Chapter 6

7 1 0
                                    

Kina's Pov,

Nagising ako sa lakas ng tunog ng kung ano. Agad akong napabangon sa higaan ko, tinanggalan ko pa ng muta ang mga mata ko bago ako tumayo para bumaba.

"Ma, ano yon? Anong nangyayari?" confused ako anlakas nung tunog e.

Tinignan nya ko, "Wala. Nalaglag ko lang yung takip ng kaldero." sabay medyo natawa sya.

Napasampal nalang ako sa muka ko. "Ma naman. Akala ko kung ano na."

"Ok na rin yan. Atleast nagising kana, sige na kumain kana dyan."

Pagtapos kong kumain lumabas na ko ng bahay. Magbabus ako ngayon, wala kasing gasolina yung kotse ko ngayon. No choice.

Sumakay na ko ng bus at umupo sa dulong upuan. Sa totoo lang ayokong pumasok ngayon kasi panigurado ako ang pinaguusapan sa buong school.

Alam kong wala namang gagawin ang presidente about this pero sana lang di ako mapahamak sa mga nangyayaring to. Sabi pa naman ni Alex na once naissue na ko sa presidente, for sure hindi na magiging normal ang buhay ko ngayon. Well, it's just a dinner party. Nothing more and nothing less.

Pagdating ko sa school, sumalubong na agad sakin si Alex. "Good morning bestie!"

'What a great day' sarcastic na sabi ko sa sarili ko.

"Sikat ka na ah." sabi nya habang naglalakad kami. "Mukang marami ng babaeng magagalit sayo ngayon. Madaming fans si Lance dito, mostly girls kaya naman for sure ikaw ang pagiinitan nila."

"Wala kong pake." matipid kong sabi.

"May pake ka man o wala, andito ako. Poprotektahan kita sa mga crazy fan girls ni Lance." sabay matipid syang tumawa.

Di ko na yun pinansin pa at pumasok na lang kami ng classroom. As usual, all eyes are on me. But I don't care. Hayaan ko silang lumuwa yung mata nila kakatingin sakin.

Pagtapos ng klase, dumiretso ako sa locker ko. Pagbukas ko ng locker ko, may nakita akong note.

'Can we meet? 3 pm at the gymnasium. I'll be waiting.'

Sino to? Hmm.. weird.

Lumagpas ang 3pm at di ako pumunta sa gymnasium. Pero kanina ko pa iniisip kung ano ba o sino yung nandon. Nandon parin kaya yung taong yon?

Curious lang ako kaya pumunta ako sa gymnasium. Tutal uwian na rin naman, wala namang mawawala sakin kung aalamin ko lang kung sino ba yong nandun.

Ilang minuto din akong nagtagal don sa gymnasium pero wala naman akong nakitang tao.

Aalis na sana ako nang makaramdam ako ng presensya ng isang tao. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ko sya.

Nakatingin lang sya sakin sa malayo at nakapoker face lang sya. Sabi ko na nga ba e. Dapat di nalang ako pumunta dito.

Tumalikod na ko at naglakad palayo.

"Wait." ewan ko pero tumigil din ako. "I just need to say something."

Nakatalikod parin ako sakanya. "Go ahead."

"Thank you, Kina." parang natigilan ako saglit sa sinabi nya. Ewan ko pero nakaramdam ako ng sincerity dun sa sinabi nya. "Thankful lang ako kasi if it wasn't for you I wouldnt be here right now."

What's the big deal? It's true that I saved his life pero hanggang don nalang yon. Bat kailangan nya pang magpasalamat ulit? He already thanked me at the dinner party diba?

"I know I already thanked you but I just wanna say it again."

Ok fine. Sana di nya na ko kausapin pa ulit. Baka mas lalo lang kaming pagusapan. Ayoko ng ganon. I want a quiet life. That's all.

Hindi na ako nagsalita pa at tuluyan na kong naglakad palayo.

~~~

Lance's Pov,

She walked away without saying anything. I know she would react that way.

"Kuya?" napatingin ako sa likuran ko. "Anong ginagawa mo dito? Uwian na ah. Tara na sabay na tayo."

"Ok, let's go."

Lumabas na kami ng school at sumakay sa kotse. Paguwi namin, sumalubong agad samin si Yaya Josel.

"Buti dumating na kayo. Kamusta naman ang school?"

"It's ok ya." sabi ni Alex. "Ya anong ulam nagin dyan? I'm hungry."

"Ay hindi pa ko nakakapagluto. Tara tulungan mo kong magluto."

"Sure, ya." they head out to the kitchen.

I went to my room and lay down. Aaminin ko, naninibago pa ko sa gantong sistema pero alam kong makakasanayan ko ulit to.

Ever since kasi na naaksidente ang bestfriend ko, parang natakot na kong lumabas ng bahay. Sa tuwing lalabas ako, pakiramdam ko may mangyayari saking masama.

That's why I decided to just study at home. Pinutol ko din noon yung connection ko sa ibang tao. Pati sa mga naging kaibigan din namin ni Jacob. I actually miss them lalo ka na Jacob. I miss you bro.

Best Friend of the President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon