Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

"Ate may darating daw na magtuturo sa amin maglaro"

Tumango ako sa sinabi ni Bebang. Nabanggit na sa akin ni Tatay iyon nung nakaraan.

"Ate mababait kaya sila?"

"Ate sa tingin mo hindi nila kami mamaliitin?"

Nginitian ko lang silang lahat bilang sagot. Si Bebang, si Totoy at si Itong. Nabalitaan na kase nilang magpapadala ang gobyerno ng mga boluntaryong magtuturo sa mga bata na maglaro ng iba't ibang laro.

Hindi ko ito gusto kasi mas mahalaga ang pag-aaral at mahirap ituloy ang ganyang gawain lalo na kung wala namang pera.

Mahirap ang mga tao sa baranggay namin kaya kailangan magsikap. Bata pa lang nagtatrabaho na. Saan dun isisingit ang paglalaro na mukhang hindi kayang magpakain ng isang pamilya?.

"Ate Tessie sa tingin mo ba maiintindihan namin sila"

Naiintindihan ko ang gusto nilang sabihin pero wala na kaming magagawa, paniguradong naka ayos na ang lahat, at darating na rin ang mga sinasabi nilang magtuturo.

"Magiging ayos din ang lahat"sabi ko at nginitian na lang silang lahat. Alam ko namang mahihirapan ang lahat pero kailangan din ito ng aming baranggay.

"Ma'am Tessie tawag ka ng tatay mo!"rinig kong sigaw ni Ate Ley. Ang aming kasama sa bahay dahil gusto ni nanay na may tutulong sa kanya maglinis ng bahay.

Nagtakbuhan na ang mga bata ng narinig nila ang sigaw ni Ate Ley. Tumayo ako at pinagpagan ko ang aking short.

Pagkapasok ko ng bahay, naghihintay na si Tatay sa sofa namin sa salas. Ang bahay namin ay tama lang ang laki. May ikalawang palapag. Pero ito na ang pinaka-engrande sa lahat ng bahay dito sa amin. Dahil na rin si Tatay ang kapitan ng aming baranggay, ang Sitio ng San Carlos, Pangasinan.

Hindi na bago ang pagpwesto ni Tatay sa salas, diyan lang naman talaga ang pwesto niya, lalo na kung walang trabaho. Diyan niya na rin kase kinakausap ang mga ka-baranggay namin na may hinaing o humihingi ng tulong.

"Anak, Teshiana, magiging busy si Tatay kaya sana ikaw na umasikaso sa mga bisita na darating. At kung sakali tulungan mo na lang si mommy mo, kilala mo naman ung mommy mo na iyon"

Tumango ako bilang sagot kay Tatay. Hindi na ako sumagot o nagsabi ng kahit anong hinaing dahil alam kong may gagawin pa siya. Ang dami niyang gustong gawin para sa baranggay pero hindi magawa dahil kulang sa budget at ang ibang may katungkulan sa trabaho na kanyang kasama ay hindi tumutulong.

Si mommy naman ay kaiba sa ugali ni Tatay. Ayaw ni mommy sa mahihirap. Agad na siyang lumalayo kapag nalaman niya ang katayuan ng buhay ng isang tao.

Kapag naman pinagsasabihan siya ni Tatay, pinagsasawalang bahala niya lang.

Hindi ko tuloy malaman kung paano at bakit sila ang nagkatuluyan.

Hinihiling ko sana sa darating na panahon magbago na si Mommy.

"Hija, Teshiana, We will prepare for the coming of our visitors. They will be here by tomorrow at noon time. Hope you will be pretty prepared when they arrive!"sigaw ni Mommy mula sa kusina, baka hinahanda na niya ang mga lulutuan at mga sangkap para bukas. Kahit naman ganuon si Mommy, hands-on pa rin siya sa amin ni Tatay. Bukod kay Ate Ley, may dalawa pa kaming kasambahay. Si Ate Ley ung tagaluto, si Ate Rie sa paglilinis at si Ate Drem naman ang nautusang bantayan ako.

Simula pagkabata kasama ko na si Ate Drem, kaya lang ngayon ay nakabakasyon siya, sa makalawa pa ang uwi niya.

Sa totoo lang, napakasungit ni Ate Drem lalo na kung tungkol sa gawaing labas ang ginagawa ko. Paulit ulit niyang paalala na ako ay isang prinsesa at hindi dapat naglalagi at nakikisama sa mga nasa putikan.

Player Until You Came(Sports Series 2)Where stories live. Discover now