Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3

Malapit ng dumilim nang matapos kami ni Bev. Minsan umaabot talaga ng gabi pero ngayon ay mukhang kaunti lang ang nagawa ni Aling Dolor kaya agad ring naubos.

Mabenta talaga ang ihawan nila lalo pag may inuman sa baranggay namin. Masarap naman kasi talaga ang tinda nila hindi katulad nung dun sa kabilang baranggay na parang hindi hinugasan ang mga paninda.

"Tes, tara na. Gising naman na si Mama kaya makakaalis na ako"sabi niya habang papalabas ng bahay.

Napansin ko ang hawak niyang brown paper bag, napakunot ang nuo ko.

"Para sayo, pasasalamat sa pag tulong saka para sa kakainin ko mamaya"sabi niya at binuntunan ng pag tawa.

Sigurado ako na para sa amin iyon, lalo na dahil ang lalagyan ay paper bag. Ayaw kase ni Nanay na plastic bag ang pag-lagyan kapag may dinadala sa amin. Kaya kung may ibibigay ang kapitbahay kung ayaw nilang hindi tanggapin ni Nanay, ilagay nila sa paper bag. O kaya kay Tatay nila iabot nang hindi alam ni Nanay.

May reason naman si Nanay kaya ganun, ayaw lang niyang maka-apekto sa paligid lalo na kung sa oras na itatapon na iyong basura. Hindi naman kami ang huling pag-dadalhan nun, kaya mainam nang sa simula pa lang maayos na.

Nagsimula na kaming mag-lakad ni Bev papunta sa shortcut, hindi sementado ang daan dito sa shortcut.

"Ate!"humahangos na tawag galing sa bandang harapan namin.

Napahinto kami ni Bev at hinintay lumapit ang tumatakbong si Itong.

"Bakit?"

"Hingang malalim Itong. Kalmahan mo lang"sabi ni Bev at hinimas ang likuran ni Itong.

"Ka-kanina ka pa-po hinahanap ng Mommy mo"

"Sige, salamat. Uuwi na rin naman kami, umuwi ka na rin. Gabi na"sabi ko at pasimpleng tinignan si Bev.

Mukhang naintindihan naman ni Bev ang gusto ko sabihin. Kumuha siya ng ilang laman na nasa loob ng paper bag at inabot kay Itong.

"Salamat mga Ate"sabi ni Itong pag-katanggap sa mga inihaw at tumakbo ulit papalayo, papunta sa bahay nila.

Ang mga bata talaga, ang tataas ng energy.

Nagsimula ulit kaming maglakad ni Bev.

"Hindi ka nag-aalala na hinahanap ka sa inyo?"

"Hindi, laging naman akong hinahanap sa amin"sagot ko na ikinatawa ni Bev.

Lagi akong hinahanap ni Nanay sa oras na nawala ako sa paningin niya, lalo na ngayon na wala pa yung inaasahan niyang magbabantay sa akin. Wala siyang matatanungan kung nasaan ako.

Pero wala ring makakapigil sa gusto kong gawin.

Nakita ko na nakaabang si Ate Ley sa labasan ng bahay namin. Pero sa malayong gawi na kung nasa loob ka ng bahay hindi mo siya makikita na nasa labas ng bahay.

Agad napatingin sa amin si Ate Ley na palipat lipat ang tingin sa kaliwa at kanan.

"Bata ka, yari ka sa Mommy mo. San ka na naman ba galing?"sabi niya na may diin at habang papalapit sa akin.

"Diyan lang po"sagot ko. Mas matanda sa amin si Ate Ley. Tumanda nang dalaga dahil kasama na siya ni Nanay simula bata pa lang siya.

"Halika na't may bisita kayo, ang Daddy mo ay pauwi na rin. Buti nauna ka pang nakauwi"

Sumunod lang kami ni Bev kay Ate Ley. Hindi kami sa harapan ng bahay dumaan.

May daan sa likod na diretso sa kusina, duon kami dinala ni Ate Ley.

Player Until You Came(Sports Series 2)Where stories live. Discover now