CHAPTER 13

137 15 8
                                    

Ability

Enzo's POV

     Tinuloy nanamin ang pagkukwento ng horror stories at matagumpay naman natapos ang activity, hindi na naulit ang pagkalabog na narinig namin. Pero hindi padin mawala sa isip ko kung may kinalaman ba dun si ey.

 Nang matapos ay dumeretsyo na kami sa sunod na activity na gaganapin.

   Kasama ko ngayon sina izer at nagghoghost hunting kami,
"pre ano kaya talaga nangyari kanina ano?"
Pagbubukas ng usapan ni jl habang ako naman ay nakatulala paring iniisip kung ano nga ba talaga ang nangyari.

"Nakakatakot 'yun pare nagsisisi tuloy akong sumama pa ako rito" may pagtawa pang sambit ni Izer. 

  Nang marating namin ang likod ng campus, puro matataas na puno lamang ang makikita at kadiliman nang paligid. Binuksan ko ang dala kong flashlight at nagsimula ng pumasok sa magubat na parte. Kasunod ko sila jl na nagtatalo pa kung sino ang mauuna sa paglakad.

"Ey?" sambit ko habang inaaninag ang isang aninong nakatayo sa likod ng puno ng acacia. Maglalakad na sana ako papalapit rito ng bigla nanamang pumasok sa isip ko ang sinabi ng anghel. 

"Pre sa'n ka pupunta?" pabulong na tanong ni Izer na hindi parin nawawala ang hawak sa braso ni Jl, mga duwag.

"A-ah -w-wala m-may n-nakita akong d-daga, daga! oo daga akala ko kasi multo alam n'yo na HAHAhaha-ha-ha" Pagpapalusot ko na mukang sinakayan naman nila.

Habang naglalakad kami ay napansin kong parang may gumagalaw sa may kumpol ng dahon kung saan malapit si Izer, sinenyasan ko ang dalawa na manahimik muna sandali at itinuro ang gumagalaw. Biglang may ahas na lumabas sa kumpol na iyon at akmang susunggaban ang kaibigan ko pero naunahan ko s'ya. idinilat ko ang mga mata ko at biglang nag apoy ang ahas. 

"Pare nahihibang kanaba?!, papaano kung may nakakita sa iyong ibang tao?!", nag aalalang sabi ni jl sa akin ngunit hindi ko iyon inintindi at nilapitan ang nangigisay pang ahas. 

"Kung 'di ko sinunog ang ahas, natuklaw na 'tong mokong na 'to", Sabi ko habang tinitingnan ang sunog na ahas.

Dahil sa takot na may lumabas muling ahas kung saan ay binilisan na namin ang ginagawa namin roon. Maya-maya pa ay naisipan na naming bumalik ng kani-kaniya naming tent upang magpahinga dahil sobra na ang lalim ng gabi. Habang naglalakad kami palayo sa may puno ng acacia kung saan ko nakita na nakatayo sa Ey kanina ay tila nakaramdam ako ng malakas na hangin na dumampi sa mga braso ko. Parang may humawak at gustong kuhanin ang atens'yon ko. napalinga linga ako sa paligid na nagbabakasakaling makikita ko muli si Ey, ngunit hindi ko s'ya naaninagan. 

"Gago pare ang lamig hati tayo sa jacket" Pangungulit ni jl sa'kin habang nakikisukob sa jacket ko habang si Izer naman ay nauna na sa'min sa paglalakad at nagtatatakbo na dahil natatakot na raw siya. 

Nang makarating ako sa tent ko ay agad akong pumasok at humiga dahil sa pagod.

Inalala ko ang nangyari kanina, matagal tagal ko ring hindi nagamit ang mga mata ko. Oo, tama ang nasa isip n'yo. Kaya kong magpalabas ng apoy gamit ang mata ko, pero kaya ko rin gamit ang palad ko. Hindi normal ang pamilya namin. Ako kaya kong magpalabas ng apoy, si jl kaya n'yang kumontrol ng bagay at si Izer naman ay kaya n'yang kumontrol ng hangin. Si ey? S'ya ang kumokontrol ng tubig. Ito ang lihim ng mga pamilya namin. 

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod at nagising nalamang sa tunog nang pito ng scout leader namin  na pinapabangon na kami dahil may activity na agad kami na gagawin. 

Ngayon ang pangalawang araw namin sa camping.

  Kinuha ko na ang gamit ko at nagsimula ng maligo sa isang banyo sa building kung saan kami malapit. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng katawan nang bigla kong marinig na may isang bagay na nalaglag mula sa isang cubicle. Minadali ko ang pagtatagtag ko ng sabon sa katawan ko at itinapis ang twalya sa aking ibaba. Lumabas ako saglit at sinilip kung saan nanggaling ang tunog kanina. 

Pag kabukas ko ng pinto ay biglang may sumalubong sa'king isang malakas na hangin pero sarado ang katapat na bintana nito, bigla kong naalala si Eyril.  Kaagad akong lumingon sa may pinto palabas ng cr at nakita ko ang isang anino ng babae na patakbong lumalayo mula roon. 


Pagkatapos ng insedenteng nangyari kanina ay hindi na nawala ang pag iisip ko kay Eyril. Buong activity ay wala ako sa sarili, sobrang daming gumugulo sa isip ko.

"Pre oh", Sabi ni Ivan sabay abot ng isang bote ng tubig. Si Ivan, isa sa mga kateammate ko kanina sa tag of war na nakapalagayan ko ng loob. Grade 10 na s'ya.

"Mukang malalim iniisip natin pare ah? Babae ba 'yan?" pabirong sabi n'ya

"Sira hahaha" 

"Ano nga pala kailangan mo?" paglilihis ko ng topic para maiwasan narin ang pagkukwento ko tungkol sa kaibigan ko. 

"Hinahanap ka ni tr. ja kanina pa, pumunta ka daw mamaya sa kanya" sabi n'ya sabay inom ng tubig. 

"Bakit daw pare?" nagtatakang tanong ko

"Hindi ko rin alam eh, sige mauna na'ko may gagawin pa'ko e'" paalam n'ya atsaka naglakad papalayo sa kinaroroonan ko.

Pinuntahan ko sila Izer atsaka nagpasama papunta sa kinaroroonan ni tr, ja.


"tr. ja, pinapatawag n'yo daw po ako?" kinakabahang tanong ko

"Maupo kayo" sabi n'ya, nandito kami ngayon sa office niya.

"Nakita kong ginamit mo ang kapangyarihan mo kagabi, mabuti nalamang at napigilan ko ang ibang estudyante na doon dumaan." sabi n'ya habang nakatingin sa may bintana ng kan'yang opisina. 

"Kinailangan ko pong gamitin tr. dahil tutuklawin na ng ahas si Izer." pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Your reason was valid but" pagpuputol n'ya pa sa salita niya. "Hangga't maaari ay ingatan mo/ ninyo ang paggamit ng mga kapangyarihan ninyo." sabi niya na nakatinginsa aming tatlo.

"Yes tr." sabay sabay naming sabi.


Buong araw kong inisip ang sinabi ni tr. ja. Paano nga kaya kung may nakakita sa aming mga estudyante. 

natigil ang pag iisip ko ng biglang pumasok sa tent ko si jl at tinanong kung sasama ba daw ako sa kanila mag dinner. Nag ayos lamang ako ng gamit atsaka sumama sa kanila.

habang naglalakad kami ay bigla ko nanamang nakita si Eyril sa may rooftop ng isang building. Nakamasid sa mga estudyanteng naglalakad at nagtatawanan. Kitang kita sa mata n'ya ang lungkot at panghihinayang. Nagpaalam ako saglit kayna Izer na may pupuntahan lang saglit at susnod nalamang sa kanila.

tinungo ko ang hagdan paakyat ng rooftop kung saan naroroon si Eyril. 

pagkaakyat ko ay naroon parin s'ya at nakamasid sa ibaba. Unti unti akong lumalapit sa kan'ya upang hindi n'ya maramdaman ang presesnya ko ngunit nang nasa tapat na ako ng likod n'ya ay sumakto ang pagharap n'ya at akmang pag alis.


Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata, at ganoon rin sa akin. 

"Ey..." may halong kaba at pananabik na sambit ko.

"Nakikita mo'ko?!"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stalker is a Ghost -Ongoing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon