Six

26.2K 991 192
                                    

ALEX

       

Nakatingin lamang ako sa kaniya habang magana niyang kinakain ang mga pagkaing niluto ko.

               

"Kung hindi ko alam na mamamatay ka na, iisipin kong patay-gutom ka na," pagbibiro ko ngunit ang totoo ay tila sinasaksak ang puso ko sa mga salitang iyon.

           

Napatigil siya sa pagkain saka nginitian niya ako na animo batang paslit. "Kaya ko nga sinusulit. I just don't know when will I last," aniya sa akin.

                         

"Sulutin mo na talaga! Tsaka pakamahalin mo na 'ko, sa impyerno wala kang makikilalang kasing ganda ko," tumatawang wika ko ngunit gusto kong pumalahaw ng iyak.

                         

"I will," aniya saka muling humarap sa pagkain niya at maganang nilantakan iyon.

                

"Maliligo lang ako," paalam ko sa kaniya saka malalaki ang hakbang na tinungo ko ang banyo.

         

Nang makapasok na ako ng banyo ay doon ko na pinakawalan ang mga impit na hagulgol na kanina ko pang pinipigilan kasabay ng paglagaslas ng tubig mula sa shower. Hindi ko maaaring ipakita sa kaniyang nanghihina at nasasaktan ako. Alam kong hindi niya iyon nanaisin, at higit sa lahat, hindi iyon makakabuti sa sitwasyon niya.

    

Isa pa..... mayroon kaming napagkasunduan, na alam kong sa ayaw at sa gusto ko man, kailangan kong panindigan.

           

*****

          

"Walang segundong hindi kita minahal," wika ko sa kaniya.

      

Bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap saka niya hinalikan ang buhok ko. "Be strong for me. Be the source of my strength. Kaysa ipag-mukmok kong mamamatay na 'ko, I want to enjoy my remaining hours with you," aniya saka mas hinigpitan pa ang pagkakayapos niya sa akin.

                   

"A–Axel," utal na untag ko sa pangalan niya. Gusto ko nang pumalahaw ng iyak.

            

Pinakawalan niya ako saka niya sinakop ng mga palad niya ang magkabilang pisngi ko. "I love you, Alex. Promise me that you'll be strong too. Promise me na magiging matatag ka para sa akin. Promise me na kahit mawala ako, hindi mo pasasakitan ang sarili mo. I want you to be happy. I want my dearest Lhayanna Alex Almeda to be the happiest, kahit hindi na ako ang magiging dahilan, importante sa akin ay masaya ka. Your happiness is what matters to me. Mawawala man ako—"

                

"Stop saying na mawawala ka!" angil ko sa kaniya saka ko siya pinanlisikan ng mga mata kong lumuluha.

            

"Let's face the truth. Nararamdaman ko rin naman. I could feel how this body of mine, rejects my new heart. Nasasaktan at nahihirapan ako na hindi ko dapat nararanasan. Death is inevitable. Death is the most painful truth.Kahit na sumugal pa ako kay Satanas, wala akong magagawa kung oras ko na," turan niya sa akin saka binitiwan ang mga pisngi ko.

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon