Kabanata 25

69 0 3
                                    

Kabanata 25 

Fieldtrip


(Trixia Miranda' pov) 



"Oh? birthday na birthday ko tahimik ka?" Tanung ni Reine. Ehh kasi..ano eh..uhm..masaya naman ako para kay Reine at Marr. Biruin mo? dalawang bestfriend ko magkakatuluyan..I'm so happy for them. 



Kaso natatakot ako..natatakot ako na baka kalimutan nilang may kaibigan sila at iwan nila ako.—kami ni Jackielou. Di'ba ganun yung mga taong may kaibigan? tapos kapag na-inlove iiwan nila yung mga kaibigan nila. Makakalimutan nilang may kaibigan sila. 




"W-wala lang 'to..si Jackielou nakita mo?" 



"Ah..nandun sa mga deserts.." Agad kong pinuntahan si Jackielou. Ayoko namang itanong kay Reine..yung kung magiging sila ni Marr iiwan ba niya kami? Like sa bondings, baka silang dalawa nalang palagi. 



Kasi naman..this past few days..di siya sumasama sa amin. At tsaka pag tinatanong ko, baka mas mahirapan si Marr na ligawan si Reine. 




"Jackie...ano ba 'tong nararamdaman ko?" Sabi ko kay Jackie tsaka inalog alog siya.




"Bakit,selos ka?" 




"Oy, hindi ah!"



"Wag ka ngang mag-deny! mas close kaya kayo ni Marr kesa sa akin!" Sigaw ni Jackie. Pero, no special feelings. Bestfriend ko lang talaga si Marr! Duh? 





"Naman eh! pa'no kung ..dumating yung araw na..iwan na tayo ni Reine kasi may Marr na siya?"Tanung ko pero binatukan niya lang ako. Awtsu T_T




"Wag kang praning! tsaka ayaw mo bang..magka-boyfriend man lang yung friend natin? Okay look, tignan mo, puro aral lang 'yan! kung iisipin para siyang tomboy dahil hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend!" Wow! parang kami nagka-bf na ah? pero kasi madami kaming crush tapos si Reine ni isa wala! -_-



"Okay then, kain nalang tayo!" Sabi ko at kumain na. 




Napalingon kami ng magsalita si Chrissia, nagpapa-alam na siya. Pupunta daw siya ng Japan. Kaya lahat kami ay napabitaw sa mga kinakain namin at napa-group hug. T_T 

Heavenly East UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon