SANTILLIAN SERIES
"Unseen Love"
[Gabrielle Santillian]
CHAPTER V
HABANG nagmamaneho si Brice kinukulit pa s'ya ni Gabrielle. Ganito pala eto kapag nasosobrahan ng lasing nagiging wild at wala na ang pagiging Santillian nito, daig pa ang taga eskwater kung bumirada.
"You know what Brice kung hindi ko lang mahal si Waverly alam mo ikaw ang magiging girlfriend ko. Maganda ka naman and I feel that you love me. Kaya lang ang walang hiya kung girlfriend may kayakap na ibang lalaki kanina." Napakunot naman ang noo ni Brice sa sinabi nito.
"So you mean yong girlfriend mo ang nakita mong may kayakap kanina?" Tanong naman ng dalaga.
"Yap. But anyway di pa kami nagkakaharap, baka nagkamali lang ako ng pang-unawa." Sabay bawi pa ng nagiging madaldal na si Gabrielle.
"Wow nakita ko yon noh, paano ka namang magkakamali eh kitang-kita din ng dalawang mata ko na magkayakap sila, at di bilang magkaibigan o magkapatid ang yakap na yon. Sus nilalamutak ng lalaki ang pwet ng girlfriend mo." Dahil nakainom din kung anu-ano din ang lumalabas sa bibig ng dalaga. Ginagatungan pa nitu ang nasa isipan ng kaibigan.
"Ayusin mo nga yang sinasabi mo, nilalamutak. Hindi ganoon si Waverly edukadang babae yon." Pagtatanggol pa ng lalaki.
"Fine eh di edukada kung edukada na nakikipagkalantaryo sa kalsada." Muli nanamang giit pa ni Brice.
"Kapag dika pa tumigil dyan, makikita mong hinahanap mo." Habang ikinukumpas ng lalaki ang daliri sa mukha nitu. Tumahimik naman si Brice. Lasing eto baka mamaya magalit pa at pagwalaan sya.
Nang marating ang mansyon agad namang, binuksan ng gwardya ang malaking gate ng bahay, gigiwang-giwang pa ang sasakyan habang minamaneho ni Brice. Hininto nya eto sa tapat ng malaking pintuan na tumutugon sa maluwang na sala. Sya ang unang bumaba at inalalayan ang lalaki na makaka baba, si Manang Lourdes ang sumalubong sa kanila, at inalalayan din nitu si Gabrielle. Matanda si Manang Lourdes kaya naman di na rin nitu kakayanin ang ganitong lasing kaya nasa likod lang eto.
"Manang saan ko ho ba to dadalhin?" Tanong ni Brice na nakasaklay pa rin sa balikat nitu ang isang braso ng lalaki.
"Sige iha mas makakabuti eh sa kwarto sa gilid mo nalang ng library dalhin yan tutal wala namang natutulog doon at di rin nyo naman kakayanin pang umakyat ng hagdan." Paliwanag ni Manang Lourdes.
"Sige po." Masayang tugon naman ng dalaga. Kumakanta pa sila pareho habang nilalakad iyon.
"Hay ang bigat mo naman Gabrielle eh, pwede ba wag kang masyadong magpabigat." Reklamo na ni Brice ng nasa tapat na sila ng pintuan.
BINABASA MO ANG
SANTILLIAN SERIES "Unseen Love"(Gabrielle Santillian) [Completed]
Romantik~"Ah, lust. It makes us forget anything we want to. The greatest relaxant, the greatest stimulant." ~"Patuloy kabang magmamahal sa taong hindi mo alam kung makikita mo pa s'ya? Patuloy mo bang panghahawakan ang pangakong hindi mo alam kung may kasig...