Twenty-six

20.8K 809 132
                                    

ALEX

       

Nakarating ako sa Phyrric at nakita ko si Missy na humahangos papunta sa interrogation room.

                     

"Missy? May problema ba?" pigil ko sa kaniya dahil mukhang hindi niya ako napansin.

                   

"May nakalabas ng black cell. Mabuti na lang at nahuli agad ni Callia. Hindi ko pa sure kung sino," sagot niya sa akin nang may pagmamadali kaya't agad na lang akong sumama sa kaniya.

                           

Nang marating namin ang interrogation room ay nakita namin si Callia na masamang-masama ang tingin sa babaeng kaharap niya.

                         

"Pakawalan n'yo 'ko!" sigaw nito. Tinitigan ko ang babae at unti-unting naging pamilyar ito sa akin. Alam ko nahawakan ko na ang file niya noon nang mag-filter ako ng mga cases.

                   

"Do you want us to kill you, Grace?" tanong ni Callia rito na may nagbabantang tono. Ang natatandaan ko, siya 'yong isang myembro yata ng Eerie 'kuno' noon na pinatatakbo ng ama ni Callia.

        

"Hayop ka!" singhal nito kay Callia ngunit hindi naman siya natinag sa ginawa nito.

                      

Lahat kami at napayuko nang dumating si tita Aeickel at naupo mismo sa harap nitong si Grace. Nakita ko ang pagrehistro ng takot sa mga mata niya nang makaharap na niya mismo si tita Aeickel.

                         

"Spill your plans or you'll die," deretsong wika ni tita Aei rito at mukhang nahintakutan ito lalo sa narinig.

                     

"Wala akong pakialam sa inyo!" anito at mukhang pinatatatag lamang niya ang tinig niya.

                      

Bumaling si tita Aeickel kay Missy bago nagsalita. "All agents must surrender their badge, guns, id, keys, and hard drive to me. Collect them all," utos nito at hindi namin alam kung anong dapat naming isipin sa sinabi niyang iyon.

                       

"B–Bakit po, Chief?" utal na tanong ni Missy.

                         

"Ayokong paghinalaan kayo kaya ginagawa ko 'to. Imposibleng makalabas ito ng black cell kung walang tulong galing sa isa sa nasa labas," walang gatol na sagot niya at kapwa kami napasinghap ni Syreen.

            

"No need for that, Mom," biglang pasok ni Aeignn sa senaryo. Hindi ko tuloy masundan ang mga kaganapan. Sumasakit ang ulo ko.

                                    

"Aeignn," tawag ni Callia sa asawa niya.

                

"Babe, I let her out," walang gatol na wika ni Aeignn. Kung kanina ay napasinghap ako kay tita Aei, ngayon ay gulat na gulat ako sa sinabi ni Aeignn.

                             

"What the actual fuck are saying?" galit na bulalas ni Callia.

                              

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon