Chapter 5

10 2 0
                                    

Kina's Pov,

Pagbaba ko ng sasakyan ko, naglakad na ko papasok sa school. Lahat ng madadaanan ko ay tumitingin sakin. Yung iba masama ang tingin habang yung iba hindi alam kung titignan ba ko or kung iirapan.

"Goodmorning Kina!" may biglang umakbay sakin.

Napatingin ako sakanya. "Get off."

Sinimangutan nya ko. "Ano ba yan, ang aga-aga tas ang sungit-sungit mo." bumitaw na sya sa pagkakaakbay sakin at sinabayan nya nalang ako maglakad. "Balita ko may bago tayong classmate mamaya."

Di ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Sana lalakeng pogi naman para gumanda ganda ang paligid sa room natin."

Bahala ka dyan. Masasayang lang ang laway ko kung kakausapin ko rin sya.

"Hoy, ano ba? Parang wala naman akong kausap dito. Magsalita ka naman, oh. Pipe ka ba?" tumigil sya sa harapan ko.

Tinignan ko lang sya.

"Salita ka kaya noh ket isang hi lang." tinaas taas nya pa yung dalawa nyang kilay.

Ok fine, para tigilan nya na ko. "Alex, move."

Agad syang umalis sa harapan ko at muling sumabay sakin sa paglalakad. Mabuti naman at madali syang kausap.

"Ay teka, have you heard? Ikaw ang nasa headline ngayon ng school." agad akong napatigil.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Ikaw ang nasa headline ngayon. 'The new girl saves the President's son'. Oh diba pak! Kabog!" ewan ko ba kung nangaasar sya o talagang gusto nya lang maging proud dun sa sinabi nya.

Hindi talaga maganda tong mga nangyayari. Gusto ko lang naman talaga na walang makaalam about dun pero sino ba kasi ang letcheng nagpakalat nyan?

"Aren't you surprised?" she asked.

"Not even a bit." walang emosyong sabi ko.

Nakita ko syang nagkibit balikat nalang. Sinabayan nya na lang ako sa paglalakad papasok sa classroom.

Pagpasok namin, ganon pa din ang eksena. Nakatingin parin sila sakin. Para bang pinagmamasdan nila ang bawat kilos at galaw ko.

Di ko na lang yon masyadong pinansin at umupo na ko sa kinauupuan ko. Katabi ko si Alex.

"Don't mind them." she whispered.

I know.

Sa kalagitnaan ng klase, may biglang pumasok sa classroom. Kinusot ko ang mga mata ko dahil inaantok na ko pero nang makita ko kung sino yung nakatayo ngayon sa harap ng klase, parang gusto kong sampalin yung sarili ko. Baka kasi nananaginip lang ako.

"Omg girl.. Si Lance oh."
"Grabe napakapogi pala talaga nya sa personal."
"Anong ginagawa nya dito?"
"Omg tinignan nya ko guys."

Nagsimula ng magbulung-bulungan ang lahat ng estudyante sa buong classroom.

"Quiet!" saway ng teacher namin. Agad din naman silang tumahimik. "Go on."

Sa totoo lang, napapaisip ako. Coincidence lang kaya lahat ng to? O sadya?

"Hi." agad ng nagtilian ang ibang mga babae. "I'm Lance." pagkasabi nya non nagtama ang mga mata namin.

Agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring nagsusulat ako. Well that was awkward.

"Anything else to say?" sabi nung teacher.

"None sir."

"Ok go and sit down." sabi nung teacher.

Kinalabit ako ni Alex. "Sabi ko sayo meron tayong bagong classmate e. Pogi pa." bulong nya sakin.

Best Friend of the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon