Author's Note:
May mga bicolano na pahayag akong ginamit, sinisiguro ko naman na kahit hindi niyo naintindihan ang bicolano ay inyong maiintindihan pa din ang context ng nangyari. Usually parang inulit, iniutos, mga ganon lang ang mga pahayag na bicolano dito. Salamat sa pag-intindi.
Gustong-gusto ko po, talagang-talaga, na nakakabasa ng mga comments, reactions, suggestions, or pangingilatis ninyo. Kaya sige lang, comment lang!
First draft palang po, ine-edit ko naman usually mga gawa ko kaso gusto ko muna tapusin bago ko i-edit para hindi masyadong time-consuming. Bakit ko pinost agad? Para matulungan niyo ako kung sakali. Salamat!
🍂🍂🍂
Lagi ko nang pinagmamasdan ang mabini, kaaya-aya, at mala-diyosang kagandahan ng binukot ng Rawis na si Daragang Magayon.
Kakarating lamang ng binukot at ng kaniyang mga kaibigan sa tabing-ilog upang maligo, siyang palagi nilang nakagawian. Malinaw at napakalamig ng tubig dito na nanggaling sa di kalayuang mga bulubundukin.
"Iba talaga ang ganda ng Binibining Daragang Magayon"
Binatukan ko ang matalik at pangalawang Ginoo sa amin na si Taib. "Sira! Ang ibig sabihin kaya ng Binibini ay Daraga. Daraga: dalaga! Nakuha mo?" mahina ang aking boses dahil nagkukubli lamang kami sa isang masukal na bahagi, 'di-kalayuan sa pinag-liliguan ng binukot.
Napakamot sa kaniyang ulo si Taib, napangiti. Nag-akma naman ako na babatukan siyang muli. Ipinangsanggalang ni Taib ang kaniyang kamay sa ulo na may hawak na mga kadahunan.
"Ang tagal na natin na nagbabalik-balik dito upang masilayan ang Daragang Magayon, na talaga namang nakabibighani ang kariktan; mayumi-banayad sa pagkilos, pero di mo pa rin masyadong nakukuha ang kanilang pagsasalita. Ano ka na, Taib."
"Ay, hindi ko namang talaga maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga iyan."
Marahil sa may pagka-tagalog ang kanilang salita at malimit kaming makihalubilo sa mga Bicolano din na mga tribo sa Bagasbas kaya madali kong nahinuha ang kanilang salita.
"Hala, umayos ka at baka tayo ay makita."
Mula sa kaniyang pagkakasakay sa duyan, gawa sa ratan na nakabitin sa kawayan; may mga pinong tela na nakataklob sa dalaga upang pangprotekta sa araw, ay ibinaba ng mga binata ang binukot, na halos nasa tubig na: bawal sumayad ang anumang bahagi ng dalaga sa lupa. Sumilip at ngumiti ang dalaga sa mga binata. Ngumiti din ang mga binata at lumisan. Nang masiguro na ni Magayon na wala na ang mga binata at akala niyang wala nang nakakakita sa kanila ay agad siyang tumapak sa lupa.
"Agi na Kurab. Patugtuga na iyan na agung." Agaran namang sumunod ang maliit na babaylan na kasama lagi ni Magayon. Inilabas niya ang maliit na gong, may tali na hawakan, at saka itinapat ang kaniyang patpat na may balot na tela.
BINABASA MO ANG
Daragang Magayon: Ang Alamat ng Bulkan
FantasyAng palagiang pagkukubli at pagsilip ng Ginoong Panganoron ng Tayabas sa kariktan ni Daragang Magayon, ang binukot ng Rawis na tanyag kahit sa mga malalayong lupain dahil sa kan'yang taglay na kagandahan, ay nauwi sa isang madugong labanan. Noon lam...