PROLOGUE

53.7K 1.4K 229
                                    

FREEZELL SERIES #10

--

"UY! Balita ko nakabalik na raw si Vincent," pukaw sa atensyon ko ni Karyl at tila tumigil ang mundo ko sa narinig ko.

   

"H–Hindi ko alam. Wala akong balita," utal na tugon ko sa kaniya.

   

"Kasi naman sis, bakit ka pa nakipaghiwalay. Hindi ka makapaghintay ng four years?" Turan niya sa akin at mabilis akong napayuko. May mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.

      

Hindi lang naman iyon ang dahilan. Gusto ko sanang isagot sa kaniya.

    

"Mag-aayos muna ako nitong mga papel. Maiwan muna kita—"

     

"Hala! Nandito na ang manliligaw mong sobra-sobra sa aruga," putol niya sa akin at napatigil ako sa pagdampot ng mga folder sa mesa ko.

      

Nagulat ako dahil tuloy-tuloy siya patungo sa akin. Hindi man lamang niya binati ang mga nadaanan niyang tao na kalimitan niyang ginagawa.

   

Napadako ang nga mata ko sa mga mata niya at kitang-kita ko roon ang nagbabagang galit.

    

Walang sabi-sabi na bigla na lamang niyang hinaklit ang pulso ko at kinaladkad ako patungo sa parking lot kung saan narito palagay ko ang sasakyan niya.

     

Isinandal niya ako sa puwetan ng sasakyan niya saka pabalang na binitawan ang pulso ko.

    

"DAHIL BA BUMALIK NA SIYA KAYA HINDI MO NA MAGAWANG MASAGOT ANG MGA TEXT AT TAWAG KO!?" Kitang-kita ko kung paano pumaibabaw ang galit sa mga mata niya.

     

"Ano bang katangahan 'yang sinasabi mo—"

     

"JUST FUCKING ANSWER ME!" Sigaw niya sa akin. "ANO NANG ESTADO KO SA'YO NGAYONG BUMALIK NA SIYA!?"

     

"You're still nothing. Mula nang bumalik ka hanggang ngayon, wala na akong pakialam sa'yo—" Bigla na lamang niyang hinawakan ang batok ko at sapilitan na ginawaran ng halik ang mga labi ko.

      

Hindi pa siya nakuntento. Nilislis niya ng kaunti ang paldang suot ko saka hinimas ang hita ko na tila lalong nagpalulong sa akin sa sarap na kaya niyang ibigay.

    

Maya-maya pa ay humiwalay siya sa akin na animo nagtagumpay siya sa pakay niya sa akin.

     

"You, responding to my kisses only means one thing. You'll eventually fall for me, again. Don't worry, baby, I will take you properly kapag sinagot mo na 'ko," aniya at muli nanaman akong sinagibsib ng mapupusok na mga halik. Wala siyang kapaguran at kasawaan sa mga labi ko.

*****

KASALUKUYAN akong naglalakad sa hallway dahil may ipapasa akong mga report.

    

"Saan ka pupunta? Sa opisina ng hayop?" Agad akong napalingon sa boses na iyon at otomatikong napa-arko ang kilay ko.

    

"Paki mo?" Pambabara ko agad sa kaniya ngunit hindi siya natinag no'n.

"Sinusubukan mo ba 'ko?" Nakangising wika niya sa akin.

     

"Nasusubukan ka ba?" Pabalang na sagot ko sa kaniya. Ugaling-ugali niyang makialam ng buhay ng may buhay.

     

"If you're doing this, just so I will no longer pester you, then you're wrong. Kahit anong gawin mo, kahit harangin mo pa ako ng kung anu-ano, kapag sinabi kong mapapa sa akin ka, mapapa sa akin ka," mayabang na pahayag nito sa akin at biglaan na lamang inilang hakbang ang pagitan namin at bigla akong ginawaran ng isang mapusok na halik.

    

Ako na alagad yata ng mga diwata ng karupokan ay agad sinagot ang halik na iyon. Mabilis ko pang ipinalupot ang mga braso ko sa batok niya at ninamnam ang halik na iginagawad niya.

     

Nanglalambot na ang mga tuhod ko ngunit mas lalo pa itong nanglambot nang bigla na lamang niyang sinimulang ikiskis ang nakabukol niyang pag-aari sa akin. He's making his indecent moves again!

      

"Uhmmmm...." wala sa sariling ungol ko. Nang mapagtanto ko ang katangahan ko ay tila bumalik ako sa reyalidad at mabilis siyang itinulak.

     

"Gusto mo naman, pero bakit nagpapanggap ka pang ayaw mo? Huwag mong lokohin ang sarili mo. Alam kong nahuhumaling ka sa yakap at halik ko," nakangisi niyang wika sa akin na sadyang nagpa-init ng ulo ko.

     

"Tibay rin talaga ng tapang ng apog mo, e 'no?"

    

"Pinatibay mo," ganting sagot niya sa akin.

     

"I rejected you a hundred times, since your return. Hindi kita gusto. Hindi kita kahit kailan gugustuhing muli. Wala akong balak patulan 'yang paghahabol mo sa akin," matapang na pahayag ko saka pinahiran ng likod ng palad ko ang mga labi ko.

      

"Say that again," may pagbabanta sa tono na wika niya sa akin.

    

"HINDI.KITA.GUSTO—"

Bigla na lamang niya akong muling sinagibsib ng halik at narito nanaman ang pakiramdam na tila ako dinuduyan at nawawala sa sarili... muli ay tinugon ko ang halik at sa gulat ko ay bigla na lamang niyang dinakot ang dibdib ko at pinisil-pisil ito bago ako pinakawalan.

    

"Nahawakan ko na, kaya wala ka nang kawala pa. Huwag kang mag-alala, dahil sa oras na lumapat ang mga labi ko sa katawan mo, tiyak makakalimutan mo pati ang pagkatao mo."

    

I am Lhayanna Alex Buenafrancia-- Almeda, and he is......

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

Axel Leindeyl Freezell--Montealegre, THE INDECENT SUITOR.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

*****
Catchy? Hindi ko rin alam. Basta iba kasi ang plot nito. HAHAHAHA.

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon