi niya kaming tinatanung ni Jackielou kapag wala si Reine. Di naman namin sinasabi kay Reine dahil yun ang pinaka-ayaw niya sa lahat—Love. 


Halos 99.9% sa mundo naghahanap ng lover! tapos siya pabebe. Di rin namin alam ang rason. Ayaw niya ng Romance. Teen Fictions. Basta ayaw niya ng may kinalaman sa LOVE COUPLES. 


Mahal niya ang family niya. Pero yung usapang lovers chuchu..ayaw niya. Siguro ayaw niya ng feeling na nai-inlove. 


So, balik tayo sa present. Hinahanap ko na ngayon si Jackielou. May usapan kasi kaming pupunta kami dito. At imi-meet ang friendlali namin—Marr. Ililibre niya daw kami sa starbucks pag tinulungan namin siya. 


Walang kwenta kasi yung friend niyang si Aaron Santos! Hahaha. nalugi yun kay Crystal eh! Hahaha.


"Trixia!"Oh. Speaking of the devil..


"Wazzup Marr?"


"Asan si Reine?"


"Di sumama!"


"WHAT?"biglang lumungkot yung mukha niya, lakas ng tama kay Reine ah? Hahaha!


"Joke lang. Ayun oh! kumakain. Nakita mo na si Jackie?"


Heavenly East UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon