Chapter 4

0 0 0
                                    

Chapter 4

Tumayo sa gilid ni Tatay ung kausap niya, mukhang tapos na sila magka-mustahan.

"Boy's line up"sabi ng lalaking kasing edad ni Tatay. Agad tumayo ang mga lalaking nasa katapat naming sofa.

Nakatingin ako sa katabi ni Seichi, nakatingin siya sa lalaking katabi ni Tatay. Hindi man lang siya ngumingiti, pwera na lang sa kanina, ung simpleng iyon.

"Siana sa akin ang tingin"sabi ni Seichi kaya napalingon sa gawi namin yung katabi niya.

Tumaas ang kilay niya nang nakita na sa kanya ako nakatingin.

Hindi ko inalis ang tingin ko kaya ngayon katitigan ko na ang mga mata niya. Sa tingin ko mas mainam kung nakangiti siya.

"Introduce yourself boys"sabi ng katabi ni Tatay.

"Dave Sero Angeles, captain, ace, pitcher"pakilala ng lalaking malaki ang katawan. Taong gym siguro siya. May maganda siyang mukha bagay sa katawan niya, mukha nga lang barumbado. Pero may iba naman na hilig ang mga barumbado.

"France DeHaven, batter"mukhang hindi palasalita.

"Seiko Ouyama"

"Rien Seichi Kiriyama"

"James Bryan Cordeou, catcher"

"Ano meaning ng catcher?, Yun ba ung kapag may na-fall sasaluhin niya?"bulong ni Bev.

Tawang tawa ako sa isip ko dahil sa sinabi ni Bev pero ayokong tumawa ng malakas lalo pa't nakatingin sa amin yung James at baka akalain niya siya ang pinagtatawanan ko.

Natawa ako sa sinabi ni Bev pero hindi sa kanya.

Napatingin ako sa kanya nang mapansin na nakatingin na siya sa akin, sana hindi niya napansin ang pagtawa kahit sa isip ko lang ginawa.

Ang ganda ng mga mata niya.

Hindi ko na pinakinggan ang iba. Gusto ko lang naman malaman ang pangalan ng wirdong lalaking ito.

James Bryan Cordeou.

James pala ha.

Naalala ko tuloy yung napanood ko dati, manloloko daw ang mga may pangalan na James.

Kelangan ko balaan si Ivy, at mukhang gusto niya iyong lalaki. Pero mukhang gusto naman ni Ivy lahat ng lalaki na nandito. Sa lahat kase ng lalaki na nasa sala, lahat iyon ay tinitignan niya. Tinititigan ang mas tamang sabihin. Buti sana kung sa mukha lang, pero pansin ko ang pagbaba ng tingin niya.

Iba pa naman siya kung magka-gusto sa isang lalaki.

Naalala ko nuon, may nagustuhan siyang basketball player. Nung time na naglalaro sila para sa palaro ng baranggay tapos ay natapat sa pwesto niya yung lalaki. Bigla niyang tinalon kaya bumagsak sila.

Ang sabi niya sa amin ay may tumulak sa kanya na umalis kaagad. Ang nakita ko nun wala naman siyang katabi, pero baka hindi ko lang nakita nung tinulak na siya.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila Tatay at nung team. Nakatingin sa akin si Seichan.

Nginitian ko siya.

"Oo na, naalala na kita. Gusto pang sinasabi ko"nakita ko ang paglawak pa lalo ng ngiti niya.

Iniirapan ko si Seichan nang biglang tumayo ang kanyang katabi.

Itinaas niya ang kanyang cellphone, sumagot naman ng tango ang kanyang katabi.

Iniwan niya kami at lumabas siya ng pinto.

"Ang sungit ata nun"sabi ni Bev sa akin.

Natawa si Seichan sa amin at piniling makisingit sa usapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Player Until You Came(Sports Series 2)Where stories live. Discover now