CHAPTER 17

8.3K 193 9
                                    

PAUPO na sana ako para kumain ng bigla akong pinuntahan ni Steffan.

"Bridget sumama ka sakin." Saad niya.

Nagtataka na tinignan ko siya. "Ehh? Kakain pa lang ako." Sabi ko.

Kinuha niya yung pagkain ko dahilan para mapasimangot ako. "Steffan naman!" 

"Go to your room and change. Pupunta tayo ng birthday." Sabi niya.

Nakasimangot na tumayo ako. "Sinong may birthday?" Tanong ko.

"Asawa ni Esteban, si Popcorn."

"Okay." 'Yon na lang ang nasabi ko bago pumunta ng kwarto ko.

V-Neck Sleeveless Midi Dress with Full Back Zipper ang naisipan ko isuot, ang problema hindi ko maabot yung zipper sa likod ko. Isinuot ko na din yung Christian Louboutin Kate 100m na iniregalo ni Kuya Isaac sa akin noong nagtapos ako ng Pharmacy.

Huminga ako ng malalim, mukhang wala akong choice kung hindi ang magpatulong kay Steffan.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Steffan sa kwarto niya pero walang tao. Paharap na sana ako para bumaba ng maramdaman ko na may humawak sa magkabilang bewang ko at dumampi ang labi nito sa leeg ko.

"Inaakit mo ba ako?" Mahinang tanong niya.

Ngumiwi na humarap ako. "Hindi ko kasi maabot, ipapasara ko sana sayo." Nahihiya na saad ko.

Isinarado niya yung zipper ng dress ko kahit hindi niya ako pinatalikod, napatingin ako sa kaniya. "Done." Mahinang saad niya.

Lumayo ako ng konti pero lumapit siya sa akin. "Steffan lumayo ka."

Hindi ko na magawang makaatras dahil tumama na ang paa ko sa pintuan, isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.

Para akong nanghina dahil hinalikan niya ang leeg ko na may kasamang kagat at pagsipsip ng balat.

"Steffan!" Itinulak ko siya.

Ngumisi siya ng tinignan niya ako. "Bakit mo ginawa 'yon?" Mahinang tanong ko.

"Nothing." Sabi nito bago tumalikod.

Naguguluhan na sinundan ko siya, naguguluhan ako para sa sarili ko dahil isang dahilan ay kakabreak lang namin ni John pero hinahayaan ko si Steffan na gawin 'to.

"Steffan!"

Hindi siya tumigil hanggang makalabas kami. Hinarap niya ako at pinagbuksan ng pintuan. "Get in bebe."

Inis na sumakay ako, isinuot niya sa akin yung seatbelt. Isinarado na niya yung pintuan at umikot ito atsaka sumakay na din.

Nagmaneho na ito, 20 minutes lang ay nakarating kami sa pinakaitaas ng Empire Village. Bumaba na ako at hinintay si Steffan.

"Hinintay mo sana ako at pinagbuksan kita ng pintuan." Sabi niya.

Hinawakan niya ako sa kamay at isinabit sa braso niya. "Hindi na kailangan." Sabi ko.

"I'm being gentelman here, bebe." Sabi niya.

"Sa iba na lang." Sabi ko.

"Why?" Nagtataka na tanong niya.

Hindi ko siya sinagot hanggang makapasok kami sa may garden. Inalis ko yung pagkakahawak ko sa braso niya ng makita ko si Kuya Isaac sa hindi kalayuan kasama yung mga ibang kaibigan nila.

"Bakit mo inalis?" Tanong niya.

"Si kuya nandito." Sagot ko.

Pleasing Steffan ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon