Twelve

22.6K 969 143
                                    

ALEX

         

Sumikdo ang puso ko sa narinig kong iyon mula sa kaniya. Ayokong paasahin ang sarili ko sa mga bagay na imposible.

                      

"Gago ka! Sinabi kong tigilan mo 'ko, hindi ba!?" saka ko sana siya akmang sasampalin ngunit mabilis niyang nasalo ang kamay ko.

                             

"Walang maaaring manakit sa akin, Alex. Kahit ikaw pa ay hindi ko pahihintulutan. I don't care kung may asawa o anak ka na. I said what I said, and believe me.... you'll eventually fall for me, and you'll ask me to stay in your life forever," aniya saka niya biglang pinagsalikop ang mga palad namin at magkapanabay naming nilisan ang lugar na iyon.

               

Pinipilit kong kumawala sa hawak niya ngunit hindi ko magawa dahil ang higpit ng hawak niya idagdag pa roon na ang lakas niya.

             

Sapilitan niya akong isinakay sa sasakyan niya. Hindi naman ako sumigaw dahil ayaw ko ng eskandalo, dagdag pa roon ay alam ko sa sarili kong hindi niya ako sasaktan. Hindi dahil may tiwala ako sa kaniya, kung hindi dahil tiwala ako sa kung anong nararamdaman ko.

              

Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan at ako naman ay tahimik lamang, hanggang sa pasibatin niya ito na animo ba may nais siyang ungusan. Mabuti na lamang at malinis ang kalsada.

            

"Hindi ako magmamakaawa sa'yo na pabayaan mo akong maka-alis o mawala sa paningin mo. Ang tanging gusto ko lang itanong sa'yo ay kung anong pakay mo sa ginagawa mong ito?" Basag ko sa katahimikan habang may diin ang bawat salita ko.

                  

Mariin siyang pumreno, mabuti na lamang talaga at naka-seatbelt ako, kung hindi ay sumubson na ako sa salamin.

                      

Binalingan niya ako ng tingin habang nakabalatay sa mukha niya ang kaseryosohan. Ngayon ko pa lamang nakita ang ekspresyon na ito mula sa kaniya.

                       

"You made me so fucking curious about you. You made me so damn confused about your personality. Naguguluhan ako dahil kahit minsan ay hindi ako nagmakaawa sa babae. I make them beg for me, not the other way around. You.... you fucking made me like this at nakakagalit ang isiping iyon! How could a mere stranger turns me this way? You have no fucking right to invade my system!" may galit sa tinig na turan niya sa akin. Ang seryoso niyang mukha kanina ay napalitan ng tila gulong-gulong ekspresyon.

                   

Halos hindi ko makuha ang mga salitang binitawan niya. It is so hard to digest. Para bang may nangumpisal sa akin at hindi ko malaman kung paano ko iyon tutugunan.

                      

"Silver... Yeah, you are Silver," wika ko ngunit tila sinasabi ko ang mga salitang iyon sa sarili ko at hindi sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at tila ako nalulunod roon ngunit pinilit kong paglabanan ang pagkalunod. "I need to end things with you. Ayokong guluhin mo pa ako lalo. I need to think straight. Sa tuwing nakikita kita, naaalala ko lang lalo siya. You make me miss him more, you make me want to see him more, you make me want to beg God to bring him back to me, at ayoko nito... ayokong bumalik ako muli sa dating ako na halos i-give up pati ang anak ko dahil lamang sa kagustuhan kong makasama siyang muli. Dito kaya kong magmakaawa sa'yo.... I'm begging you, Mr. Coleman, stay away from me."

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon