SANTILLIAN SERIES
"Unseen Love"
[Gabrielle Santillian]
CHAPTER I
HABANG pababa ang eroplanong sinasakyan ni Gabrielle hindi n'ya maiwasang maalala at balikan ang nakaraan, dalawampu't walong taon na ang nakakaraan mula ng magana ang aksidenteng iyon ng kanyang pamilya. Matapos na maikasal ang kanyang mga magulang sa Pilipinas na sila nanirahan pansamantala, at sa kasabikan ng kanilang mag-anak na palaging magkasama-sama palagi din silang nagpi-picknick, at kumakain sa labas. Ang kanyang Tito Christopher ang nagmamaneho ng oras na iyon habang papaakyat sila ng Tagaytay. Napakasaya nila at halos walang paglagyan ang tuwang nadarama nilang magkakapatid kasama ng kanilang ina at ng kanilang Papa. Kumakanta pa sila habang nasa byahe. Mas pinili ng kanyang Mama ang nasa middle class ng pamumuhay at hindi ganoon kagarbong buhay, iniwan din nila ang mansyon ng kanyang Papa at kumuha ng bagong bahay sa Quezon City. Ayaw din nitu ng body guard ang kanyang Papa. Para saan daw ba ang body guard? Para lang iyon sa mga taong may kinatatakutan o may matinding kaaway. Dahil mahal na mahal ng kanyang Papa ang kanyang Mama, sinunod naman eto ng kanyang Papa. Sa kabila noon di pa rin naman maitatanggi ang kanilang yaman, dahil magarbo pa rin ang kanilang pamumuhay at kahit na pigilin eto eto na ang kanilang nakasanayan at kakalakhan.
Isang grupo ang tila mga banggag o lasing ng araw na iyon at walang takot na animo'y may ari ng kalsada. Nakikipagkarirahan pa eto sa sasakyan nina Garrett. Ngunit di nalang pinansin ng mag-asawa eto at hinayaan sa pag-aakalang titigil din ang mga eto mabilis na nag-overtake sa kanilang ang dalang owner type ng ng apat na mga lalaki. Ngunit ang akala nilang wala na ang mga siraulong lalaki, nagkamali pala sila inaabangan lang pala sila nitu para mapaglaruan. Mula sa kalsadang kanilang lilikuan, biglang sumulpot ang ownertype jep ng mga lalaki, hindi na nakapag maniobra ang kanyang tito Christopher sa bigla, sumalpok sa kanilang sasakyan ang jep ng mga lalaking di nila kilala. At tuwang tuwa ang mga eto sa mga ginagawa nila.
Takot na takot sila at niyakap sila ng kanilang Mama, gustong lumabas ng Papa nila para harapin ang mga lalaki ngunit mabilis ding hinawakan ng Kanyang ina ang kamay nito. Hindi nakontente ang mga lalaki sa ginawa ng mga eto at hindi rin binigyan ng pagkakataon ng mga lalaking tila lulong sa droga na makamaniobra pa sila. Paulit-ulit na sinasalpok nito ang dalang sasakyan sa kanilang sasakyan. Malapit sila sa bangin hindi ganoon kataas iyon ngunit kapag nahulog ang sasakyan nila tyak namang mababali ang mga buto nila kapag gumulong iyon. Pinilit na isalba ng kanyang tito Christopher ang lahat sa kanila, ngunit sadya nga talagang sira ang ulo ng mga eto at wala sa sarili. Nag-iiyakan na sila. At mga sigaw nila ang tanging narinig, hanggang sabumulusok ang sasakyan nila pababa.
Isang milagro at lahat sila ligtas ng araw na iyon mahal din talaga ng langit ang kanyang pamilya, bukod sa pilay, bali ang buto, maraming galos, sugat sa mukha at putok ang ulo na natamo nila. S'ya lang ata ang naging masaklap ang kapalaran, dahil nakuha daw s'ya ng nagrescue sa kanila na halos puno ng bubog ang mukha at maging ang kanyang mata ay mayroong sugat. Ilang araw linggo s'ya sa ospital at palaging may piring ang kanyang mata, he was irratated that time, pero utos iyon ng doctor kailangan daw. Nakakausap na nya ang kanyang mga kapatid, ang Mama at Papa n'ya pero nanatili s'yang may piring sa mata.
"Ma why still they not removed this, I can't see anything." Maktol n'ya sa ina at hinahawakan ang bendang nakapaikot doon.
BINABASA MO ANG
SANTILLIAN SERIES "Unseen Love"(Gabrielle Santillian) [Completed]
Romance~"Ah, lust. It makes us forget anything we want to. The greatest relaxant, the greatest stimulant." ~"Patuloy kabang magmamahal sa taong hindi mo alam kung makikita mo pa s'ya? Patuloy mo bang panghahawakan ang pangakong hindi mo alam kung may kasig...