Kina's Pov,
Pagdating namin ni Geo sa school, lahat ng madadaanan namin ay tinitignan kami. Ewan ko kung sino ba ang tinitignan, kung kami bang dalawa o ako or si Geo lang.
Basta lahat talaga ng madadaanan namin ay pinagtitinginan kami. Syempre si Geo confused sa kung anong nangyayari kaya naman siniko nya ko.
"Cous, anong nangyayari? Bakit lahat sila nakatingin satin?"
Napakunot noo nalang talaga ako, "Di ko nga rin alam e. Pabayaan mo na sila, pumasok na tayo sa klase."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakasalubong namin si Nikki at ang mga alipores nya.
Andito nanaman ang impakta.
Habang papalapit sila samin, tinignan nya na ko mula ulo hanggang paa sabay irap sakin.
"It's you again." tinaasan nya pa ko ng kilay. "Ewan ko ba, anlaki laki ng school pero bakit kailangan pa kitang makita ngayon? Nakakasira naman ng araw ko yang pagmumukha mo." humagikgik ang mga alipores nya.Yun na yon? Yun na ba yung best line na ibubungad nya sakin? Ang aga-aga umeepal na sya.
"Tapos kana?" nginisian ko sya. "Sinasayang mo ang oras ko eh." naglakad na kami ulit pero bigla nya kong hinawakan sa braso ko.
Gusto ba talaga nya ng sapak?
"Stop right there, bitch." muka namang satisfied sya sa sinabi nya. Well then I'll give her that satisfaction.
Inalis ko ang kamay nya sa braso ko. "Gusto mong masapak?" umamba agad akong sasapakin sya at bigla naman syang umilag na parang takot na takot. Napatawa nalang ako sa reaksyon na binigay nya dun sa pagamba ko sakanya. She gave me the satisfaction that I want. What a good girl. "Scaredy-cat."
Pagkasabi ko non, umambang sasaktan ako nung dalawa nyang alipores pero biglang humarang si Geo at tinignan ng masama ang dalawang babae. "Do you girls want to get beaten up? Pumapatol ako sa babae."
Agad ng umatras yung dalawa pati narin si Nikki. "This isn't over yet, Kina. I'll get back at you remember that!" umatras na sila, "Let's go girls." at tuluyan na silang umalis.
Tinignan ko si Geo, "Nice one cuz, apir tayo dyan!" at nag-apir nga kami sabay nagtawanan.
"It's a good thing na hindi nila alam na di naman talaga ako pumapatol sa mga babae." natawa sya. "I just said that para matakot sila and they did got scared of it."
"Mga takot. Tara na nga." at muli na kaming naglakad papunta sa classroom namin.
~~~~~~~
Recess at nakapila ako ngayon para bumili ng makakain ko. Actually, dapat kanina pa ko nakabili ng foods ko kung hindi lang dahil sa magjowang sumingit sa pila. Sarap pagkukurugan e pero hinayaan ko na, magjowa naman e.
Nang makuha ko na ang pagkain ko naghanap na ko ng mauupuan pero mukang walang bakante. Nakatayo lang ako habang naghahanap kung may bakante pang mauupuan.
"Mukang sa classroom ako kakain nito." sabi ko sa sarili ko.
"Hey, there's available seat over there. Follow me." muntik ko ng matapon yung pagkain na hawak hawak ko dahil sa gulat.
Naglakad na ang babae pero huminto sya at nilingon nya ulit ako mula sa likuran nya. "Follow me." she said.
I really don't know kung susundan ko ba sya o hindi. Pero gusto ko na talaga makakain kaya naman sinundan ko nalang sya.
Pagkaupo namin, "Hi! I'm Alex. Nice to meet you Kina." she said smiling.
How does she know my name? Who is this girl? "Pano mo alam ang pangalan ko?"

BINABASA MO ANG
Best Friend of the President's Son
Ficção Adolescente"she will meet that one person that will completely change her whole life"