Kina's Pov,
Naalimpungatan ako sa ingay ng aking alarm clock. Bumangon ako para patayin ang ingay na yon at muling humiga para matulog. Gusto ko pang matulog.
"Anak, gising na dyan. May pasok ka pa." naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko. Minulat ko ang isa kong mata at si Mama nga yon, nakatingin sya sakin na parang mananabunot pag di pa ko bumangon ngayon.
"Ma naman e, inaantok pa ko oh." iritable akong bumangon mula sa hinihigaan ko.
"Bumangon kana dyan, naghihintay na si Geo sa baba." sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.
Naligo na ako agad at nagayos na sabay baba agad para makaalis na. "Tara na Geo." sabi ko.
"Oh teka, baon mo." inabot ni Mama yung perang baon ko. Kinuha ko yon at nagmadaling pumunta sa garahe para mastart na yung kotse.
"Tita alis na po kami!"
"Ma! Alis na kami."
"Sige, magiingat kayo ah."
~~~~~~~
Kina's Pov,
Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Ewan ko, ako lang ba or sadyang tama yung nakikita ko na pinagtitinginan nila ko.
May dumi ba ko sa mukha? Di ko nalang yon pinansin masyado at nang makapasok ako sa classroom namin, ganon din ang nadatnan ko. Nakatingin sila sakin habang naglalakad ako papunta sa upuan ko. Yung iba, hindi alam kung titignan ba nila ako or hindi.
Nang makaupo na ko, saktong dating ng professor. Salamat naman. "Goodmorning, class."
Pagtapos ng klase may lumapit saking babae. Maganda sya, maputi, kulot kulot ang buhok, tapos ang ganda pa manamit.
"Hi! Im Nikki." she reached out her hand, then shook my hands.
Well I didn't like that at all.
"What's your name?" she asked.
Di ko sya pinansin. Dedma.
"Are you deaf or something?" tinapik nya ko sa braso ko.
Sino nagsabi sakanya na pwede nyang idikit ang balat nya sakin? Nako masusuntok ko tong babaeng to, pag di pa to tumigil.
"I said, what's your name?"
Bahala sya sa buhay nya. Nagtitimpi lang ako sa panget nyang ugali. Ayoko namang mag cause ng scene dito kaya ako nalang ang iintindi sa babaeng to.
Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at binitbit ang bag ko para makapunta na ko sa susunod na klase ko.
Lalabas na ko ng room ng bigla syang humarang sa pinto kasama yung dalawa pa nyang alipores sa likuran nya.
I looked her in the eyes, "Move." sabi ko.
She glared at me and gave me a slight smirk. "Di mo talaga sasabihin sakin kung anong name mo?" she laughed. "Ok fine, malalaman ko rin naman yan maybe next day."
I gave her a smirk too, "Mukang desperadomg desperado kang malaman ang pangalan ko ah. Bakit? Ganon ba ko kaimportante sayo?" I glared at her. "Eh hindi naman kita kilala, actually we've never met."
"Me? Desperate? Oh you must be dreaming, darling. Ang isang katulad ko ay hindi basta basta lumalapit sa mga katulad mo."
"Then what do you think you're doing right now? Oh I know, you kept asking me what's my name" Natatawa nalang talaga ko sa babaeng to.
"Don't you know? There's rumors about you and Lance going around here at the campus. That's why inaalam ko kung sino ka ba para maichismis kay Lance ko!"
Im confused. Wala kong alam sa mga pinagsasasabi ng babaeng to ah. But, I gotta act cool.
"Sorry not sorry pero di ko kilala yang Lance na sinasabi mo, and wala rin akong pake kung sino sya o kung sino sya para sayo." tinulak ko sya para makadaan ako. "Oh and by the way, I'm Kina. Nice meeting you Nikki!" nginitian ko pa sya, yung mapangasar na ngiti para lalo pa syang mainis sakin.
She squealed at her friends in anger and that gave me a satisfaction.
~~~~~~~
Last subject, ilang minuto nalang at uwian na. At syempre pag malapit na uwian, nagiging excited na ang mga muka ng mga kaklase ko, nawawala na yung antok sa muka nila, nawawala na rin yung pagkabagot nila.
Ganon din naman sakin, kasi sino ba namang hindi matutuwa pag naguwian na dba? Siguro abnormal na lang yung hindi matutuwa pag uwian na.
"Ok class, that's it for today." pagkasabi ni sir ng ganon, agad nang nagtayuan ang mga kaklase ko sa upuan nila. "Ops teka lang, bago kayo umuwi may gusto lang akong sabihin sainyo."
Nagsiupuan ulit sila at naghintay sa sasabihin ni Sir.
"So simula thursday hanggang tuesday wala muna ko dito para magturo sainyo kasi aalis ako. Magbabakasyon.." sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Sir, may biglang pumasok sa room namin.
Mga malalaking tao na nakasuot ng black suit. Maskulado din at mga naka-black shades din. Parang agent ang datingan.
Dire-diretso sila sa pagpasok at nang makapasok na silang lahat, tumayo sila sa harapan ng board.
Umabante ang isa sa mga lalaki at may kinuha sya sa kanyang suit na isang maliit na papel at binuksan nya iyon.
"Ms. Kina Debia De Guzman, andito ba sya?"
Shit! Teka.. ako yun ah. Ano to? Bat alam nila ang pangalan ko? Ang buong pangalan ko? Sino sila?
Ewan ko kung magsasalita ba ko or kung tatayo nalang. Kinakabahan ako, baka pulis pala tong mga to tapos bigla ong arestuhin.
Wala naman akong ginawang krimen o kasalanan. Oo wala naman e, hay nako bat ba ko nagiisip ng ganto? Bahala na, bahala na!
Tumayo ako, "Ako. Ako si Kina." sabay sabay na napatingin sakin ang lahat ng tao pagkasabi ko non. "Bakit nyo alam ang pangalan ko?" hanggang ngayon confused parin ako kaya yun agad ang itinanong ko sakanila.
Lumapit sakin ang lalaking nagbanggit ng pangalan ko kanina at iniabot nya sakin ang kulay pulang sobre. Di lang sya normal na sobre, mukang ito yung mga sobre na ginagamit pang imbita sa may mga engrandeng birthday or party or special events.
"Ano to?" tanong ko. Di ko na muna binuksan yung sobre. "Para san to? Kanino galing to?"
"Ms. Kina Debia De Guzman, we are here to inform you that the President is inviting you to come to his dinner party tonight at his mansion."
Lahat ng kaklase ko, pati na rin ako ay nagulat sa sinabi ng lalakeng ito. Nanlalaki ang mga mata at namimilog sa gulat ang bunganga ng mga kaklase kong nakatingin sakin.
Wait, tama ba yung narinig ko? The P-President? WHAT THE HELL!? Teka bakit? Bakit ako? A-anong ginawa ko para imbitahan ako ng pangulo?
"Ako!? W-why me?" tanong ko sa mga lalaking to.
"We'll pick you up in front of ur house, and also your clothes for you to wear at the dinner party is already in your house. The President really wants to see you, he hopes that you will not reject his invitation."
Anong nangyayari?...
BINABASA MO ANG
Best Friend of the President's Son
Novela Juvenil"she will meet that one person that will completely change her whole life"